PBTYML-74

12.4K 240 19
                                    

~Third Person~

Apat na oras silang naghihintay lahat sa labas ng ICU kung saan naroon si Anthonette, kasalukuyang inooperahan parin.

Palakad lakad si Hanna at hindi mapakali.

"Anthonette please"paulit-ulit na mahinang sambit ni Hanna habang patuloy parin sa palakad lakad.

"mhie relax, nahihilo ako sayo maging okay siya, maging successful ang operation niya yan ang palage mong iisipin okay? Come here"hinila ni Carlo si Hanna at wala sa sarili itong umupo sa tabi ni Carlo.

Habang sina Abigail, Keven, Samuel, Kyle, Evelyn at butler Jhoe ay nasa maliit na chapel nagdadasal sila, malapapit lang ito sa kinaroroonan ng silid kung saan inooperahan si Anthonette.

Habang sina Hanson, Henson, butler Jhon, Aika, Carlo at Hanna ay naka-upo sa upuan malapit lang din sa silid kung saan inooperahan si Anthonette.

Si Aiko naman ay nandon sa loob dahil daw walang tiwala si Aiko sa sariling doctor ni Anthonette na galing pa sa cebu, tumutulong na rin si Aiko sa ginagawang operation.

Tahimik silang lahat, ramdam nila ang kaba, at takot.

"Anthonette anak, please lumaban ka naman anak oh, parang awa muna, h-hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko, please anak lumaban ka"bulong pa ni Hanna at saka tumayo ulit at palakad lakad, hindi napigilan ni Carlo si Hanna dahil mahina pa si Carlo, pinilit lang niya ang sarili na lumabas ng silid para samahan si Hanna at para narin sa operation ni Anthonette.

"don't lose hope mhie, everything will be alright, please calm down mhie"nag-alalang sabi ni Carlo sa asawa.

"dhie paano ako kakalma? kinakabahan ako, natatakot ako, di kuna alam kung ano ang gagawin ko, kanina, napanaginipan kuna naman siya"sagot ni Hanna kasabay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilang tumulo.

Lakad ng lakad si Hanna habang nagpatuloy sa pag-iyak niya, pasulyap-sulyap siya sa pintuan ng silid kung saan inooperahan ang anak niyang si Anthonette.

"nagmamakaawa siya sa akin dhie, nagmamakaawa siya na ayaw na niya, na hindi na niya kaya, lumuhod pa siya sa harapan ko, nagmamakaawa na huwag akong umiyak kapag nawala siya, dhie paano kung mawawala siya ng tuluyan sa atin? hindi ko kakayanin dhie, paano ako kakalma? paano kung totoo yung panaginip ko? paano kung pagod na talaga siya? ayoko, hindi ako papayag na mawala, ayoko hindi ko kakayanin, dhie anong gagawin ko?"umiiyak na saad ni Hanna at napa-upo, habang patuloy na umiiyak.

Dahang-dahang tumayo si Carlo para sana puntahan at patahanin ang asawa ngunit napangiwi siya dahil sumasakit ang mga sugat niya.

Ganon din si Hanson, gusto niyang alu-en at patahanin ang dating kasintahan ngunit hindi niya kayang tumayo sa wheelchair na inuupuan.

Lumapit si butler si Jhon kay Hanna at pinantayo ito at niyakap, umiiyak parin si Hanna.

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa Linda, alam natin na malakas yang si Anthonette, nakaya niyang lumaban noon kahit ilang buwan palang siya noon, alam kung lalaban siya, tumahan kana Linda, hindi totoo ang napanaginipan mo dahil panaginip lang yun, umupo kana doon sa tabi ng asawa mo, maging maayos ang lahat yan ang iisipin nating lahat, hindi siya pwedwng mawala sa atin, tandaan mo yan"madamdaming salita ni butler Jhon at pinahid ang luha ni Hanna.

"sana nga kuya Ken, sana nga"humihikbing sagot ni Hanna, inalalayan ni butler Jhon si Hanna pa-upo sa tabi ni Carlo, agad na niyakap ni Carlo si Hanna, kasabay doon ang paglabas ni Dr.Gary Davin Ali, ang doctor ni Anthonette na galing sa cebu.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now