1.SILAKBO

111 4 0
                                    

SILAKBO

Sa isang bayan sa Taal, nakatira ang mag-asawang Chua mayroon silang nag-iisang anak si Xia Chua. Lumaking mabait at masunurin si Xia sa lahat ng gusto ng mga magulang niya. Hindi rin maikakaila na maganda si Xia sa katunayan nga ay siya ang tinaguriang pinakamaganda sa paaralang pinapasukan niya. Perpekto siya kung tutuusin dahil ang pamilyang pinanggalingan niya ay ubod ng yaman at napakamakapangyarihan. Hindi lamang yun siya rin ang nanggunguna sa klase nila.

Madaming nagsasabing napakaswerte ni Xia ngunit lingid sa kanilang kaalaman hindi ginusto ni Xia ang lahat ng papuring natatanggap ngunit anong magagawa nito kung ang mga magulang niya ang komokontrol ng buhay niya. Kahit sa kaibigan ay wala siyang maituturing na totoo sa kaniya. Sa katunayan ay di-hamak na mas maswerte ang mga taong kahit mahirap ay napakalaya. Pinasawalang bahala na lamang niya ang pagiging preso niya sa sariling buhay sa pagaakalang mananatiling ganoon ang kapalaran niya ngunit doon siya nagkakamali.

Dumaan ang maraming taon nakaakyat na siya sa kolehiyo doon nakilala niya ang sinisinta ng kanyang puso si Yvren, isa itong purong pilipino at ang taong mas nagpasaya sa kanya kaysa karangalan. Ang taong nagpamulat sa kanya kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig kahit na ito ay pobre. Oo nga at mahirap nga ito pero ito naman ang pinakamasipag at wais sa lahat ng pobreng nakilala niya. Subalit ang pagiging pobre nito ay hindi katanggap-tanggap sa mga magulang niya. Iba ang gusto nila para sa kanya ang tanging nais nila ay mapunta ito sa mga kamay ng mayamang tulad nila

Isang gabi, nagtataka si Xia kung bakit nasa bahay nila si Yuan, ang kababata niyang tsino. Tanging ang makasasagot lamang ng kaniyang mga katanungan ay ang kaniyang ama.

"Papa, anong ibig sabihin ng pagdating ng pamilya ni Yuan dito." sambit niya habang natatakot sa sasabihin ng ama.

"Xia nais namin na maikasal ka kay Yuan sa lalong madaling panahon. Hindi namin hahayaang maikasal ka sa pobre mong kasintahan."

"Sinasabi ko na nga ba at iyan ang dahilan. Kaya pala ganyan ang trato niyo sa aking kasintahan ngunit patawad subalit ang pipiliin ko ay ang lalaking mahal ko.Dahil higit na mahalaga siya kaysa sa kayamanang nais niyong mapanatili."

"Wala kang kwentang anak huwag mo akong sinisigaw sigawan baka nakakalimutan mong ako parin ang ama mo, iyan ba ang itinuturo sa iyo ng pobreng yun. Eh di hamak na mas matalino at napakayaman ni Yuan kesa sa taong iyon"

  Doon na napagpasyahan ni Xia na umalis sa kanilang tahanan. Tinawagan niya ang kanyang kasintahan upang puntahan siya sa parke. Kasabay ng malakas na ulan ay walang pag-aalinlangang pinuntahan siya ng kanyang nobyo. Niyakap siya nito kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha kahit alam niyang maaring ipagkayari siya ng kanyang mga magulang ay hindi niya ito inisip dahil buong akala niya ay iba ang kaniyang mga magulang.


  "Bakit ganoon sila,Ipinagkakait nila sa akin ang kaligayahang tinatamasa ko sa iyo" lalo siyang niyakap ni Yvren.


  "Mahal ko,pangako nandito lang ako kahit gaano pa sila kayaman ang pagmamahal ko ay hindi maihahalintulad sa salapi. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa iyo hanggang kamatayan."


  "Kahit mahal ko sila mas mahal kita dahil ipinaramdam mo sa akin ang tunay na kalayaang hindi nila naipamalas sa akin."


  Sabay na naglakad ang magkasintahan paalis sa madilim na parke. Habang papatawid napansin nila ang isang mabilis na sasakyan na papunta sa direksiyon nila. Mabilis ding kumilos si Yvren at itinulak siya papalayo. Kitang-kita ni Xia ang kalunos lunos na pangyayaring tumapos sa kanyang pinakamamahal na lalaki sa mundo. Lalo siyang nasaktan ng makita kung sino ang bumangga sa kanila si-Yuan.


  Nilapitan niya si Yvren at niyakap ang walang buhay nitong katawan. Wala na ang taong nagpaligaya sa kanya. Ang taong nagpalasap sa kaniya ng tunay na pagmamahal. Tumayo siya at mabilis na hinablot ang baril ng kasamang gwardiya ni Yuan.


  "Hinding-hindi ko papakasalan ang taong pumatay sa taong pinakainiibih ko. Kahit kailan hindi mo siya mapapaltan sa puso ko dahil siya na ang naghahari dito. Mabuting mamatay na lang ako kaysa makasama ang isang krimenal na tulad mo. Hanggang kamatayan siya at siya paring ang iniirog ko. Paalam sa mundong ginawa akong preso" kasabay ng pagputok ng baril bumagsak ang katawan ni Xia.


  Sa huli, magsisi man ang mga magulang ni Xia at maipakulong man si Yuan ay hindi na nila maibabalik ang pinakahalagang yaman na meron sila. Alam nilang ang kamatayan ng anak nila ay hindi naging masakit dito dahil nakasama nito ang lalaking naghahari sa puso ng anak nila.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAALALA

KAPAG NAGMAHAL KA HUWAG MONG IBIGAY ANG LAHAT SIGE KA MASASAKTAN KA SA HULI.BAKIT HINDI MUNA NATING PAGARALANG MAHALIN ANG MGA SARILI NATIN.

-skysavier

-COPY TO GOOGLE YUNG IMAGE>PAHIRAM PO AT THANKS

My Compilation Of Works/OutputOù les histoires vivent. Découvrez maintenant