\Dati..
Tanda mo pa ba nung tayo ay bata pa
Walang pang muwang sa masaklap na mundo
Kasama ka sa saya pati sa kalungkutan
Pati na sa kalokohan nadiyan ka't kapiling
Pero lumipas ang panahon
Kailangan mo ng lumisan
Umalis ka ng wala man lang paalam
Nalugmok sa kalungkutan at kapighatiaan
Akala ko madali ang lumimot
Pero paano lilimutin ang magagandang alaala
Alaala ng lumipas na unti-unting kumupas
Alaala kung paano kita sinimulang ibigin
Oo at inaamin ko nahulog na ako
Nahulog na sa iyong mga salita
Pati na din sa iyong ngiti at tawa
Sa sobrang pagkahulog ako'y tuluyang nasaktan
Nasaktan pagkat ako ay limot na
Nasasaktan dahil may minamahal ka
Paulit-ulit akong nasasaktan pero paano
Paano hahanap ng iba kung ikaw ang laman
Laman ng puso at isip ko
Nagsisi parin akong hindi man lang nagawang umamin
Nagsising hindi ko ito napansin agad
Huli na nga ba talaga kung tadhana na ang naglalayo sa ating dalawa..