Two.

1.1K 66 22
  • Dedicated kay April de La Cruz
                                    

 

"SO DID you dump her or did she dump you?" binugbog ako ng mga tanong ni Mako. Hindi kasi ako pumasok ngayon kaya ininvade niya ang bahay ko. Siya rin ang kumuha ng sasakyan ni dad. Ayaw niya nga sana kaya lang tinakot ko na isumbong kay Cannah ang mga pornmags na itinatago niya sa pinakailalim na part ng cabinet niya.


"I don't know. I just..left. Teka akin 'yan Mako! Give that back."


"Tumigil ka nga. Pang-ilang bote mo na ba 'to? Tirik na tirik ang araw tapos nagpapakalasing ka. Nag-absent pa ako sa last period natin para sa 'yo tapos ipagpapalit mo ako sa alak? Sipain kita riyan e."


"Just let me, okay? I'm broken right now. I lost her."


"Well that's bull, alright. You did not lose her. Ni hindi siya naging sa 'yo."


"Kaibigan ba talaga kita? Bakit mo nilalagyan ng asin ang sugat ko, ha?"


"Tigilan mo nga ako sa mga drama mo. I did warn you, ok? Pero ano? Hindi ka nakinig. Nagbulag-bulagan ka. O ngayon kaninong kasalanan 'to?"


"Shit. Bullshit. Just shut up."


"Unfortunately, I have this mouth that won't shut up until his stupid bestfriend admits that he's the stupidest human being in the whole world."


I sighed. Bakit ko nga ulit siya naging kaibigan? "Oo na nga. Hands up. Ako na ang mali, ang tanga, ang bobo. Okay na?"


"Yeah, that will do. Well atleast you have me, the coolest bestfriend you could ever have."


I scoffed. "Mako maappreciate ko talaga kung tatahimik ka na," ibinaon ko ang mukha ko sa unan.


"Okay, okay. You're so stingy. " Despite his mouth, grateful ako dahil kaibigan ko ang maingay na 'yan. "Teka, ano'ng ginagawa ng kulay fuchsia na payong sa kwarto mo, Sid? After sa nangyari kagabi don't tell me you decided to be—"


"Like hell I will! Just so you know I'm straight!"


"E ano'ng ginagawa nito rito? Magic?"


"Kay Juno 'yan. Pinahiram niya sa 'kin kagabi."


"Shit Sid! Nilalagnat ka ba? Baliw ka ba? Si Juno?! Sigurado ka bang siya iyong nagpahiram sa 'yo? Baka naman nananaginip ka lang kagabi?"


"I'm just brokenhearted Mako, matino pa ako. Mas matalino pa rin ako sa Math sa 'yo. At si Juno iyong kagabi. Siya 'yon. Oo, siya nga 'yon."


"Bakit parang hindi ka sigurado?"


"Ulol. E nagulat kaya ako. 'Di ko naman iniexpect na lalapit siya at kakausapin ako."


"Why don't you try dating her?" tiningnan ko si Mako na parang may sampung ulo siya sa paningin ko ngayon.

Maybe Next Time It Will Hurt Less | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon