Simula

27 2 0
                                    


Simula


"The Miss Intramurals 2019 is..."

Nagbigay ako ng maganda at malaking ngiti sa kagarap kong kandidata na si Erin, isang grade 10 student na sikat na rin bilang beauty queen sa school. Lumalaban na siya kung saan saang pageants sa school o sa ibang lugar. Bakas sa kaniyang mukha ang kaba habang nakangiti ako at ang mga kaibigay ko ay sinisigaw ang pangalan ko at winawagay ang malalaking banner na may mukha ko.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumali ako sa mga pageants. Elementary pa lamang ako ay isinasali na ako sa mga pageants na  Lakambini at Ms. UN. Nananalo ako sa lahat ng mga pageants na nasalihan ko sa school man o sa aming lugar. May isang beses pa nga na si Erin ang nagkorona sa akin. 

Maraming nagsasabi na bagay na bagay ako sa mga pageants dahil sa tangkad ko kahit hghschool pa lang ay umabot na akong 5'7 at may tamang laman lamang ang katawan ko. Kayumanggi ang balat ko at namumula ako pag natatapat sa araw. Maliit din ang mukha ko na may tamang laki ng mata, tangos na ilong, at sobrang nipis na labi.

"Who's your bet?"

Mas lalong umingay ang audience, iba-iba ang kanilang mga sinisigaw ngunit nangingibabaw ang sigaw sa pangalan ko. Sumigaw rin ang mga pinsan ko na kasama ang kani-kailang mga kaklase na ako rin ang sinusuportahan.

"The Ms. Intramurals 2019 is Ms. Charlotte Isla Santiago"

Niyakap ko ang katabi kong kandidata at nagpahayag  siya ng congrats sa akin dahil naging magkaibigan din kami. Binigyan siya ng sash at bouquet. Sakin naman ay pumunta sa akin ang dating Miss Intramurals at kinoronahan ako at siya rin ang nagsuot sa akin ng korona.

"and again our Miss Intramurals 2019, Ms. Charlotte Isla Santiago for her victory walk." Sabi ng master of the ceremonies.

Nagpatugtog sila ng Miss Independent. Naglalakad ako nang mabagal at sinisigurado kong sa bawat paglakad ay pumipitik ang aking balakang. Nang makarating ako sa pinakadulo ng stage ay umikot ako na tinilian ng lahat dahil nagawa ko ito nang perpekto at malinis.

Naging mabilis ang oras at andito pa rin ako sa stage at hinahayaan ang sariling picture-an ng mga nanonood. Ang mga unang nagpapicture sa akin ay ang mga kaklase at kaibigan ko. Nagpicture din ang aking mga pinsan kasama ang aking magulang na nandirito rin.

Kinograts ako ng mga tao na makikita at madadaanan ko pati ang mga teachers at principal ay nagcongrats din at sinabing deserve ko ang koronang nakasuot sa akin ngayon.


"Charlotte, magbihis ka na rin at may dinner tayo kasama ang mga business partner natin. Mauuna na kami ng mga tito at tita mo, bilisan niyo at aantayin kayo ng driver ng mga pinsan mo" Pahayag ni mommy na agad kong tinanguan.

Nagpasama ako kay Andrea, ang pinaka kaclose kong pinsan para makapagayos. Pinalitan ko ng white floral dress ang aking gown. Tinanggal ko na rin ang make-up ko. Hinayaan ko lang ang suot kong 6 inches heels dahil hindi na rin ako nasasakitan sa pagsusuot ito. Pumasok na agad kami sa sasakyan kasama ang iba ko pang mga pinsan at kapatid.

Hinatid kami ng driver sa napakalaking white na bahay. May fountain ang harap ng bahay at malayo ang bahay sa gate. Masasabi kong mayaman ang may-ari ng bahay na ito. Pagkapasok namin ay sumalubong ang napakalaking chandalier at magagandang furnitur na alam kong galing sa company namin  na Eleganza, ang isa sa pinakamalaking furniture company sa Pilipinas.

"Andito na pala ang mga bata. Pasensya na kayo kung nalate sila at yung anak kong si Charlotte sumali pa sa pageant." paghingi ng paumanhin ni mommy sa kaibigan at business partner niyang si Mrs. Forbes. 


Tinignan ko ang long table at nakita kong andito na ang mga tito at tita ko pati sina Mr. and Mrs. Forbes. Sa dulo ng long table ay may dalawang halos kaedad lang din namin ang nandoon na babae ay lalaki. Pinagmasdan ko ang babae at masasabi kong maganda siya sa maputi niyang balat at soft features. May mukha siyang mukhang hinding hindi gagawa ng kasalanan. 

Lumipat naman ang tingin ko sa katabi nitong lalaking pamilyar sa akin. Nakikita ko siya lagi sa school at kabatch siya ng kapatid kong si Zeus. Sa pagkakaalam ko, siya ang captain ng basketball team. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero kilala ko ang mukha niya dahil nakikita ko siya 

Tinapunan ko naman ng tingin ang lalaki. Nakikita ko ito sa school namin at kabatch siya ni Zeus, kasama ito sa Basketball team sa katunayan ay siya ang captain nito. Hindi ko siya kilala sa pangalan ngunit kilala ko siya sa kaniyang mukha. Hindi rin kasi ako mahilig manood ng basketball game, minsan lang ako nanonood kapag napipili akong muse. Ngayon ko lang siya Nakita nang malapitan. Ang puti niya rin ngunit makikita mo sa mukha niya na parang suplado sya, parang walang pake sa lahat ng makikita niya. Hindi ko siya Nakita kanina nung pageant ko kaya tingin ko ay wala talaga siyang pake alam sa mga events sa school.

Bigla siyang tumingin nang malalim sa akin na parang kinakabisado ang mga katangian ng aking mukha. Napalunok ako dahil kilala ko siya at nakakapanlambot ang kaniyang mga tingin. Hindi pa rin siya bumibitaw sa tinginan naming at tinagilid niya pa ang kaniyang ulo na parang nanghahamon pa ng staring contest.

"Leni, Renz. Makipagkilala kayo sa mga bata. Mas mabuting magkakilala kayo lahat dahil magiging mag business partners na kami ng mga magulang nila." Sabi ni Mr. Forbes.

"Hindi ba magkaedad si Renz at Zeus?" tanong ni mommy.

"Ay oo Doktora parehas silang Grade 10 na." sagot naman ni Mrs. Forbes. Doktora ang tawag nila kay mommy dahil isa siya dermatologist. May sarili siyang clinic at sikat na rin ang clinic niya dahil pinuputahan din ito ng mga artista at model at ang ibang business partners naming ay si mommy ang derma.

"Kilala mo ba sila Renz?" Tanong ni Mrs. Forbes na tinanguan lamang nung Renz.

"Para magkakilala pa kayo lalo. Ito yung mga anak ko si Charles, Andrea at Alyssa. Si Daniel at Damon, anak ni Denisse. Ito naman si Zeus at Charlotte anak ni Fille at Fred. " pagpapakilala sa amin ni Tita Carla.

"Ito sina Leni at Renz mga anak ko. Si Leni college na at si Renz ay Grade 10." Sabi naman ni Mrs. Forbes.

Sinerve na ang mga pagkain kaya pinaupo na nila kami. Katabi ko si Kuya Zeus at Andrea. Kaharap ko naman si Renz.

"Ang gwapo talaga ni Geovanni Renzo noh?" bulong sa akin ni Andrea.

"Sino nanaman iyan?" tanong ko rin.

"Ghad! Hindi mo kilala yung katapat mo ngayon? Sa Charbel ka ba talaga nag-aaral?" pag-oover react niya.

"magkaklase tayo." Simpleng sagot ko.

"So Renz, kilala mo na ba sila?" tanong na naman ni Mrs. Forbes.

Sa itsura ni Geovanni ay parang naiinis at nakukulitan na.

"Kilala ko sila. Sino bang hindi nakakakilala sa Santiago cousins? Kahit sa ibang school kilala sila. Charles Santiago, last year SSG President. Andrea Santiago, the cheerleader and the bully. Daniel and Damon, the players. Zeus, SSG President." Pagrerecite niya na parang inis na inis na sa mga pangyayare rito sa bahay nila.

"Charlotte Isla Santiago, sino bang hindi nakakakilala o nakakaalam sa pangalang iyan?"

at doon ay tumayo siya at dere-deretsong umalis.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now