JAMES 1

5 0 0
                                    

"Ma, why did you fire him?" hindi ko na napigilan ang galit ko.

Matagal ng nagta-trabaho bilang driver/ assistant ko si Mang Boy pero nagulat na lang ako na tinanggal ni mommy si Mang Boy sa trabaho. I can't understand why did she do that! Mapagkakatiwalaan si Mang Boy at higit sa lahat para ko na rin siyang tatay. Baka nga mas naramdaman ko pa sa kaniya ang fatherly love kaysa sa tunay kong daddy na puro trabaho ang inaatupag.

"At bakit naman hindi, James? Kaya lumalaki kang rebelde ay dahil kinukunsinti ka ng taong yon! That's why I fired him to make you a better person."

"Really, Ma? Dahil lang don ay tinanggal niyo sa trabaho yung taong yon? That's bullsh*t! You know that this job is so important to him! Alam mong si Mang Boy lang ang inaasahan ng pamilya niya." bastos na kung bastos pero wala siyang karapatan para tanggalin sa trabaho yung tao dahil lang sa napakababaw na rason.

Bago pa ko makapagbitiw ng marami pang hindi magagandang salita ay padabog kong kinuha ang gamit ko at umalis.

"Yan! Tignan mo kung anong natutunan mo sa squammy na yon! Nagagawa mo na kong sagot sagutin. Ni hindi mo na ko ni-respet---

Dinig na dinig ko pa hanggang sa gate ang panenermon niya. I can't help it! Si Mang Boy lang inaasahan ko dito sa bahay. Siya lang lagi nakakapag-pangiti sa akin kapag malungkot ako simula nang naging driver ko siya. Siya lang naman ang nagpupunan sa mga pagkukulang ng magulang ko. Buong buhay ko si Mang Boy lang ang lagi kong kasama. Mas nakakasama ko pa nga ata si Mang Boy at mga maids kaysa sa kanila. Ewan ko ba ampon ata ako eh. Mas mahalaga naman sa kanila lagi yung company nila.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang alisin yung taong mahalaga sa akin. Feeling ko tuloy gusto niyang maging miserable ang buhay ko. Para bang ayaw niya kong sumaya. At higit sa lahat, hindi totoong natutunan kong maging bastos kay Mang Boy. It's the first time na sumagot ako sa kaniya. Katunayan ay pinapagalitan pa nga ako ni Mang Boy kapag nagpapasaway ako sa mga magulang ko. Maybe, itong pagiging rebelde na lang ang nakikita kong way para lang mapansin nila ako. Kahit man lang don ay mabigyan nila ako ng atensyon.

Imbis na pumasok sa school ay dumiretso ako sa isang coffee shop. Wala ako sa mood para mag-aral ngayon pang alam kong pag-uwi ko ay wala na akong maabutan na tao pwera lang sa mga maids.

Para mabawasan ang pagka-badtrip ko ay umupo ako sa pinakagilid malayo sa mga maiingay na customers. Nasa ganon akong posisyon nang nilapitan ako ng waiter.

"Hello! Good Morning Sir! Welcome to Brew n' Bro! Ano pong order nila?" masayang bati sa akin nung crew. Nasobrahan ata to sa singhot ng kape. Napaka-enthusiastic. Sa sobrang ngiti niya ay parang mapupunit na ang bibig niya.

'Badtrip! Anong maganda sa umaga.'

Sinuklian ko lamang siya ng ismid. Pero di siya nagpatinag at ngiting ngiti pa rin siya.

'Tch'

"Isang caramel macchiato. Grande." order ko.

"Isang caramel macchiato. Grande." pag-uulit niya sa sinabi ko. "May iba pa pong order?" dagdag niya pa.

"May sinabi pa ba ako bukod sa caramel macchiato?" medyo inis ko ng sabi.

"Hehe. Sorry po sir." kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya.

Mukhang mali ata ako ng napuntahang place para magpalipas ng init ng ulo.

Habang inaantay ang order ko ay sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko at nakinig na lang ng music.

"Youngblood. Say you want me"

Nagulat ako nang may kamay na kumaway malapit sa mukha ko. Dumating na pala ang order ko.

"Isang caramel macchiato para sa taong broken ang puso." sabi niya habang siniserve ang inorder ko.

"Alam mo sir sa mga ganiyang tao dapat di ka nalulungkot. Hindi sila worth it, makakahanap ka rin ng taong para sayo. Dito sa Brew n' Bro isang higop lang ng aming kape malilimutan mo na lahat ng iniisip mo!" dagdag niya pa.

"And what made you think that I'm brokenhearted? Pwede ba, next time, pag siniserve mo ang order ng customer mo ay just keep your mouth shut and don't f*cking butt in to their business? You're so nosy!" he looks startled pero hindi nawala ang ngiti na kanina pa nakaukit sa mukha niya.

"Aye aye sir!" umakto pa siyang nakasaludo habang paalis siya.

'Stupid'

I need to take note to never go in to this shop again.

By ChanceWhere stories live. Discover now