Chapter 1: A normal day

181 27 3
                                    

Errors Ahead

______________________


Napahawak ako sa aking pisngi ng makatanggap ng isang malakas na sampal. "Shameless! To think that a child like you would volunteer to go to the war!" Agad naman siyang pinakalma ng asawa niya at ng anak niya. Itinayo ako ng aking kapatid.

Bakit ba naman kung kailan nag volunteer ako saka naman nila ako ayaw papuntahin, samantalang noon pinilit pa nila ako sa puntong sinamahan ako ng kapatid ko. Tumungo na lang ako at lumuhod sa harapan, I don't mind the pain. Hangga't wala pa akong kapangyarihan ay susunod muna ako sa kagustuhan nila.

I'll stay on my low position at pagsapit ng kaarawan ng aking ama. Doon ko sisimulan ang aking plano. Dahan-dahan kong aakyatin ang posisyon na kung saan ay walang makakaapak at walang makakalapit sa akin na tulad nila.

"Talk! I said talk to me! Bakit nag volunteer ka sa Frontline pumunta?! Balak mo bang ipahiya ang mga Schwann?!" Sa mga oras na ito, ang gusto nilang makita at marinig mula sa akin ay ang luha ko at boses ng pag-iyak. Iyon naman talaga.

Inisip ko ang lahat ng kabutihang ginawa ni Ina sa akin at kung paano siya mamatay sa harapan ko. Agad uminit ang sulok ng aking mata at tumulo ang luha mula roon. Tumingala ako kay Ama at at natigilan siya ng makita ang mukha ko.

Nakita ko naman ang pag pigil ng ngiti ng mag-ina. "A-ayoko po kasi na si Kuya o si bunso ang ipadala kaya naman ako na ang nag desisyon na ipadala sa ating pamilya. Para kahit paano naman po ay magkaron ako ng silbi sa pamilya ng Schwann." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ama sa aking harapan.

"A-ah, T-tama nga naman siya honey. S-sino ang magmamana kung sakaling may hindi mangyaring maganda at s-saka bata pa si Juliana." Napa-iling si Ama. "Anak ko parin siya Juliette. Siya na lamang ang natitira kong ala-ala sa aking huling asawa."

"P-pero sino ang nais mong ipadala? Gayong plano mo nang ipasa sa panganay mo ang iyong titulo at mga pag-aari." Umiling naman si Ama ng may mapag-tanto.

"Tama ka nga, hindi na dapat pang pag-isipan ito. Sige Cyra Schwann. Bilang marangal na Schwann ng Emperyo ng Grasha. Tayo ang may hawak ng mga militar. Upang masiguro ang pagbabalik mo, binabasbasan na kita ngayon din." Tumungo ako at napa-irap.

Eto lang naman ang kailangan ko at ang patunay na ako ang ipapadala sa unang linya ng labanan. Dahil mas gugustuhin ko pang mabuhay sa labas ng emperyo kesa makipag-pekehan sa isa kong kapatid at ang kaniyang Ina.

Sa sobrang gusto ko nang mahiga ay hindi ko na napansin na tapos na pala ang pagbibigay ng basbas ni Ama sa akin at umalis na ang lahat sa harapan ko. Kaya pala may narinig na naman akong kung anong boses sa harapan ko kanina na hindi ko man lamang nabigyan ng pansin.

Tumayo na ako at lumakad patungo sa aking kuwarto na tambakan ng mga lumang gamit. Kung noon ay palagi akong nag-iiyak sa loob nito. Puwes, ibahin ko na ngayon. Alam kong walong taong gulang pa lamang ako, pero ang isipan ko ay ilang taon na ang tanda. Kaya sobrang tanda ko na rin.

Malapit na ako sa edad ng lola? Hindi naman siguro. Napangisi akong umupo sa isang kahoy at binuhay ang lampara at kinuha ang papel. Doon ko isinulat ang mga nang-yari noong nabubuhay ako sa kasalukuyan.

Right after my brother and I was sent to the battlefield, we encountered some orcs na naggaling sa ibang kontinente. Mayroon ding mga witch at baboy-ramo na sobrang bilis. "Oo nga pala, ano nga ba ang nagpatalo sa amin? Ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko." My lips parted.

"May mga anghel na itim ang pakpak. Pero hindi talaga anghel ang tawag sa kanila. Ano nga ba iyon?" Inisip-isip ko pa at napataas ang kilay. "Devils, demons, or black winged. Ang kalaban ng emperyo ng Grasha." Dahil ang emperyo ng Grasha ay may basbas ng mga anghel at nais ng mga demonyo na papatakin ang mga ito.

[Vampire Series 1] Save meWhere stories live. Discover now