Chapter 5

150 13 3
                                    

Lesson 5 WTSC

Cattleya Venus


Cycle is the events or actions that happen again and again. It is a repeating series of actions

Just like my daily routine.

Papasok sa school then uuwi ng bahay. Kung full schedule naman, papasok ako sa school tapos mag-aaral, magre-review, uuwi then pupunta sa bahay ng kaklase for group projects and performance. Lastly, uuwi ng bahay ng pagod at matutulog na lang.

I get used to it. Ito na siguro ang tinatawag na forever.

Pagka-uwi ko ng bahay ay nagbihis na agad ako at kumain. After that, humiga na ako. Matutulog na sana ako ngunit naalala kong hindi pa pala napipirmahan ang report card ko.

Kinuha ko ito at naghintay ako sa sala para pagkadating agad ni mama ay mapapirmahan ko na ito. Actually, dapat last week pa ito kaso hindi pa rin niya ito napipirmahan.

I can imitate her signature. Kaya kong dugain. But I have this thought na gusto ko makita niya ang grades ko, gusto ko siya mismo ang pumirma.

"Ma. 'Yung report card ko po. Pwede papirmahan na? Kailangan ko na po kasing ibalik ito," bungad ko kay mama pagkadating niya ngunit nilagpasan niya lamang ako.

Sinundan ko siya sa kusina at inabot muli ang hawak ko. "Bukas na lang iyan ng umaga Leya. Wala ka namang pasok."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? I can't force her to sign the blank space in my report card. It just only less than 10 seconds to write your signature, but it seems like it is hard to do it for her.

Aalis na sana ako ngunit bigla niya akong tinawag, "May pera ka na ba Leya? Pahiram naman."

"Wala pa po. Kailangan ko pang i-send ang copy ng report card ko bago maibigay ang pera."

Every grading ay nagpapasa ako ng copy ng report card ko sa coordinator ng mga scholarship program na sinalihan ko.

I need to maintain all of my grades in order to avail the benefits of being scholar. Grades katumbas ng pera na kailangan na kailangan ko upang ma-survive ang hirap ng buhay.

"Hindi ko pa po ito maipasa dahil wala pang pirma ng parent."

"Akin na. Hindi mo naman sinabi na kailangan pala ng pirma ko." With that, kinuha niya na ito at pinirmahan. Mabilis niya namang ibinalik ito sa akin.

"Huwag mo kalimutan mga bayarin natin kapag nagkapera ka na. Kapag may kailangan pang papirmahan, lapitan mo na lang ako."

Tumango na lamang ako. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko habang nakatingin sa hawak kong report card.

"Hindi niyo po ba titignan ang mga grades ko?" I asked but deep inside it is actually a request. Tumigil siya sa pagsandok ng pagkain at tinignan niya ako sandali.

"Hindi ko mababasa nang malinaw iyan. Alam ko namang mataas iyan Leya. Sige na, matulog ka na."

I should not asked dahil alam ko na rin naman ang isasagot niya.

Hindi ko alam kung confident siya na mataas lagi ang nakukuha kong grades dahil bilib siya sa talino at kakayahan ko o sadyang wala lang siyang pakialam.

Here again. Marami na naman akong iniisip. Humiga na lamang ako at itinulog na lang ang nangyari.

Kinabukasan, nagising ako hindi dahil sa sapat na ang tulog ko. Nagising ako dahil sa ingay at sigawan na naririnig ko sa labas.

Inayos ko muna ang aking sarili bago tignan ang nangyayari sa labas. Nakita ko ang mama ko na galit na galit sa kapitbahay namin. Almost everyone is watching. May umaawat ngunit ang ilan ay tsismoso at tsismosa na tila pinagpipyestihan ang nangyayari.

When Two Stars CollidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon