Update #6: Broken Strings

464 14 8
                                        

"Feel the hurt."

CJ's POV

( Now Playing: Why - Secondhand Serenade )

"I'm not breaking-up with you. I'm setting you free."

"Please Cj. Tama na. Ayoko na. AYOKO NA!"

"Cj... Tama na please... Nasasaktan na 'ko..."

Dalawang araw na ang nakakalipas, pero ramdam ko pa rin ang sakit. Ganun ba 'ko kasamang boyfriend para lumuhod pa si Enna at mag-makaawang iwan ko na sya? Siguro nga nasaktan ko sya ng sobra. Ang tanga ko kasi! Ang bobo ko! Wala na kong ginawang tama... pati taong mahal ko nasaktan ko...

"CJ?!!" Narinig kong tumatawag at kumakatok si Manang Ley sa pintuan ng kwarto ko. Ano naman kaya ang kailangan nito?

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at saka binuksan ang pinto...

"Ano po yun?" Tanong ko sa kanya na may kasamang simangot sa mukha.

"Buong araw ka nalang ba magmumukmok? May bisita ka sa baba." Ha? Ano? Sino namang bisita yun?

Nagbihis muna ko bago bumaba sa sala. Baka importanteng tao eh, nakakahiya naman.

Pagkababa ko ng sala, bumungad sa'kin ang mga kabanda ko. Classmates ko sa College of Music. Sila Benj, Sam, Keith at Eduard.

"Oh. Problema nyo?" Bati ko sa kanila. Wag na kayong magulat. Ganyan kami magbatian.

"Wala naman. Kinakamusta ka lang. Akala kasi namin patay ka na. Haha!" Sabi ni Benj.

"Gag* ka talaga brad. Hindi nga? Anung ipinunta nyo dito?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Wala man lang bang Juice dyan? O pameryenda? Ano ba yan Crisanto Jaime Soberano!" Biglang akbay sa'kin ni Keith.

"Shut up! Stop calling me that way!" Asar kong sabi sa kanya sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko. Kung alam nyo lang. Pangit din mga pangalan nyan. Mas pangit pa sa'kin! Benjamiento, Samuelito, Keithong, at Eduardo. O diba? Buti nalang pogi kami...

"Wow english. Chill lang Bro. Andito kami para tanungin kung anung balak natin sa Foundation Day sa lunes." Singit ni Eduard.

"Balak? Foundation Day? Sa lunes?" (O__o)

"Ano? Alien lang? Nag-aaral ka pa ba pare?" Sabi naman ni Sam.

"Ah. Sorry. Wala kasi ako sa katinuan nitong mga nakaraang araw."

"Don't tell me nagda-drugs ka?" -Keith

"Baliw! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Madami lang akong iniisip."

"Sus! E si Enna lang naman laman nyan!" -Sam

"Yun na nga eh! Daig pa ni Enna ang bawal na gamot. Lakas ng Amats kay CJ!" Dagdag ni Benj sabay tawa ng malakas.

"Ano 'ko, si Eduard Cullen? Mga sira-ulo! Magsi-uwi na nga kayo!" Bulyaw ko sa kanila.

"Hahahahaha. Welcome back CJ!" Sabay-sabay nilang sabi sa'kin.

"Haha! Mga loko-loko talaga kayo. Tara sa studio ng makapag-praktis na!" Yaya ko sa kanila. Matagal-tagal na ding hindi kami nakakapag-jamming. Panahon na siguro para makapag-refresh ng utak.

Sa studio...

"Anong line-up natin?" -Keith

"Dating gawi!" -Benj

"Teka. Pare may gusto akong idagdag na kanta." Singit ko sa kanila.

"Ha? Anu naman yun?" -Eduard

"Eto pare..." Inistrumm ko ang gitara saka ako kumanta.

♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪ ♪

"Galing mo talaga! Sige-sige. Kasama na yan." Sabi sa'kin ni Sam na may kasamang High-five.

"Thanks Pare!" Sagot ko sakanya.

Anong kanta? Bukas nyo maririnig...

X & Y (Ex and Why)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora