"Lampara"
-Tula-
Ikalabing-anim, #16nahihiwagaan,
sa bawat kislap
ng 'yong mga tama
naguguluhan,
sa bawat kilos
na iyong ipinapakita.at nalilimahid sa 'pag undap
nang naghihingalong
ilaw mula sa lamparang
nagbigay tanglaw
sa nagdidilim na pananaw,
sa nagdedeliryong parangap
na gusto nang
bitiwan,
sukuan,
at kalimutan.ngunit unti-unti
mong sinisindihan ang
ilaw ng lampara.
kahit alam mong
hindi iyon sa 'yo.
hinihigpitan pa rin ang
pagkakahawak sa
nanginginig na kamay kosinisikap na huwag
mamatay ang apoy -
sa lampara, at ngayon,
ito'y nag-aalab na
dahil wawakasan na
ang pagiging hangal,
dudurugin ang takot,
hindi na magdadalawang isip
ngayon ay magiging
matapang na.
YOU ARE READING
Hinagpis sa Bawat Taludturan (Completed)
PoetryIto ay mga salitang nagmula sa pusong nais lamang na magtapos na ang sakit. Makatakas sa pagkakakulong mula sa mga alaala na nais nang makalimutan. Sa binuong mga tula, umaasa na sana ay mabuo na rin ulit siya. ---