Prologo

59 9 3
                                    

Taong 1994

Isang dalagita ang mangiyak-ngiyak na nakaupo sa isang bench sa ilalim ng isang puno sa isang parke, sa lugar ng San De Gozman.

Siya ay naroon at hinihintay na dumating ang isang taong nangakong sila ay magkikita sa oras na alas syete ng gabi.

Subalit umabot na ng apat na oras at hindi parin dumarating ang kaniyang kasintahan. Siya ay hindi mapakali, inisip niyang siguro ay may importante lamang na pinuntahan iyon. Ayaw niyang umalis dahil hindi pa nangako ang kasintahan ng isang bagay na hindi tinupad. Kaya't alam niyang mag-aalala iyon sa kaniya at sigurado siyang pupuntahan siya at tutuparin ang pangakong sila ay magtatanan na.

Alas onse e-medya...

Naroon parin ang babae na halos hindi na kumukurap ang mata kakahintay, nakatulala at dinadamdam ang pagsimoy ng malamig na hangin na dumadampi sa balat niya.

Alas dos katorse...

Habang siya ay nakaupo at nanlulumo na ay may pitong lalaki ang lumapit sa kaniya.

"Miss, sino ang hinihintay mo?" Tanong ng isang lalaking medyo 24 ang edad. Halos pare-parehas ang mga edad nila.

Subalit walang salita na lumabas sa kaniyang bibig.

"Ang ganda niya, ang kutis ng balat." Bulong ng isa sa kaniyang katabi.

"Miss baka giniginaw ka na ito isuot mo itong branded na leather jacket ko." Sabi ng isa na medyo lasing.

Subalit agad niyang iwinaksi ang kaniyang kamay kaya't nahulog sa damuhan iyon. Nagalit ang lalaki kaya hinablot nito ang kaniyang kaliwang braso.

"Aba'y bastos ka ah!"

"Bitawan mo ako! Mahigpit niyang pagkakasabi."

Binalewala ng lalaki ang sinabi niya. Lumapit din ang iba.

Hinawakan ng dalawa ang kaniyang magkabilang kamay nang mahigpit. Siya ay nagpumiglas subalit hindi niya kayang labanan ang mga lalaki, sinuntok siya ng dalawang beses sa tiyan at sobrang sakit ang kaniyang naramdaman.

Tinakpan ng isa ang kaniyang bibig ng matagal at sobrang higpit at siya'y nawalan ng malay.

Dinala siya ng mga walang awang kalalakihan sa isang madilim na lugar at doon ay binaboy ang kaniyang katawan. Subalit ang mas masaklap ay pinagsasaksak siya ng apat na beses sa tiyan at siya ay namatay. Namatay siya sa eksaktong oras na alas tres ng madaling araw.

Ang babaeng naghintay ng matagal sa isang pangako ay hindi inaasahang biglang nawalan ng buhay.

Ang babaeng naghintay ng matagal sa isang pangako ay hindi inaasahang biglang nawalan ng buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

alwindawriter

adrunkenpastel LukeAbington

SA PAGSAPIT NG ALAS 3 Where stories live. Discover now