Yes or Me? p1

62 5 0
                                    


Isang nakatutuwang umaga para sa araw na ito sino ba namang tao ang hindi mag kakatalon sa galak kung nalaman mong nakapasa ka pala sa isang prestihiyosong unibersidad. Dali-dali akong bumaba sa hagdan at nag tungo sa kusina kung saan naroroon ang aking mama na abala sa pag hahanda ng almusal. Agad na tinapik ko ang kanyang pwet, casual na pag lalambing ko sa kanya. Habang nag titimpla ako ng kape, may pumasok nanaman na kabaliwan sa aking utak 'Mama may sasabihin ako... wag kang mabibigla wag kang mang wawar-shock. alam ko may pag kukulang ako pero Maaa wag mo akong itatakwil.... Ma NAKABUNTIS AKO!' Dali-daling napalingon si Mama yung mga mata niya nanlilisik nanaman bigla akong kinabahan ng dali dali siyang pumunta sa may lababo bagamat ramdam ko yung takot, pero hindi ko maalis ang matawa sa aking isipan nang pilit na inaabot ni Mama ang sandok hanggang di pa sya na kuntento ha kumuha pa siya ng upuan sa dining area HAHA legit parang penguin talaga si Mama maliit pero cute. 'Ma ibaba mo na iyang upuan ako na ang mag aabot ng sandok' di ko alam kung narinig ako ni mama o di niya lang talaga ako pinapansin HAHAHAHA pero syempre mabait akong anak kinuha ko yung sandok at iniabot mismo sa kanya ' Maaa di ka man lang ba mag tha-thank you?' tanong ko sa kanya pero wala e walang balak talaga ata akong pansinin. Di na ako nakatiis kaya tinanong ko na siya. 'Maa bakit di mo ako pinapansin ang aga-aga wala ka nanaman sa mood palibhasa di mo katabi si Papa kagabi e' pabiro kong sabi sa kanya pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari yung sandok na ilang minuto ng babad sa kumukulong sabaw ng sinigang na hipon bigla niyang kinuha sabay dali-daling lumapit at inihampas sa braso ko. 'Aray ko Maaa ang initttt huhu uhu' sabay hihip ko sa aking braso. 'Naku Sato wag mo akong pina prank prank ha, hindi ka vlogger wala kang karapatan naku sinasabi ko talaga sayo.... Nang gigigil ako' Di ko na napigilan yung tawa ko rinig ata sa buong Village joke haha basta halakhak.. 'Unang-una sa lahat Ma, Vlogger lang ba ang may karapatang mang prank? Pangalawa Ma, sino bang may sabi na prina prank kita totoo pong nakadisgrasya ako at pang huli Ma, Legit yung sakit ng pag hampas mo sa braso ko tingan mo oh nalapnos yung balat.' Kunwari umiiyak ako mukhang effective naman yung acting ko napatulala si Mama e sa loob ng tatlong Segundo siguradong lalapit to sa akin si Mama tapos biglang yayakap pinikit ko yung mga mata ko at nagbilang sa isip ko, 'timer starts now. Three..... Two..... One tadaaaaa' pero iba, hindi init ng yakap ni Mama yung naramdaman ko kundi, yung init ng halik ng sandok muli nanamang inihampas ni Mama yung sandok sa braso ko. 'Aray ko Ma strike 2 ka na ha!' Hayyy pumalya nanaman ang kalkulasyon ko mukhang kay Mama talaga ako nag mana mahirap paniwalain. 'Alam mo Sato sa susunod, galingan mo ang acting mo ha. Gumulong ka, tumambling ka mag lambitin ka kung kinakailangan para mag mukha namang kapanipaniwala kahit papaano.' Wala na akong magawa, mukhang bukong buko na ako ni Mama. 'Haaaaay. Sige na Ma panalo ka na pero may goodnews ako sayo' biglang napatigil si Mama sa walang tigil niyang paghahalo sa sinigang na hipon parang hibas na nga yung sabaw. 'Sato pag yan prank nanaman itong sabaw ng sinigang ibubuhos ko na talaga sayo.' Natakot na ako kay Mama alam ko pa namang hindi marunong mag biro to baka ipaligo talaga sa akin yung sabaw kung sabagay wala na nga palang sabaw yung niluluto niya kaya sige, asarin ko nalang ulit si mama. ' Asan ang sabaw d'yan ma, asan? ' pabiro kung sagot kay Mama sa tono ni Baron Geisler. 'SATOOOOOO GINIGIGIL MO TALAGA AKO SABAW BA ANG HINAHANAP MO? ITO.....!! ' Seryoso talaga si Mama kinuha na niya yong pot holder kaya napa igkas ako at napakaripas ng takbo dali-dali naman akong hinabol ni Mama habang dala dala niya yong kaserola hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko sa taas at agad na ini-lock ko ang pinto. 'SATO.. BUKSAN MO ITONG PINTO!!' Sobrang lakas ng katok ni Mama. ' dise-otso kana pero pilosopo ka parin buksan mo itong pinto!' Nakakatakot talaga si Mama napasobra nanaman ata pag biro ko sa kanya. 'Mama nakapasa ako sa entrance exam sa Godfray University' bulong ko sa may bisagra ng pintuan. 'Sato di mo na ako maloloko lumabas kariyan at harapin mo ako' galit na galit na talaga ang tono ng boses ni Mama. 'Ma andito may patunay ako heto yung letter,for passing the college entrance exam in Godfray University.' Di na ako nag atubiling lumabas ng kuwarto ko siguradong nag aabang doon si Mama kaya ang ginawa ko isinigit ko nalang ung sulat sa baba ng siwang ng pinto ko. 'Iyan na Ma patunay.' Agad namang kinuha ni Mama yung Letter pero ayon palpak nanaman imbes na ung notice na sulat ang ibibigay ko, yung Hogwarts Letter pala.

'Dear Mr. Sato, We are pleased to inform that you've been accepted in Hogwarts School of Witchcraft and Wizardr. Please find enclosed a list of all necessary books and equipments. Term begin on September 1, We await your owl by no later than July 31.'

Kung nag tataka kayo kung bakit meron ako ng letter na iyon ay dahil Potterhead ako since grade six pero anyway si Mama imbes na matuwa ayon mas lalolng nag apoy sa galit. 'SATO, SATO, SATO PATAWARIN AKO NG MAHAL NA DIYOS . UBOS NA TALAGA ANG PASENSIYA KO SAYO NAKUUUUU!' 'Sorry Ma mali pala yung naibigay ko ito pala yung tunay.' Inilusot ko muli sa siwang sa baba ng pintuan ko yung sulat. Kinuha namang muli ni Mama. 'Sato pag ito prank nanaman bugbog ka na talaga sa akin' Kompiyansa na ako sa sarili ko na babalik na muli sa good mood si Mama dahil matagal na niyang pangarap na makapag aral ako sa tinitingalang unibersidad na iyon.Maya-maya pa ay biglang nag iba ang ihip ng hangin parang may dumaang isang Anghel. 'Sato lumabas ka na riyan malamig na itong sabaw ng sinigang kakain na tayo' Kitams napakadaling paamuhin ni Mama HAHAHAHA. ' Opo Ma saglit lang.' Matapos kung linisan ang kuwarto ko ay bumaba na rin ako para kumain ng almusal halos tumawa nalang kami ni Mama sa mga nangyari.

Ang nasaksihan niyo kanina ay isang tipikal na araw lamang para sa aming Pamilya. Normal lang sa aming ang mag batuhan ng ano mang gamit pero sa huli sinisigurado naming na kahit ano mang mang ari ay mananatili kaming solid sa isa't isa.

*FOUR MONTHS AGO*

YES OR ME? [ON GOING STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon