Yes or Me? p3

25 3 3
                                    

                        *Sato POV*

Naalala ko pa noong first year ako in high school. That was the first time I experienced failure. Bumagsak ako sa periodical tests hindi lang isa kundi apat na subjects Math, Filipino, English and worst sa Science nag review naman ako siguro nasobrahan sa pag susunog ng kilay kaya ayon bumagsak ang katawan---nag kasakit kaya kahit wala ako sa kondisyon that time, I took the tests. Sumakit ang ulo then ayon. Failed. All my 6 years achievements in acads lahat yun nabura at napalitan ng pagiging "bobo″ yan ang sabi nila.

Yes I failed pero hindi ibig sabihin nun ay nabawasan ang aking intellectual capacity . I can still solve mathematical problems, I can excel in writing stories both in English and Filipino and I can recite all the Elements in periodic table. Ang sakit lang kasi parang tinalikuran na ako ng mundo. Yung mga kaibigan ni Mama sinasabi na nag pabaya na raw ako, Yung mga classmate ko everytime na may group activity kapag no choice na sa member ako na yung option kaya from then on, sinunod ko nalang yung sinasabi nila hindi ko naman pinabayaan ang pag aaral ko but I am belong to the 30% lowkey in classroom hindi bagsak, hindi rin namn nag to-top yung tamang pasado lang. Hindi lang yung attititude ko towards acads yung nag bago pati na rin yung personality ko.I became bully pero walang tropa cause' I stand alone. Kahit ganoon pa man, nirerespeto ko sila at nirerespeto nila ako bilang bahagi ng apat na sulok nang sild ng paaralang iyon.

After graduation ko sa highschool hindi ako ang nag decide kung anong course ang kukunin ko ang ginawa sumulat ako sa papel ng lahat na possible na kurso sa kolehiyo. Engineer, IT, Education, Lawyer, Police, Pilot,Marine atbp. Inirolyo ko isa-isa at kung alin ang mabubunot ko yun ung kukunin ko. By faith na rin siguro, Education yung nabunot ko. 'Okay na ako sa course school nalang ang kulang' sabi ko sa sarili ko. Pero mas gusto kung pumasok sa isang University. Naalala ko may inirekomenda pala si Mama sa akin Godfray University ata yon sinearch ko sa google at ang good news malapit lang pala sa lugar namin isang sakay lang kaso sobrang taas pala ng standards ng university na to kailangan 80% ang score mo dapat sa admission exam. 'Pero kaya ko yan.' I motivate my self.

I took the test and luckily I passed. Akala ko ito na yung good news pero may mas good news pa pala sa good news. I met two girls. Isang nerd at isang maangas during the admission test. Xaevel ata yung pangalan ng isa at ang astig niya inlove na yata ako HAHAHA. I wonder kung anong course ang tinake niya but still I hope same campus kami aasarin at pag tritripan ko sya araw araw hanggang sa mapalapit siya sa akin.

Sato Hajima ang tunay kung pangalan sa tunog palang alam niyo ng half-half ako. Pinay ang Mama ko si Santi De Anda dati siyang freelance model di ko alam kung bakit siya naging modelo hindi naman siya gaanong katangkaran pero sa appeal at mukha, pwede. Sabi ni Mama 21 years old sya nung lumipad patungong Hokkaido, Japan may photo shoot raw kasi sila doon tapos nakilala niya si Hiro Hajima isang sikat na Japanese photographer. 1 month daw ang kontrata ni Mama sa Japan. ayon siguro sa araw-araw na magkasama sa trabaho, nagkapalagayan na silang dalawa ng loob. Nagtapat si papa noong February 11, tandang-tanda pa ni Mama kasabay na ipinagdiriwang ang Yuki Matsuri o Saporro snow festival isa ito sa mga popular na winter events sa japan. Habang bumabagsak ang mga nyebe, ganun din ang pag patak ng mga luha ni Mama.Hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Nagpakasal at nagsama si Mama at si Papa hanggang sa isinilang ang isang poging nilalang. Syempre ako yun sa japan talaga ang birthplace ko tumira ako doon hanggang mag 2 years old matapos nun nag decide si Mama na umuwi na ng pinas tapos si Papa naman, hindi siya sumama at pinili niya yung career niya.

Ngayon hindi pa namn totally hiwalay si Mama at Papa may communication pa naman pero gaya ng nyebe---malamig na.

Malayo ang loob ko kay Papa. Sobrang makasarili siya mas matimbang pa ang career niya kumpara sa amin pero kahit ganoon, hindi ko magawang mag tanim ng sama ng loob dahil patuloy pa niyang ginagampanan ang tungkulin niya bilang ama sa akin. Sinusustentuhan niya ang pag-aaral ko at mga gastusin sa bahay.

Umagang-umaga pagod na pagod agad kami ni Mama biruin niyo ba naming halos mag marathon na kaming dalawa. Napasobra pagbibiro ko kay Mama e kaya ayon nagalit pero ang mahalaga okay na kami ngayon at tuwang-tuwa siya ng malaman niya na nakapasa ako sa Godfray university. 1 week nalang mag sisimula na ang School year 2001-2002 sabik na sabik na akong makitang muli si Xaevel.

YES OR ME? [ON GOING STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon