Chapter 8

125 10 0
                                    

Chapter 8

•~•~•

"So, papayag ka ba sa sinabi ni Namjoon?"

"No, why would I?"

"Because he is forcing you?" Patanong na sagot ni Seokjin sa akin dahilan para matigilan ako. No, he isn't forcing me right?

"Look Namjoon is insane. He can't just tell me to transfer schools just because of minor offenses." Inis kong sabi. Totoo naman e', pati hindi niya kinlaro sa akin kung bakit ba gustong gusto niya akong lumipat ng school. Hindi ko talaga siya maintindihan at wala akong maintindihan! Why the hell everyone confuses me?

"Alright, do you need a lift? I can drive you—"

Agad kong hinarang ang palad ko sa harap niya at tsaka umiling,"I don't need a lift and I don't trust you." Sabi ko sakaniya ng totoo. Napakibit-balikat siya at ngumiti na lang,"I can't blame you. Well, goodbye then." At umalis na.

Napasuklay ako ng buhok dahil sa frustration. I am freaking frustrated because I can't understand anything. I don't even have suspects for Jimin and my parent's death neither the one who stole my personal things. This case is getting more mysterious and creepy that I actually want to move out. But I can't, Jimin and my parent's death needs justice. I am not stopping even if it costs my life also.

"Thinking something?"

Bumalik ako sa diwa ko at nakita si Yoongi na may nakasabit na isang earphone sa isa niyang tainga. Ngayon ko na lang uli siya nakita dahil ang huling kita ko sakaniya ay sa hospital nang isugod namin si Jimin doon. At hindi ko na siya nakita pa.

"Do you have a minute?"

Napabuntong hinga ako at napapikit bago magsalita.

"What do you want to talk about?"

•~•~•

Tahimik kaming nakaupo sa bench dito sa may park na walking distance lang sa school namin kaya makikita mo rin na maraming estudyante na mula sa school namin ang naggagala at nakatambay rin dito. Tinanggal ni Yoongi ang earphones niya sa tainga at ipinilupot ito sa cellphone niya bago niya ipasok sa bulsa ng pantalon niya.

"How are you, Abby?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Napangiti ako ng mapait,"I guess I'm fine." Sagot ko sakaniya.

"So, you are actually not."

"E' ikaw ba? Kamusta na? I haven't seen you in a while since Jimin's death."

"I know. And I don't know how possibly you coped up with these instantly."

Napapikit ako,"I never did."

"What do you mean?"

"I'm still hurt and I'm still mourning emotionally and mentally. Hindi ko na alam kung ano pa gagawin ko sa buhay ko." Pag amin ko sakaniya. Naramdaman ko ang isa niyang kamay sa balikat ko na tinatapiktapik ito kaya napamulat ako ng mata.

"I'm sorry if wala ako sa tabi nung mga panahon na kailangan mo ng kausap. I actually got hurt when Jimin died. Naka-close ko na rin naman kasi ang kaibigan mong yun."

"He's such a nice guy right?" Nakangiti kong tanong sakaniya.

Narinig ko ang paghagikgik niya,"Yeah, he is."

"And don't worry, hindi ko naman kasi talaga kailangan ng tao sa tabi ko lalo na't nasa panganib rin ang buhay ko. Ayoko na may madamay pang iba."

Napatahimik siya saglit at naramdaman kong bigla siyang napasandal sa bench na inuupuan namin.

"I know this sounds so insane but have you ever think that maybe the killer is one of us?"

Bigla akong napatingin sakaniya dahil sa sinabi niya.

It can't be, right?

"Are you giving me reason to suspect you?"

Napangisi siya sa akin bahagya,"I will bet my whole game set. I never did such thing. Pero isipin mo rin lang, baka kasi yung taong malapit rin lang sayo ang adik sayo."

Hindi ako nakapagsalita pa at napaisip sa sinabi niya. Who could be it?

Pero bwisit lang, ang hirap mag lista ng mga suspects if wala naman kahit isa sakanila ang parang suspicious kung kumilos.

"It's getting dark. You should go home." Tumayo siya at naginat inat pa.

"And you?" Taas-kilay kong tanong sakaniya.

"Computer shop. May pustahan e'."

Argh, a gamer.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at dumiretso na ko sa kabilang kanto para mag-abang ng taxi pauwi. Umupo muna ako sa may waiting shed habang nagiintay. Sa kabilang banda ay may natanaw akong pamilyar na pigura na tatawid papunta sa kalsadang kinapwepwestuhan ko. Pinasingkit ko ang mata ko para makita ng malinaw kung sino ba yun at nang makita ko kung sino ay umaayos na ako ng tayo.

It's Namjoon.

Siguro ay may inasikaso pa ang isang 'to sa school kaya medyo late na rin umuwi 'to.

Nang nakita kong itatapak na sana niya ang paa niya para tumawid ay bigla siyang tumumba na lang. Tila napako ang paa ko sa pwesto ko dahil sa natuklasan ko.

Anong nangyayari?

Nang makabalik ako sa wisyo ay agad akong tumawid ng kalsada, muntikan pa nga akong mabangga pero hindi ko na pinansin pa. At pagkaharap ko sa katawan ni Namjoon ay kitang kita ko ang pagkalat ng dugo sa semento na nanggagaling sa dibdib niya kahit madilim pa dito. Napahawak ako sa bibig ko at nagsimulang sumigaw para humingi ng tulong.

"Tulong! Tulong! May nabaril dito!"

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tumawag ng ambulansya. Bago pa makapag-ring ang cellphone ko ay may huminto na sasakyan sa harap namin at may bumaba dito. Pagkatingin ko ay si Hoseok. Mangiyak ngiyak akong humawak sa laylayan ng damit niya at garagal na boses na kinausap siya,"H-hoseok, d-dalhin n-natin si Namjoon sa o-ospital."

Naramdaman ko rin ang pagkataranta niya at agad na binuhat ang katawan ni Namjoon sa backseat. Medyo nahinga pa siya pero halatang kinakapos na.

"Hold on. We are bringing you to the hospital, okay?"

"Hindi ka ba maalam ng mga first aid kit?"

"No! Can you just drive quickly?"

"If I do, Namjoon isn't gonna be the only one who will be rushing at the hospital, also us." Kahit naiinis ay halata sa boses niya ang pagkataranta lalo na ang kaba.

Nang makarating agad kami sa hospital ay nakita kong may nakaabang agad na mga nurse. Dali dali nilang binuhat ang katawan ni Namjoon at nilagay sa isang folding bed at binuhat papasok ng emergency room. Pumasok rin kami ni Hoseok pero hanggang waiting room lang ang kaya naming i-acess kaya naupo na lang kami at naghintay.

Napahawak ako sa mukha ko dahil naiiyak na naman ako.

This is again my fault!

Namjoon is forcing me yet I didn't think about it clearly!

Nagintay pa kami ng ilang oras nang biglang lumabas ang isang doktor galing sa isang kwarto.

"Are you his guardians, a family or a friend?"

"A friend." Sagot ni Hoseok.

"You better call his family. Exactly 7:56pm. Dead."

Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko at napatulala. Biglang nagring ang cellphone ni Hoseok at inexcuse ang sarili niya para sagutin ang tawag. Pagbalik niya ay namumutla rin siya at pinagpapawisan.

"A-abby.." nanginginig na tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot. There's so much to take in at hindi ko na kaya pang ihandle.

"Jungkook is missing."

•~•~•

Addiction • BTSWhere stories live. Discover now