Chapter 11

395 12 1
                                    

kriiiiiiinnnng

Hay sa wakas last subject ko na. Makakapagpahinga na din at buti na lang walang training ngayon. Uhhmm ano bang gagawin ko, shopping with Mimi?! Nah Baka busy naman yun. Boring sa dorm paguwi ko.

"Attention to all SLU students" boses mula sa speaker ng school. Yung President ata ng school yung nagsasalita. Lahat kami natigil sa ginagawa dahil sa isang announcement.

"The tradition has been set. All dorm leaders shall have a meeting with its members for the annual dorm competition. Goodluck! Dream high SLU" tapos lahat nagbulong bulungan na. Ano ba yung tradition na yun?

"Wohooo mananalo ang red dorm ngayon!" sigaw ni Emil siyempre self support para sa dorm nila.

"Hindi! Mananalo kami. Green dorm pa!" sabi naman nung isa.

"Panis nga kayo sa Blue dorm eh!" sabi nung iba. Syempre kanya kanyang support sa dorm yun. Kaya mas naging maingay ang bawat klase.

Brotha calling. . .

"Oh"

"Yan agad ang intro? You're rude. So how are you? I missed you princess" I rolled my eyes. Goosebumps.

"Asshole. Don't call me that nakakadiri. Well I'm fine naman. Daming school activities. Eh ikaw, how was it going?"

"Hahaha I thought. That's a big and shocking news nakakatagal ka diyan. Don't tell me nakakita ka na ng down there ng boys?"

"Oh shut up you jerk! Of course not! Not a chance. Ghad don't tell me you called just to annoy me?" hindi naman ako pervert katulad niya.

"Whoah chill lang. Alright. My operation is fine kailangan ko lang pumasok sa rehabilitation"

"WHAT?!" napalingon sa akin lahat ng classmates ko. Nagpeace sign ako sa kanila.

"Are you in drugs? How dare you pagkatapos ng lahat nagdodroga ka na. Okay lang uminom pero yung mag--"

"Wait. Sino bang nagddrugs huh? Baka ikaw ang nakadrugs?! Saka, teka hindi ako nagddrugs. I will undergo PT slowpoke"

"Sorry naman. Pwede naman kasing PT may parehab rehab ka pang nalalaman. In layman's term, ang rehab ay para sa mga taong adik okay?"

"Okay fine panalo ka na. Hey, mom just want to say she misses you so much. We will be going back home after a month maybe"

"Matagal pa pala. Hey bilisan mo magpagalig ang hirap hirap ng trainings dito saka allowance ko mauubos na" I whisper.

"Just be good at pretending. Ilalagay ko na lang sa account mo yung money. Okay I need to hung up. It's time for bedtime. Better take care of yourself little sister" Then he hung up hindi man lang ako pinagsalita kahit kailan talaga ugali nun eh. I just fix my things at lumabas ako ng room.

Alam na kaya ni KM na alam ko na about Terrence? Much better kung wag na lang, pagtatawanan lang naman ako nun.

"Hey tara sabay na tayo? Pinuno called a meeting" tapos inakbayan ako ni Collins at dumiretso sa dorm.

Nang nakarating kami sa lobby ng dorm, marami dami ng estudyante na nagkukumpulan "Okay na ba? Nandito na ba lahat?" tanong nung lalaki na nakatungtong sa monoblock.

"Ehem! Alam ko naman na alam niyo na din ang meeting na to. In few days, magsisimula na ang annual dorm competition. Mas matinding trainings ang magaganap. Dugo sa dugo, ngipin sa ngipin kung kailangan. One week lang ang training kaya dapat full effort sa practice. Okay?! FIGHTING!!!"

"FIGHTING!!!" sigaw nila. Hinanap ko si Andrei at nakita ko naman siyang naka-upo sa isang gilid. Hinila ko si Collins papunta kay Andrei.

"Captain nandito ka din pala" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin with his emotionless face. What's new? Lagi naman siyang ganun.

This Guy is Inlove with you PAREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora