CHAPTER 02

1 0 0
                                    

ASHLEY JASPHER

"Penge ako nyan C," hingi ko ng Nova nya.

Break time na namin at nandito kami ngayon sa Magical Garden. Wala na kaming klase ngayong umaga dahil absent si Mrs. Viuda. May sakit daw kasi yung bunsong anak nya.

"Bili ka ng sayo," at bahagya nya pang inilayo sa akin ang pagkain nya.

Damot.

Nakasimangot na nilantakan ko na lang 'tong Piattos kong paubos na. Kainis! Dapat pala bumili rin ako kanina ng Nova. Di ko kasi feel kumain kanina ng Nova eh. Inggit tuloy ako kay C.

Maya maya pa ay inabot na ni C sa akin ang Nova nya. "Oh Jas baka umiyak ka pa."

Nakangiti ko namang tinanggap yung Nova ang kaso napasimangot din ako agad.

Iisa na lang ang laman men!

Kinuha ko na lang ang nag iisang laman at nakasimangot na kinain.

"Pakitapon 'yang supot. Thanks."

"Alam mo--."

"Di ko pa alam," putol nya sa sasabihin ko.

--tangina mo.

Tinapon ko sa mukha nya yung supot ng Nova. "Tangina mo. Pakyu sagad."

Tatawa tawa nyang pinulot yung supot ng Nova. "Anglutong mong magmura bawal yan," tinakpan nya pa ang tenga nya. "My innocent ears."

Waw may patakip tenga pang nalalaman eh mas malala ka pa ngang magmura saken. Ulol. Joke. Love you.

"Mama mo innocent ears." Pang aasar ko.

"Gago hahaha."

Sarap sa ears ng tawa nya. Sa akin lang yan tumatawa ng ganyan. Sherkolang.

Nilagay nya sa loob ng bag nya yung supot ng Nova at humiga sa tabi ko. "Nga pala J, hihingi sana ako ng tulong sayo."

"Bat?"

"Kilala mo si Malia Alexis sa Disney section?"

"Batman."

Nakooo mukhang alam ko na yung tulong na hinihingi nya.

"Gago seryoso kase!" Binatukan pa ako.

My precious head. Huhu.

"Oo kilala ko. Kaklase ni Ashlyn na transferee," sagot ko. "Liligawan mo?" Tanong ko habang hinihimas yung binatukan nya. Ambigat ng kamay nya piste!

"Oo sana. Kaso nahihiya ako eh," nagkakamot ng ulong sabi nya.

Tangina bat palagi kang tumitingin sa iba eh nandito naman ako?!

Char. Galit ako?

Hindi ako galit. Nasasaktan ako.

"Nahihiya my ass. Lokohin mo lelang mo. Every month ka ngang nagpapalit ng girlfriend eh! "

"Seryoso na 'to! Feeling ko sya na talaga."

Aray ko putangina. 

May nabasag ata. 

Ah yung heart ko yung nabasag. Char.

"Sure ka na dyan?"

"Yup. Sure na sure."

Aray ko ulet.

Penge ako ng band aid. Ilalagay ko sa sugatan kong puso.

"Sige tutulungan kita. Ano bang gagawin ko?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DON'T MATTERWhere stories live. Discover now