PANGLABING TATLO

15 2 0
                                    

[Veronica's POV]

Pumasok ako sa bahay. Nahagip ng aking mata si grandma na nasa sala. Nilingon ko siya. Nag-angat din siya ng tingin sa akin mula sa pagkakabasa niya sa kaniyang dyaryong hawak habang suot niya ang kaniyang salamin.

"Pinapasabi ni Tristan na nasa bridge siya kung sakaling bumalik ka na." agad niyang sabi.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Hmmm sige po." Ngumiti ako.

Bigla akong kinabahan. Parang nabuhayan din ako dahil sa tarantang naramdaman ko. Ano kayang gagawin ko kapag nakita ko siya.

"Mija?" rinig kong tawag ni grandma. I snapped. Nakatulala na pala ako sa kawalan.

"Po?" tanong ko.

Tiniklop niya ang dyaryo. Ibinaba niya ito sa lamesa. Tinapik niya ang sofa para sabihing ako'y tumabi sa kaniya.

Huminga ako nang malalim bago lumapit at umupo sa kaniyang tabi.

"What is it, mija?" tanong niya.

Iniharap ko aking katawan sa kaniya. Ngumiwi ako. "Kasi po grandma, si Tristan aalis na ng Pilipinas at baka matagal pa na panahon bago ko siya makitang muli." malungkot kong sabi. Yumuko ako at nilaro ang aking daliri.

"Gusto ko siya grandma." mahina kong sabi.

I heard her small laugh. "I know," she paused. "but what's bothering you?" malumanay niyang tanong.

"That's it." malungkot sagot.

Nagtaka siya sa aking sagot. "Why?"

Tinignan ko siya. "Should I tell him or not?" nagugulumihanan kong tanong sa kaniya.

"Gusto mo na bang malaman niya?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know, grandma."

"When you can't answer straight, that means you're not ready to let him know." It hit me. "Simple lang naman ang tanong ko, hindi ba? Pero hindi mo masagot dahil naguguluhan ka sa nararamdamn mo, may mga hesitations ka sa utak mo."

Ngumiwi ako. "Paano ko po ba masasabi kapag ready na ako? No'ng kayo po ni grandpa, paano po ninyo pinaalam na gusto niyo ang isa't isa?"

She smiled calmly. "Sometimes, your heart says you're ready but your mind is holding you back because of the fear you have."

She looks like she's reminiscing. "No'ng kami ng grandpa mo no'n, hindi ko rin alam kung gusto ko na ba talagang ipaalam sa kaniya na gusto ko na siya. Natatakot ako na baka sa huli mawala ang lahat, na pati ang pagkakaibigan namin ay masira, pero sabi ko sa sarili ko hindi naman 'yon mawawala kung hindi kami gagawa ng rason para mangyari 'yon."

"Hindi mo rin naman alam kung ano ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap. You just have to take a leap of faith. What you should be ready, is for your heart to accept whatever the outcome and if it was a good outcome you should also be ready to let in the person. You should ask yourself, are you ready for them to know you?"

"The time you let him know; you're allowing him to enter into your life. And you should feel safe enough to do that. Kapag kampante ka na, 'yon ang oras na masasabi mong handa ka na sa iba pang pwedeng mangyari, masaya man o malungkot. Pero sa ngayon nakikita kong hindi ka pa handa sapagkat hindi mo pa alam kung worth it ba ito. Kapag napagtanto mo na kahit anong mangyari alam mo sa sarili mong worth it 'to, then tell him."

She took a deep breath and smiled at me. Hinaplos niya ang aking buhok. "Nag-aalala ka sa pag-alis niya, right?" Tumango ako. "Apo, kung sasabihin mo lang ang nararamdaman mo dahil sa aalis na siya, 'wag nalang muna. 'Wag mong sabihin kung napre-pressure ka lang dahil sa oras."

Sembreak Lover | COMPLETEDWhere stories live. Discover now