KABANATA 7: SEKRETO

36 1 0
                                    

Halo-halong emosyon ang namamayani ang nararamdaman ni James. Hindi niya alam kung anong susunod niyang gagawin sa nagawa niya sa lalaking nakahilata sa tabi niya. Kung isa lang itong bangungot ay gusto niya ng gumising at mabuhay ng walang kasalanan. Isang pagsisi na pilit niyang iniwawaksi sa kaniyang isipan at tatalikuran ang lahat ng desisyon.

Tila'y nababaliw ang diwa nito at walang maisip na plano. Ang pagpatay na ginawa niya ay nag-udyok din sa susunod niyang pagpatay ulit. Ang gabing kaninang mapayapa at tahimik ay naging magulo at maingay dahil sa paglatak ng mga nagsisigawang konsens'ya niya. Nananatili pa rin itong sekreto upang matakpan ang kaniyang hatol sa paningin ng mga tao liban sa panginoong nakasubaybay pa rin sa anyo niyang paggalaw. May pananagutan siya sa nagawa ngunit hindi tanggap ang magiging parusa ipupukol sa kaniya.

Lumalamig na ang bugso ng hangin at ang nakakarinding pangyayari ay sumasabay pa sa kaniyang panginginig. 'Kahindik-hindik at kasuklam-suklam' 'yan ng panig ng kaniyang mabuting loob ngunit sumisigaw ng 'dapat lang iyon' ang kabaligtaran nitong isip. Nalilito at gulong-gulo na si James sa desisyon na tatahakin, dapat ba itong itago sa ganang ito'y panaginip lamang o aminin habang pinagtatawanan ng mga manghuhusga ang aks'yong kaniyang pipiliin.

Napahugis suntok ang kamay na ngayong nagyeyelo pa rin sa oras na gayon. Datap'wat ito'y gawing mabuti bagkus mas lamang ang demonyong daan papunta sa ilusyong mabuting pamumuhay. Napabuga na lang ng buntong-hininga sa hangin ang lalaki. Sawi ito'y lungmok sa suliranin at 'di kaya ang obligadong sanhi na ngayong nakakadelikadong resulta.

"Goddammit!" napabalikwas sa hangin nang ito'y sumigaw at inilalabas ang buong negatibong enerhiya sa katawan galing sa hirap na kasalukuyang lamang lupa. Nawawalan na siya ng lakas ng loob at hinahanap pa rin ang sarili sa gitna ng kawalan.

Ang hiningang hinahabol pa rin ay lumagpas sa lebel nitong normal at ang tibok ng puso'y mas mabilis pa sa pagpasada ng kabayong pandigma. Nagninilay-nilay ang utak nito at sa pagtama ng mata sa punong matayog na direktang tutok sa kaniya ay naka-isip nga siya ng ideya. Mahalagang kaisipan na inulit upang maayos ang gusot sa damit na may bahid ng dugong minantisiyahan ng maduming kamay.

[ Flashback ]

May hinaharap ang dalawang estudyante. "Pinapunta ko kayong dalawa para sa isang magandang balita." nakangiting bungad ni Ma'am Villarosa nila Beatrice at James.

Pinapunta ulit sila ng guro sa opisina upang may gustong sabihin sa kanila. Ramdam pa rin niya ang pagkabahala dahil baka'y masamang mensahe ito para sa kaniya. Ilang sandali ay nagwika na ang kausap.

Si James ay walang reaksyon sa sinabi ng guro ngunit hindi ito kagaya ni Beatrice na natutuwa. Nasa loob pa rin sila ng guidance office na kulay puti ang pader, katatamang temperatura dahil na rin sa mekanikong elesi na gumagalaw at may kalawakang lugar na kasya ang buong klase upang mabilis na mapagsilbihan ang mga magulang o nangangalaga sa mga estud'yanteng na pumunta rito.

"Anong good news, Ma'am?" hindi mapigilang pagtatanong ng SSG President sa kaharap nilang guidance councilor. Nakangiti ito abot tengga at walang makakapawi nito sa kaniyang labi.

Napatango ito habang nagsasalita. "Dalawang contest ang inyong sasalihan. Isa na nga do'n ang sinabi kong Regional Science Quiz Bee at ngayon ay ang Basic Quantum Calculation. Naghahanap kasi ang DOST ng mga estud'yante na magaling sa math at science para p'wedeng isabak sa aeronautics na gagawin nila, malay niyo manalo kayo." natutuwa ito sa dalawang estud'yanteng nasa kaniyang harapan. May tiwala siya sa dalawa dahil ito'y natatanging estudyante sa kanilang paaralan. Hindi makakaila na magagaling sila sa dalawang asignaturang nabanggit at mataas ang posibilidad kung magtutulungan ang dalawang kampo.

"Quantum Physics...?" bulong nito na agad ding sinagot ng guro. Masayang kinuha ng guro ang isang pulang envelope sa kaniyang desk. Si Beatrice naman ay tuwang-tuwa sa naririnig dahil isa na rin dito ang kaniyang asignaturang kinahihiligan. Kasama na dito ang agham na tumatalakay sa labas ng daigdig.

ShortcutWhere stories live. Discover now