AMKG 33 (Pain must go on)

667 22 1
                                    

JERON POV:

Pagkaalis ko pa lang ay bigla ng tumulo ang luha ko. Luhang kanina ko pa pinipigilan, alam kong maling sbumbatan ko siya dahil hindi ko naman alam lahat ng rason niya. Pero siguro ito muna ang kailangan namin ngayon, kailangan namin ng space para maayos ang lahat. Hindi totoong HINDI KO NA ALAM KONG MAHAL KO SI JANE. Mahal na mahal ko siya, kahit ang sakit-sakit na.

"Ano bang nangyari? Sinong nagsabi sayo nun?" tanong saakin ni Kuya Dave, brother in-law ko siya.

"I dont know kuya, pero feeling ko mas nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko." sagot ko sakanya.

FLASHBACK:

Kanina pa ako inom ng inom pero hanggang ngayon hindi parin ako nalalasing, walang kwentang alak naman nito. Pagkalabas ko ng bar ay may humarang saaking babae, nakilala ko siya dahil hindi pa naman ako lasing.

"Hi." bati nito saakin, saka nagsmile. 

I knew it siya yung bestfriend ni Jane.

"What do you want?" singhal ko agad sakanya.

"Baka ikaw ang may kailangan saakin." sagot nito. 

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko sakanya na may malakas na boses.

"Dont tell me hindi pa sinabi sayo lahat ni Jane?" hindi ko alam pero agad akong nabuhay ng marinig ko ang sinabi niya. 

"Ano ba talagang gusto mong sabihin. Direstuhin mo na ako!" singhal kong muli sakanya.

"Common dear! Isa ka rin palang TANGA! kulang nalang ipagtabuyan ka ni Jane para lang malaman mo ang lahat." sabi nito. "Kung hindi mo pa talaga alam, ako na mismo ang magsasabi sayo, tutal mukhang walang balak si Jane na sabihin sayo ang lahat. " sabi niya. Kung ang sinasabi niya, is yung tungkol kay Axel at Jane. Tsk -.-

"Spill it!" sigaw ko.

"Walang AMNESIA si Jane!" sagot nito saakin. Napatawa nalang ako.

"Really? Paninira nanaman ba ito?" sabi ko sakanya.

"Alam mo Jeron, bibihira lang ang mga tanga sa mundo pero hindi ko lubos maisip kong bakit kasama ka sa BIBIHIRA na yun. Oo walang AMNESIA si Jane nagprepretend lang siya, hindi ko alam kong bakit. Pero sa tingin dahil yun sa mga ginawa mo sakanya, alam mo ba kung bakit? Siguro bumabawi siya gusto ka niyang saktan." paliwanag niya.

"Alam mo bagay sayong mga DIRECTOR! Ang galing mong gumawa ng istorya." sagot ko sakanya, aalis na sana ako ng magsalita siyang muli.

"Do you still remember nung may sasabihin sainyo si Jane?" agad akong napaharap sakanya. "Nung day na yun, sasabihin na sainyo ni Jane ang lahat lahat, pero may dumating right? Hindi na natuloy ni Jane ang sasabihin niya. Alam mo rin ba na nung day na yun ay napagdesisyonan ni Jane na sabihin na muna kay Rhean ang tungkol doon. Nung sa park Jeron, nung tinatanong ka niya na ANONG GAGAWIN MO IF MY ISANG TAONG MAHAL NA MAHAL MO ANG NANLOKO SAYO? dont tell me hindi mo na matandaan ang lahat ng yun. Lahat ng pinakita sayo ni Jane ay isang malaking PANLOLOKO lamang. Tyaka kung hindi ka ba naman tanga! Alam mong may AMNESIA si Jane pero lumalapit parin siya sayo. Anong tingin mo walang utak si Jane? Malamang bumabawi sayo! Sainyo ni Aina." Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng galit sa nalaman ko. All this time niloloko lang pala kami ni Jane.

END OF FLASHBACK

"Pinakinggan mo ba siya?" tanong ni Kuya saakin.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Where stories live. Discover now