Chapter 25
Narinig ko ang tawag ni Declan pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad.
Narinig ko na silang nag usap noon tungkol doon pero iba yon sa ngayon siguro sabihin na natin na may mas karapatan ako ngayon para sa kanila lalo at involve ako. I heard my name.
Matagal ko na ring gustong itanong kay Declan kung sino ang Knights pero kinakabahan at nawawalan ako ng gana twing naalala ko noon na peke lang ang lahat sa amin. Baka kasi isipin niya na nangingialam at nanghihimasok ako pero noon iyon, iba na ngayon.
"Oh nakuha mo phone mo?" tanong sakin ni Jane pag kabalik ko sa bench.
Natigilan ako sandali. 'yong cellphone ko nga pala. Nawala na sa isip ko.
"A-ah hindi busy kasi sila eh," Peke akong ngumiti at umupo na ulit sa pwesto ko.
Tumabi na ulit ako sa kanila at nakatulala lang habang nakatingin sa buong gym.
'Di nag tagal ay nag simula na rin ang laro, panay ang sigaw nila Shae at Jane kanila Ashton, Raden, Revon, Ethan pa minsan minsan ay chine-cheeer din nila si Declan na parang 'di pa sigurado kung isisigaw pa ang pangalan dahil nakikita ko ang pag lingon lingon nila sa akin.
Pero ako nanatiling tahimik. Nakatingin lang sa kanila.
"Cheer mo naman si Declan uy," kulbit sakin ni Shaw, ngumiti lang ako sa kanya at itinuro ang lalamunan ko, kunwari'y masakit kahit naman kasi sabihin ko iyon ngayon hindi nya din maririnig maliban sa wala akong gana eh malakas ang sigawan ng mga tao dito.
"Oh? Okay." Ngumiti na lang ako sa kanya ngumiti din naman sya bago sya nag patuloy sa pag che-cheer.
Napatingin ako sa mga nag lalaro sandaling dumapo ang tingin ko kay Declan na nakatingin pala sakin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumuso siya bago nag iwas ng tingin.
Napangiti ako dahil don kaya walang pag aalinlangan na tumayo at sumigaw ako para sa kanya. Isinawalanh bahala pansamantala ang nangyari kanina. "GO DECLAN GO LOVE YOU'RE THE BEST KAYA MO YAN!" halos lahat ng tao ay natahimik ng sumigaw ako, may iba ding nag bubulung bulungan pero hindi ko na lang pinapansin, napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan na tawa nang tawa.
"Ikaw na Nev! Number one fan pagawa ka na ng fansclub! Masakit talaga lalamunan mo eh no?" Tumatawang sabi ni Shae.
"Hahaha lakas ng fighting spirit natin Nev, ah!" Si Jane. Tawa na lang din ang sinagot ko at nag kibit balikat na lang.
Napatingin na lang ako kay Declan na ngayon ay ngiting ngiti, nag init ang pisgi ko dahil nag flying kiss pa siya at kumindat.
Umupo na lang ako dahil parang ngayon ko lang naramdaman ang kahihiyan pagkatapos ng pagsigaw ko para sa kaniya! SOIL EAT ME NOW!
Nang maka recover ako ay tumingin ulit ako kanila Declan mas ayos ang laro nya ngayon kumpara kanina, sunod sunod din ang shoot niya. Kaya ang kinalabasan ay sunod sunod din na tilian at sigawan.
Nang nag karoon ng break ay agad siyang pumunta sa akin, ni hindi man lang umupo. Yumuko siya at hinalik halikan ako sa ulo at kung saan saang parte ng mukha ko.
"Declan! Ano ba! Ang daming tao!" inis na bulyaw ko sa kaniya at bahagya siyang tinulak.
"Thank you, baby." Umamba siyang hahalikan ulit ako pero umiwas na ako.
"Ang daming tao, mahiya ka." Pinandilatan ko siya. Tumas ang kilay ko ng makita ang pag ngisi niya, parang may kalokohang pumasok sa isip.
"Ano?"
"Edi pwede kapag wala ng tao? kapag tayo lang?" Mapang asar na tanong niya, ang lawak ng ngiti at tumaas baba pa ang kilay.
"Manahimik ka may kasalanan kapa sa akin," Natigilan siya at napatitig sa akin pero agad din siyang ngumiti.

YOU ARE READING
Started With a Dare [EDITING]
Romance[FINISHED] [EDITING] Highest Rank achieved #Started - 1 #Dare -1 STARTED WITH A DARE What's with the dare? Date Started: November 9 2019 Date Finished: February 12 2020 The book cover is not mine credits to the rightful owner: Lili WP