PROLOGUE

772 14 7
                                    

Author's Note : (Pasingit pleath)

Kim Hyung Jun as Fate or Andrew Choi :) Sa ibang story iba po ang ichura niya, ang gamit ko pong character doon ay si Kang Dong Woon.. Since fantasy naman ito, yeeep ibang mukha ang gamit niya kapag naninira siya hihihi. ayon lang! Sana magustuhan niyo ito. Pers taym kong gagawa ng story na about sa lalaki. Huhu. Sana maging maayos. Pasupport! Alabyo!

Date Posted : December 8, 2014 (Happy 20K reads sa Addicted To You!)

_______________________________________

“Gusto mong tumakas sa mundong ginagalawan mo, ‘di ba?” hinila niya ang ulo ko hanggang sa magkalapit ang mga mukha namin. Hindi ako makasagot sakanya dahil totoo ang sinabi niya.

“Ibibigay ko sayo ang mundong nais mo, pero may kapalit iyon.”

 

“Kahit ano, ibibigay ko. Kahit ano, gagawin ko.” Parang wala sa sarili kong sagot sakanya.

“Handa ka bang magbago para sa akin?”

“Handa ako. A-anong pangalan mo?” ngumisi siya sa akin saka umiling.

“Nagiinit ka ba?” napalunok ako nang marinig ko ang tanong niya. Bigla nga akong nakaramdam ng init habang hinahaplos niya ang dibdib ko gamit ang isa niyang kamay.

“Isipin mo nalang na ako ang goddess of lust.” Hindi ko alam kung paano pero n-natanggal na niya ang saplot ko sa katawan. Miski siya ay wala ng suot. Tumambad sa akin ang napakaganda niyang katawan. May perpektong hugis ang kanyang malulusog na dibdib at.. at bigla nalang nagising ang ..

“Tama na ang pagiging mahina at ang pagiging good boy mo Fate. Ilabas mo ang tunay na ikaw.” Saka niya hinawi ang bangs ko at napangiti siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan si ‘junjun’! Ta—tang—

“Sabihin mo.” Mapang-akit na sabi niya habang nilalaro si ‘junjun’. T-tangina!

“Very good.” Saka niya ako hinila at naglapat ang aming mga labi. Matagal ko ng pinapangarap na makahalik ng isang babae. Hindi ko alam na ganito pala ito kasarap. Unti-unting nagbabago ang pagtakbo ng isip ko. Nakakaramdam ako ng lakas ng loob at confidence. Feeling ko, ito ang tunay na ako.

Hindi nagtagal ay natuto akong humalik. Nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya. Lalong nagbubunyi si ‘junjun’ kapag naririnig ko ang ungol ng babaeng ito.

“Sayong sayo ako at akin ka lang, Fate.” Tango at ngiti lang ang sinagot ko sakanya. Naramdaman kong nasa kama na kami at naka-ibabaw ako sakanya. Hindi ko alam paano pero pinagpatuloy ko ang pag halik sa kanya at sumabay sa agos ng init ng aming mga katawan.

Naging isa ang aming katawan at unti-unti kaming binalutan ng dilim. Nanghina ang katawan ko matapos naming marating ang dapat marating. Napadapa ako sa ibabaw niya habang hinihingal. Hinaplos niya ang likod ko at sinabing,

“Pagkagising mo, hindi na ikaw ang dating si Frederick. Ikaw na si Fate, ang dakilang kupido. Hihihi.” Umalis ako sa ibabaw niya at tinabihan siya. Magkaharap kami at kahit madilim, naaaninag ko ang maganda niyang mukha.

“Kupido? Nagpapatawa ka ba?” umiling iling siya saka niya hinaplos ang mukha ko.

“Ito lang ang paraan para magkita tayong muli.” Kumabog ang dibdib ko at kumirot. Hindi maaari, ayokong mawalay siya sa akin!

“Anong ibig mong sabihin? Ayoko. Sabi mo sayo lang ako at akin ka. Pero bakit parang iiwan mo ako ngayon?” hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang nasa pisngi ko.

“Hindi ko alam kung sino ako at kung ano ang pangalan ko, Fate. Tulungan mo ako. Hanapin mo ako. Gusto kitang makitang muli.” Nangilid ang mga luha sa mata niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero hahanapin ko siya kahit saang sulok man ng mundo!

“Pero paano? Saan ako magsisimula?”

“Alam mo ba ang trabaho ng isang kupido? Isang tipikal na kupido?” saka siya ngumiti sa akin.

“Ang panain ang puso ng isang babae at lalaki, para mahulog sa isa’t isa?” naguguluhang tanong ko sakanya.

“Iyon ang gagawin mo, ‘wag kang magalala, maririnig mo pa rin ang boses ko at gagabayan kita hanggang sa mahanap mo ako. Pero, hindi ka isang tipikal na kupido. Pagtatagpuin mo silang dalawa ngunit ikaw rin ang sisira sa kanila hanggang sa sumuko sila.”

 

“Bakit?” magiging kupido ako tapos ako rin ang sisira sa kanila? Hindi ba’t nakaka gago iyon? Ako ang magiging dahilan kung bakit sila magkikita pero ako rin ang magiging dahilan para magkahiwalay silang dalawa?

 

“Doon mo lang mararamdamang tumibok muli ang puso mo kapag nakaramdam ka ng sakit kapag ang pinili ng babae ay ang makasama sa hukay ang lalaking mahal niya.”

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong naglalaho siya sa harap ko.

“Teka! ‘wag mo muna akong iwan!” hinawakan ko ang pisngi niya ngunit tumagos lamang ang mga kamay ko. Nginitian niya ako at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at naramdaman ko pa ang pagdampi ng kanyang labi sa akin.

“Hihintayin kita. Hanapin mo ako, ha?” mangiyak ngiyak niyang sabi hanggang sa maglaho siya sa harap ko.

“Hintayin mo ako.” Saka ako tuluyang napapikit at bumalot sa akin ang kadiliman. 

Who's Next?Where stories live. Discover now