Unang Kabanata

538 15 4
                                    

Babala : SPG.. Malufet.. Frederick/Andrew/Fate sa side. *winks*
___________

“J-jennifer m-may s-sasabihin ako sayo.” Nakayukong sabi ng binata sa kaharap niyang magandang dilag.

 

Siya’y nag-ngangalang Frederick. Nakasuot siya ng isang makapal na reading glasses at tinatago ng kanyang bangs ang mapupungay niyang mga mata. Sa likod ng kanyang salamin nakakubli ang isang napaka gwapong lalaki ngunit lingid ito sa kanyang kaalaman.

 

Ang babaeng kaharap niya ay si Jennifer, isang sikat na cheerleader sa kanilang campus. Matagal na niya itong napupusuan at ngayon lamang siya nagkalakas ng loob para magtapat dito matapos niya itong ilibre, gawan ng assignments at kung anu-ano pa.

 

“Ano bang sasabihin mo at nauutal ka pa?” mataray na sagot ng dalaga. Hindi niya pinansin ang pagtataray nito bagkus ay hinawakan niya pa ang mga kamay nito. Kitang kita ang pandidiri ng dalaga sakanya ngunit muli niya itong hindi pinansin at nagpatuloy sa pagtatapat.

 

“M-ma-ma-mahal k-kita Jennifer!” buong tapang niyang sigaw at hinigpitan ang hawak sa dalaga. Nagpumiglas ito at nagpameywang sa harap niya.

 

 “HAHAHAHAHA” umugong ang tawanan nang magsilabasan ang mga kamag-aral nilang nagtatago lamang sa likod pintuan ng silid na kinaroroonan nila.

 

Unti-unting namula ang pisngi ni Frederick dahil sa pagkapahiya ngunit muli siyang nagsalita “Seryoso ako Jennifer.” Hindi niya inalintana ang tawanan, bagkus ay pinaniwala niya ang sarili niyang gusto din siya ng dalaga.

 

Ngayon, ang dalaga naman ang tumawa “Hindi kita magugustuhan kahit kailan! Kadiri ka!”

 

Muling umugong ang tawanan at parang gusto nang lumubog ng binata sa mismong kinatatayuan niya. Kahit mababaw ang dahilan na ito, nagtanim siya ng matinding galit sa lahat ng tao.

 

Agad siyang tumakbo palabas ng silid at nagtungo sa rooftop ng kanilang building.

 

“Bakit niyo ba ako ginaganito!?” sigaw niya sa kawalan habang umaagos ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

 

Labis ang hinagpis niya dahil hindi lang naman ito ang unang beses na masaktan siya. Iniisip niyang pinagkaitan siya ng maykapal. Nawala sakanya ang mga magulang niya, nawalan siya ng kayamanan at pinandidirihan ng kababaihan pati narin ng mga kalalakihan. Para siyang may kung anong sakit na nakakahawa.

 

“Ayoko na! Pagod na pagod na ako!” naglakad siya hanggang sa marating niya ang dulo ng rooftop. Umakyat siya doon at tinanaw ang ibaba. Tinanggal niya ang suot suot niyang salamin at itinapon ito sa malayo.

 

“Hihihi. Talon na!”

 

Natigilan siya nang may marinig siyang matinis at nakakakilabot boses. Hinanap niya iyon sa paligid ngunit hindi niya ito makita. Pumikit siya at humakbang paakyat. Konting kibot lang niya ay mahuhulog siya at siguradong mamamatay siya dahil sa sobrang taas ng pagbabagsakan niya.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 11, 2015 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Who's Next?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora