Chapter VIII MY FEAR

15 2 0
                                    

       Humahangos kami ni mommy paakyat sa hagdan papuntang room ni tita na isinugod sa hospital. My aunt had a car accident. Tinawagan ni lola si mommy, si mom naman called me at home to fetch her sa bake shop para nga puntahan si tita sa hospital.

        When we arrived there, lola is the one who’s attending to her together with the nurse. My aunt was asleep. My lola cried when she saw my mom. Na-injured ang legs ni tita. We were all saddened, so we just tried to comfort each other. “Nagising siya kanina iyak ng iyak at naghysterical nung di niya maigalaw ang mga paa niya.” At humagulgol si lola habang kino-comfort naming siya ni mommy.

      Nag-stay kami ni mommy for the whole night pero bumalik din si mom mag-isa sa Sta. Rosa while I stayed with my aunt and lola in the hospital. Maya maya pa may kumakatok sa pinto. I was surprised to see Nathan at the door. “Hi! I…I just came to check on your aunt. I hope ok lang.” Nag-smile siya at tumango naman ako at inabot ang dalang prutas. Tulog si lola sa sofa. “Aaah, kamusta na siya?” Nathan asked me. “The only thing I know is that she can’t walk for now dahil sa pagkakabugbog ng mga legs niya.” Maluhaluha ‘kong nasabi sa kanya. Lumapit ito sa akin na aktong hahawakan ang shoulder ko pero siya na din ang pumigil sa sarili niya. “Im sorry to hear that.” Sabay balik sa kinatatayuan nito. “Aah…paano na ang bakeshop nyo?” Tumingin ‘to sa ‘kin, napakibit balikat ako at nag-isip ‘Oo nga paano ang bakeshop?’ Umupo ako sa stool katabi ng table. Sumunod naman si Nathan at umupo sa katabing stool. “Don’t worry hindi ko papabayaan ang store habang nagpapalakas pa ang auntie mo. I’ll make sure everything is alright.” Tumingin lang ako sa kanya ‘di ko talaga alam ang sasabihin ko. Tumingin ito sa relong suot nito. “Louis, I have to go ahead 30minutes na lang mag-oopen na ang store. I really just came to visit.” Tumayo na ito. Tumango lang ako. Pero sumunod ako sa pinto. “Salamat, Nathan.” At tinapik ako nito ng marahan sa balikat. ‘Tropa? Close ba kami may patpik tapik pa.’

                Kinagabihan, dumating si mommy at si tita Lolitha. “Ikaw na muna sana ang tumingin tingin sa shop habang nagpapahinga ang mamay mo. Pansamantala lang naman Louis.” Si tita Lolith minus her kids. “Sa gabi mo lang naman bibisitahin ang shop anak after mo mag-office kahit 30 minutes ka lang doon matapos mo lang yung report na naencode na ni Nathan nang nagdaang gabi tapos uwi ka na. Kung okay lang sa ‘yo. Otherwise, mag-isa lang si Nathaniel na gagawa lahat doon from operation to accounting to safety proced...” Pinutol ko na si mommy. “Ma…yun nga ang ayaw ko, iyong makasama siya…pero (nagkibit balikat ako) I have no choice sige ma…..payag na ko. I will do it para sa ‘yo at para kay tita.” Dumadrama ako kuno taas kamay pa ‘ko. “Kahit masakit.” Sabay hawak sa dibdib ko. Pinipilit lang tumawa ni tita. “Asus! e parang gusto mo naman.”panunukso ni Tita Lolitha. Habang tulog si lola nagkakatawanan kami kasama si tita Luisa  kahit alam ko na may konting pain sa dibdib niya. ”Maghahire din naman ako ng bagong manager para may assistant si Nathan, don’t worry baby.” At inakbayan ako ni mommy. Nang matapos na ang usapang ‘yon napapaisip ako. Ngayon nakakaramdam ako ng takot. Takot sa posibleng mangyari sa ‘min ni Nathan sa loob ng bake shop. Ang mag-away kami, o sa galit ko kahit walang dahilan masigawan ko siya, saktan ko siya. Tapos, pa’no kung patulan niya ko? nagkar’on pa ng eskandalo sa shop. Pa’no kung ako naman ang masaktan niya ulit? Ako uli ang... sigawan niya? Pero isang bagay ang mas nagbigay sa ‘kin ng takot. ‘Paano kung mahal ko pa siya? At ng dahil dito bilugin niya uli ang ulo ko? Pa’no kung dahil mahal ko pa pala siya bumigay naman ako sa feelings ko? Anong gagawin ko? Makakaiwas ba ‘ko sa kanya? Kaya ko bang pigilan ang feelings ko?’ Mga tanong sa isip ko. ‘..... WAAAAH!’ sigaw ng utak ko.

                 Dahil puyat ako sa kakaisip kagabi medyo sinipon ako. Nag-leave ako for three days para sa tita ko,dumaan din ako ng shop kinbukasan bago ko sunduin sina lola sa hospital. Naabutan ko sa counter si Nathan na nag-aasikaso ng customer kasama ng isa pang crew sa counter. He waved and smiled at me gumanti din naman ako. Pumasok ako ng office at nag-check ng ilang files. Pumasok si Nathan sa room at may kinuhang files sa cabinet at iniabot sa ‘kin ang ilang papers. “Naitawag na ng tita mo sa ‘kin na ikaw muna ang titingin dito sa bakeshop kaya hinanda ko na yung mga papers, heto yung ilang files ng two days operation na wala si ma’am, tita mo, paki-check na lang if may discrepancy.” Kinuha ko yung papers. “Thanks.” Casual lang ako. “You want some coffee?” Tanong niya. Napangiti ako. “Manager ka dito hindi secretary.” Ngumiti din siya. “Hindi naman masama kung aasikasuhin ko ng mabuti ang amo kong bago di ba?” Nagkibit balikat lang ako. “This is just temporay. Anyway, ‘wag ka nang mag-abala ng kape. Nagmamadali din kasi ako susunduin ko sila tita at lola sa hospital.” Sagot ko habang iniisa isa kong tingnan ang mga linya ng bawat product na nasa inventory. “Kamusta na ba si ma’am?” Tanong niya uli, tumingin lang ako sa kanya na walang reaksyon sa mukha. “Aah, sige mabuti pa maiwan na kita. Just call me if you have question or if you need anything.” Tumayo ito at lumabas ng office habang inilalabas ko naman ang ilang mga gamit ko I need to copy some files din kasi na naka-input sa computer dito sa office.

            Natapos ko naman ng mabilis ang pagdodouble check at pag-copy ng files. At nang palabas na ko ng office pumasok si Nathan, may hawak na tray na may food of course. “Mag-snack ka na muna.” Alok nito sa ‘kin. Napangiwi ako sa kanya at tumalikod para iligpit ang mga gamit ko. “You shouldn’t be. Sabi ko naman sa ‘yo madali lang ako, nagabala ka pa tuloy.” Habang iniaayos ko ang laptop ko sa lalagyan nito. “Hindi naman coffee ang dala ko. Pinabili ko 'yan sa labas para sa ‘yo.” Napahinto ako at hinarap siya, tiningnan ko din ang food na dala niya. “Empanada?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Espesyal naman ‘yan. Alam ko kasi favorite mo ‘to noong high school pa tayo.” Nabigla ako loading tuloy ang isip ko kung ano ang isasagot ko sa kanya. “Matagal ng hindi ako kumakain niyan.” Naisip kong isagot sa kanya. “Ah, ganun ba. Sorry ha kung sabagay ang tagal na nga pala ng panahon na 'yon. Sorry ulit.” Nakita ko ang bahagyang lungkot sa mukha niya nang tumalikod ito at lumabas ng room. Isinukbit ko na ang bag ko at sumunod na din palabas after a few seconds.

             Sa labas nagkakagulo ang tatlong crew sa empanada na inialok ni Nathan sa akin, ibinigay niya pala sa mga crew. Ouch! Medyo na-hurt ako dun. Tumingin lang ako sa kanya na nagpapaalam, ini-stretch ko lang ang kamay ko kumaway naman ito sa akin pero hindi ngumiti.

             Sa kotse tuwing napapadaan sa traffic napapaisip ako. May mga bagay din palang naaalala si Nathan tungkol sa ‘kin. Pero ‘di ko 'yon nakita sa kanya noon. Wala 'kong matandaan na naging thoughtful siyang gaya kanina. Anyway, HMP! i-erase na yang mga thoughts na ganyan kailangan wala ng mga ganyang thoughts kung ayaw kong umiyak ulit.

THE PAST (Forgive And Forget)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon