Prologue

9 0 0
                                    


Madami nagsasabi na maganda ako kaya lang- laging may kasunod na "kaya lang" tapos sunod ang salitang  "mataba".

Yung iba sasabihin na ano daw silbi ng ganda ko kung plus size naman?

At laging back up ang mga maldita kong bestfriends para sabihin sa kanila na at least daw maganda ako na sila nga daw ay parang hipon na katawan lang ang mapapakinabangan.

Di ko din alam kung bakit ko ba kaibigan ang mga yon, pero thankful ako sobra kasi nandyan sila lagi for me.

I was bullied because of my body size since High school. I was born like this na kase- di nako papayat (feel ko lang). I tried to have a diet and be on exercise however nag collapse lang ako kasi di kaya ng body ko so I never tried again, Haha.

Yeah, I know na di ako kasing skinny ni Isabela at Patty o kasing sexy ni Jacky or kahit man lang kasing katawan ni Pammy, pero di naman ako MATABA! CHUBBY lang okay? May curved naman ang katawan ko, pero it always end up na MATABA talaga daw ako hays.

That was the reason why I dont have any confident to enter a relationship.

And to tell the truth, its not because I dont have any confident  (just partly of course) but because I only like one guy since Junior High and obviously he didn't know it.

Para siyang stars sa night sky na ang hirap hirap abutin. Sobrang gwapo kasi nya, talented pa sa dancing and sports and no doubt na marami talaga akong karibal sa kanya.

Pero still hoping pa din ako.
Maganda naman daw ako sabi nila Mom, ganun din naman ang sabi nila Isabela kaya cheered up ako slight, hehe.

Andaldal ko na, this is not me. Myghad!

HAZEL KIM: THE FLABBY BEAUTY حيث تعيش القصص. اكتشف الآن