26

7.5K 195 4
                                    

NATIGIL sa pagpasok sa kuwarto ni Daphne si Jaxon nang makitang naroroon si Achilles. May binabasa si Achilles sa cellphone nito at tumatawa naman si Daphne. She looked better now than yesterday. Dapat ay ma-relieve si Jaxon. But still, he has a heavy heart. Kaya naman kahit kailangan niyang pumasok para tignan ngayon ang lagay ng babae ay nag-alinlangan siya.

Achilles and Daphne look good together. He also knew that Achilles is a good man. Baka nga kaya mukhang masigla na ngayon si Daphne ay dahil magaling rin mag-alaga ang lalaki. Narinig niya sa isang nurse na hindi pa raw ito umuuwi simula nang i-confine si Daphne. Mukhang doon nga ito natulog base sa itsura nito. Kagaya pa rin kasi kahapon ang suot nito.

Ayaw ni Jaxon kay Achilles dahil kaagaw niya ito. Pero sa pagkakataon ngayon, lubos siyang nagpapasalamat rito. Naggawa nito ang mga bagay na dapat ay ginagawa niya kay Daphne. Hindi naman ito ang dahilan kung bakit nagkasakit ang babae pero inalagaan pa rin nito. Siya dapat ang bumawi kay Daphne. But guilt is consuming him he was having a hard time to even look at her. Nakokonsensya siya.

Hindi ginusto ni Jaxon ang nangyari. Wala naman kasi siyang nabalitaan na may red tide pala ngayon sa ilang parte ng dagat sa Pilipinas. And obviously, the seller didn't mention about it. Sa sobrang excited niya rin nang makita ang tahong at maalala na paborito pala iyon ni Daphne ay hindi na rin niya naisip ang danger sa pagkain ng mga shell foods. Kakaunti lang rin ang nakain niya kaya siguro hindi siya tinablan. Hindi rin siya namigay dahil inisip niyang especially for Daphne lang iyon.

Mali ng naggawa si Jaxon. Pero sa halip na bumawi at humingi ng sorry, parang aso na nababahag ang buntot niya. Nahihiya siya, Hindi niya kayang harapin si Daphne.

Pero kailangan...

Hindi si Jaxon ang opisyal na Doctor ni Daphne. Pero isa ang case nito sa mga pinahawakan sa kanya para pag-aralan niya bilang resident doctor kaya mino-monitor rin niya ito. Pinagkakatiwalaan na siya ng physician na nagsusupervise sa kanya kaya hinayaan na nitong siya ang tumingin sa pasyente. Ipapakita na lang niya ang mga reports rito.

Huminga nang malalim si Jaxon bago tuluyang pumasok ng kuwarto. It is his duty to look and medicate her. Nang maisara niya ang pinto ay saka lang siya napansin ng dalawa.

"Oh, Hi! Finally, dumating ka na rin,"

Tumango si Jaxon. Ch-in-eck niya ang babae. Tinignan rin niya ang records ng nurse rito. "You're good now. Puwede ka ng makalabas mamaya,"

"That's nice. Thank you,"

"Welcome. I'll see you around,"

"Huh?"

Tumingin si Jaxon sa chart niya. "M-may trabaho pa ako. I have to go..."

Gulong-gulo pa rin ang mukha ni Daphne. Kahit si Achilles ay mukhang naguluhan rin at napakunot ang noo. Pero dahil hindi na niya kaya ang bigat ng nararamdaman niya, tumalikod na siya ang mga ito. Hindi na siya naghintay pa ng tawag at mabilis na lumabas sa pinto. Napasandal siya sa pader pagkatapos. Pakiramdam niya ay nanghihina siya.

Magaling na si Daphne. Sigurado siya roon. Pero ang guilt niya sa puso ay hindi yata kailanman gagaling. Sinaktan niya ito.

Kagaya ng pananakit niya sa puso ng iba pang babaeng umibig sa playboy na sarili niya.

Gusto niya si Daphne. Gusto rin niya sana itong ipaglaban. Pero dapat bang ipaglaban ang babaeng hindi karapat-dapat para sa 'yo? Malaki man ang pag-asa niyang manalo sa laban, pero hindi naman niya deserved na tawaging winner...

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now