Bethany's POV
It's already 1 in the morning but I can't still sleep. Hindi ko pa din kasi maiwasing hindi isipin yung pag-uusap namin kanina ni tito. Masyado na siyang nasasaktan sa pagbabago ni Ingrid.
FLASHBACK
Nauna na akong nagpaalam kay Ingrid na hindi kami makakapagsabay na uuwi, because tumawag sa akin si tito at sinabing kailangan niya daw akong makausap. Ibinilin niya din na wag ko daw sabihin kay Ingrid na tumawag siya para kausapin ako. Pumunta ako sa isang coffe shop na sinabi niya dahil andun na daw siya.
"Good Afternoon po tito." - Bati ko sa kanya.
"Good Afternoon din hija. Take a seat." - Tito
Tumango ako at umupo sa tapat niya.
"Ano po ba yung pag-uusapan natin?" Agad na tanong ko.
"Umorder muna tayo." - Sabi ni Tito kaya umoo na lang ako. Atat na kasi akong malaman kung ano yung pag-uusapan namin eh. Dahil siguradong importante to, minsan lang kasi mag-aya si Tito na makipag-usap kung importante talaga yung dapat na pag-usapan. Nag order na siya at pagkatapos mahatid ang order namin ay agad na siyang nagsalita.
"I know na napapansin mo din ang pagbabago ni Ingrid, right?" - Agad na tanong niya.
I knew it! Si Ingrid talaga ang pag-uusapan namin. Tumango ako bilang sagot. Nag patuloy naman siyang magsalita.
"Nagoopen-up pa ba siya sayo?" - Tanong niya.
"Hindi na po eh. Hindi ko na nga din po alam kung anong nararamdaman niya. Never na po kasi siyang nagpapakita ng emosyon." Malungkot na saad ko.
Bumuntong hininga na lamang siya. Siguro ay mas lumalala na ang pagbabago ni Ingrid, bakas kasi sa mukha ni tito ang labis na kalungkutan sa iniaasta ng kanyang anak.
YOU ARE READING
Everything Has Changed (UNDER REVISION)
Teen FictionPeople say's i'm perfect. Perfect because I have the looks, the money, the brain, kindness and a perfect family. But that was BEFORE. And who would have thought that I will now become a rebel, a party-girl that doesn't care about the world, B.I.T.C...
