𝐌𝐆𝐌𝐒𝐆 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎; Training (sé)

5 2 0
                                    

𝖙𝖗𝖆𝖎𝖓𝖎𝖓𝖌

Pagkatapos magbihis ay pumunta siya sa battlefield room.

Sa battlefield room, may mga iba't ibang klaseng mga gamit doon; mga katana, pana, baril at kung ano pa.

Meron ding mga punching bag, obstacles para matrain sila paano makaakyat ng mataas kung hinahabol sila.

Mahigit 10 taon na nagtrain si Rosé bago pinasabak sa misyon, pero para sakanya kulang paden ang sampung taon.

"Master Yui" sabay bow nito

"Oh seane naka balik ka na pala"

"Opo kahapon lang po"

"Magt-training ka ulit? Di pa ba sapat yung sampung taon na page-ensayo?"

"Sa totoo, kulang parin yun. At napagisipan ko den since may dalawang araw ako dito bago bumalik"

"Ano ba ang gusto mong maimaster?"

"Yung bilis ng pagpana, ensaktong gamit ng katana at para maging ninja assasin"

"Kung gayon umpisahin na natin ang page-ensayo"

Pumwesto silang dalawa na magkaharapan

"Ang mga ninja assasin ang pinaka-mahirap na kalabanin. Ang pang-amoy at pakiramdam ng mga ninja assasin ay sobra pa sa lobo. Mga eksperto sa dilim, kaya pag natutunan mo to mahihirapan silang hanapin ka sa dilim samantalang ikaw ay parang may night vision"

Linagyan ng tela sa mata si Rosé ng kanyang master at lumayo.

"A-ano to?"

"Pakiramdaman mo lahat Rosé. Hindi sa lahat ng oras ay maliwanag at naka bukas ang iyong mga mata"

Gumawa ng tunog si Master Yui at pinakiramdaman ito ni Rosé

"Ganyan nga seane, pakiramdaman mo. Kunyare pakiramdaman mo ang isang tao kung tunay ba sya o hindi"

Binagting bagting niya ang gamit na kung alin man ang hawak niya. Nag focus siya at sinundan ito pero umalis si Master Yui sa kanyang kinakatayuan.

Habang nililito si Rosé ay parang nakikita niya na alam na nito ang sagot.

"Maraming tunog pero iisa ang pinagmulan" at tumakbo si Rosé papunta sa direksyon niya at sa hindi inaasahan pinalipad ng kanyang paa ang gamit na patunog nya

"Magaling Rosé. Pero kelangan pa nating ibihasa ang iyong pakiramdam. Gaya ng sinabi ko, Hindi sa lahat ng oras ay may liwanag at naka bukas ang iyong mga mata"

"Ang masunod nating ie-ensayo ay ang katana. Para mas maging bisa, lalagyan ulit kita ng takip sa mata" at tinakpan nya ang mga mata neto

"Kelangan mo ding pakiramdaman kung nasan ang target. Kung ma-master mo ito, kahit sa dilim ay matatamaan mo siya" at iniabot ang tatlong katana sakanya

Sa unang subok ay hindi niya natamaan ang bulls eye

"Pakiramdaman mo Rosé. Kasi pag nasa pangalawang linya yan daplis lang yan"

At sinubukan ni Rosé ulit. Pinakiramdaman niya ito at tsaka- *pook at tinira ulit nya ang isa

"Magaling Rosé natamaan ng dalawa mong katana ang bulls eye. Ang masunod ay pana, ganun din ng gagawin natin, may takip paren sa mata"

Iniabot niya ang bow at arrow kay Rosé. Nag-concentrate ito. Akala ni Master Yui ay isa lang pana ang ginamit niya kundi tatlo pala. At ang ikinagulat niya ay tumama lahat sa bulls eye ng walang kahirap hirap

Mysterious Girl Meets Seven GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon