Chapter Ten

43.9K 901 27
                                    

"Where the hell are we going, Andres?" kunot na kunot ang noong tanong ko sa kanya. Malinaw na malinaw naman ang pagkakasabi ko na kailangan naming daanan si Irish sa hotel,pero ngayon ko lang na-realize na ibang daan pala ang tinatahak niya.

"I'm sorry, Señor. But the beautiful girl said that you have to be in Puerto del Sol today." lalong kumunot ang noo ko. Was he reffering to Irish? Of course! Who else? Si Irish lang naman ang tinatawag niya ng ganoon. Mula nang makilala ni Andres si Irish, lagi na niyang sinasabi kung gaano kaganda ito. At sang-ayon naman ako roon. Irish is very beautiful, she has that kind of beauty that will take anyone's breath away.

"You talked to her?" nanggi-gigil na tanong ko.Muntik ko ng mabatukan si Andres ng bigla siyang tumango. Tila ba nagtataka rin siya sa reaksyon ko. Ano bang problema ng mundo? Kagabi ko pa sinusubukang tawagan ang babaeng iyon pero hindi man lamang niya magawang sagutin ang tawag ko. Ni text hindi siya maka-reply. Bakit ngayon niya pa ito ginagawa kung kailan kailangan ko talaga siyang makausap.

"She called me this morning." mahinahong pahayag ni Andres. Lalong nag-init ang ulo ko. She called him? Hindi niya masagot ang tawag ko pero nagawa niya pang tawagan si Andres? Ano nangyayari?

Nakikipagtaguan na naman yata sa akin si Irish. Hindi kaya siya napapagod? I'm tired of playing games. Oo, alam kong mahilig siya sa ganoon, para kasi siyang bata eh. Pero sa ngayon, sa nangyari kagabi... wala na akong balak makipaglaro sa kanya.

Kailangan ko siyang makausap... pero paano ko gagawin iyon kung nakikipagtaguan naman siya?

"We're here..." Andres announced. Asar na asar na lumabas ako ng sasakyan. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko at tinawagan si Irish. Ring lang ng ring, halatang wala siyang balak sagutin ang tawag ko.

"Arggg!" sa sobrang inis ko, bigla kong naibato ang telepono sa
sidewalk. Nabasag iyon. I just felt so frustrated. Why the hell
won't she talk to me? I really need to talk to her, I want to clear things up...

Gusto kong pag-usapan namin ang nangyari kagabi. At hindi ako papayag na ganoon na lang iyon basta. I need to talk to her.

Gusto kong ipaliwanag kung bakit naganap iyon.

"Bakit nga ba. Maxcardo?" biglang tanong ko sa aking sarili. Wala akong maisagot. Bakit nga ba? Because she looked so
pretty last night? Kung iyon lang ang sagot sa tanong ko, pwes napakababaw kong tao.

But that thing that happened... while I was making love to her, I felt like it was the most natural thing to do. Everytime she calls out my name, I felt like a King... A king that's so ready to take on the world and conquer every country... Iyon ang pakiramdam ko kagabi...

But when I saw the confusion in her eyes after, i felt like a jerk.

Paulit-ulit kong tinatanong kunga bakit ko ginawa iyon. Then she cried, and slapped me... i deserve that. I was a total jerk, pero kahit ganoon ang nangyari, hindi ako nakaramdam ng kahit
kaunting pagsisi...

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan
niyang umalis basta-basta.

"I hate mind games!" naiinis na sigaw ko. Nang tingnan ko si Andres ay natitig siya sa akin, tila ba nababaghan sa ikinikilos ko.

"What?"

"You're weird, Señor..." natatawang sabi niya. "The lady said you should go to Vino Y Helado..." itinuro niya sa akin ang kaliwang direksyon.

"Ano naman ang gagawin ko diyan?" tanong ko. Andres turned to me.

"What did you say?" he asked... I shook my head. Naglakad na ako patungo sa Vino Y Helado. In my mind, I was thinking, wishing and hoping that Irish is there and that she will talk to me.

Papasok na ako sa loob nang biglang nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa isang bench malapit sa may lamp post, nakatitig siya sa akin. Tila hinihintay na tumingin ako sa kanya.

"Hi, James." napaawang ang mga labi ko nang makilala ko ang
nakaupong babaeng iyon.

"Ian..." I mumbled her name. Lalong lumuwag ang pagkakangiti niya.

"You found me..." masayang sagot niya. Natatangang lumapit ako
sa kanya. is it really her? Pero bakit naman bigla ang pagkakakita ko sa kanya? bakit ngayon ko siya nakita kung kailan hindi ko siya hinahanap? I sat beside her. Pinakatitigan ko siya.

"It's really you..." nanlalaki pa ang mga mata ko. She cupped my face.

"A little bird told me that you've been looking for me for weeks.."seryosong sabi niya. "bakit, James?"

I took a deep breath. I guess this is it.. Kung kailan ka hindi handa, saka darating ang isang pangayayaring hindi mo naman inaasahan. Alam mo iyon? Kahit na habambuhay mong paghandaan ang isang bagay na hindi mo naman alam kung kailan darating, kapag dumating iyon, mako-caught off - guard ka pa rin... Just like what's happening to me now.

"I was worried." panimula ko. "And... I realized that I wanted to

fight for you. You know that I love you, right." nagtaka ako bigla. I said I love you to Ian, pero parang wala nang masyadong epekto iyon. Noon. kapag sinasabi ko sa kanyang "I LOVE YOU.." parang nagkakaroon ng landslide sa loob ng katawan ko, pero ngayon.. parang...parang.. peaceful lang..

At ikinapagtataka ko iyon.

What is happening?

"Sabi mo noon, you can only take three ouches everyday... So..." she sighed. "Here we go, strike one, I tried letting you in... I just couldn't." mahinang sabi niya.

"Because you're still in love with Robi..." bigla ay ngumiti si Ian.

"Strike two. Yes. I still am.. Pero alam mo, ayoko na eh. Ayoko nang maramdaman ang ganito. " She looked at me. "How can I make this go away, James?"

I don't know... hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon ni Ian. Kung anuman ang paraan para makalimutan niya ang nararamdaman niya kay Robi, hindi ko kayang sagutin iyon.Parehas lang naman kami ng tanong, paano ko ba maalis sa sistema ko ang nararamdaman ko para sa kanya. I've been loving Ian since the day I could remember, hindi ko na mabilang ang panahon na iyon. Masyado na kasing matagal, masyado ng mahaba ang panahon na ipinaghihintay ko sa kanya, habang siya naghihitay rin kay Robi.

At kahit ilang beses ko pa yatang itanong sa sarili ko iyan... hindi ko pa rin masasagot ang tanong niya.

"What's strike three?" Imbes na sumagot ay muli ko siyang tinanong.

"Kalimutan mo na iyong nararamdaman mo sa akin." malumanay na sabi niya. Tumawa ako ng pagak. Sa tingin ba ni Ian, magiging ganoon kadali iyon?

"You think it would be that easy?" sarkastikong tanong ko. "Loving you is like breathing, Ian.. kapag huminto ako, maaari akong mamatay..."

"Loving Robi is like breathing, James... pero unti-unti, sinasanay ko na ang sarili kong bawasan ang hangin na hinihinga ko. Hanggang sa dumating ang panahon na kaya ko ng mabuhay ng wala siya." Hindi ako makapaniwala. Pumunta ako sa Madrid para lang dito? Para lang marinig ang sasabihin niyang ito?

"Ian..." Ian put her palm on my mouth.

"You'll find someone else." nakangiting sabi niya. Bigla ay naalala ko si Irish. Iyon din ang sinabi ko sa kanya noong nasa isla kami. I told her that she'll find someone else....

Nakahanap na kaya siya?
Pero kung nakahanap na siya, bakit hinayaan niyang may mangyari sa amin kagabi...

"Damn that woman!" angil ko. Bigla ay inalis ni Ian ang kamay niya sa bibig ko.

"Who? Whoever she is I don't like her... pero mas hindi ko gusto si Wyeth McNally." inirapan ako ni Ian. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit napasok si Wyeth sa usapan?" takang-takang tanong ko. May alam ba siya? Pero paano naman niya malalaman iyon eh ngayon lang kami nagkita?

"You talked to Irish!" nanlalaki ang mga matang sambit ko. Ian just smiled at me.

"Yes. I did. Kaya nga ako nandito. Kaya ko nalaman na hinahanap mo ako."

"Kinausap ka niya, tinawagan niya si Andres, pero hindi niya ako magawang kausapin? Sino pa ang taong kinausap niya? Tinawagan din ba niya si Robi?" gigil na gigil ako. The thought of Irish talking to Robi makes me wanna spit blood.

As far as I know wala nang karapatan si Robi na kausapin pa si

Irish. Wala na sila. At kahit na suot suot ni Irish ang engagement ring nila i Robi, wala pa rin siyang karapatan!

"Ewan ko? Teka.. sino si Andres?" tanong niya.

"Where is she? I'm gonna kill that woman!" ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagka-inis. Mas matindi pa ito noong
sinuntok ko si Robi sa garahe ni Ali dahil sa sinabi niya noon
tungkol kai Ian.

I super hate Robi right now.

Dalawang babae na ang nasasaktan at umiiyak dahil sa kanya.

"I don't know, James. Nagkausap kami, pero hindi naman niya
sinabi kung saan siya pupunta pagkatapos noon." I looked at Ian.

"Bakit hindi mo tinanong?" naiinis na talaga ako. Natigilan lang
ako ng bigla siyang tumawa.

"Ano bang nangyayari sa'yo? You're acting like a pissed off boyfriend. Huwag mong sabihin may something kayo ni Irish."

A pissed off boyfriend? Ako? Boyfriend? Ni Irish?

"Wait, where are you going?" tanong ko noong tumayo siya.

"I have a plane to catch." nakangiting sabi ni Ian. Plane? Aalis na naman siya?

"To where?" tumayo na rin ako.

"Somewhere, James. Pero if it matters. Hindi pa ako babalik ng Manila." niyakap niya ako ng mahigpit. "I missed you, Maxcardo. Please, huwag mo na akong hanapin.... gusto ko kung sakaling mahahanap ko iyong missing part of me, gusto ko ako lang ang makakakita. I don't want your help."

Missing part ni Ian...

Kumalas siya sa yakap niya sa akin.

"I hope to see you soon... and I hope when that happens, may kasama ka ng someone else..." nakangiting pahayag niya. She waved goodbye and turned around...

Pinanood ko siya habang lumalakad siya papalayo sa akin. Kinakapa ko ang puso ko... it was sad beacuse I couldn't feel my heart in my chest... wala iyon doon... pero sigurado rin ako na hindi iyon tangay-tangay ni Ian...

The question is... Nakanino na ang puso ko?

________

Ian hugged James. I closed my eyes as I watch the two of them. Bakit ba masakit? Lagi ko namang pinapaalala na wala akong karapatang masaktan dahil wala akong karapatang maramdaman ang bagay na ito para kay Jaime.

Hindi ko talaga matatanggap ang nararamdaman kong ito. Ayoko. Indeanial na kung indenial. Ang ayoko lang naman ay ang masaktan. Ayokong maulit sa akin ang sakit na naramdaman ko noong minamahal ko si Robi.

Pareho lang sila ni Robi, mahal nila si Ian. At pagod na akong makipag-agawan sa kanya. Hindi na tama kung mauulit na naman ang noon,. Tama na iyong isang beses na pagkakamali, pero kung mauulit pa iyon, katangahan na ang tawag doon.

At ayoko nang maging tanga. Kung sakaling magiging tanga ako, gusto kong magpakatanga sa taong handa ring magpakatanga sa akin.

Ayoko nang maghintay. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng umasa na isang araw mamahalin rin ako ng buo ng taong pinag-alayan ko ng buong buhay ko.

Pagod na ako...

Napamulagat ako ng makita kong tumingin si James sa direksyon ko. Wala na si Ian at bigla na lang siyang napalingon. Huminga ako ng malalim at saka itinabing ko sa aking sarili ang malaking dyaryong kanina ko pa hawak.

Sana hindi ako nakilala ni James. Hindi ko pa kayang kausapin siya ngayon.

Last night, was a mistake. Hindi dapat nangyari iyon. No matter how good it felt, dapat hindi nangyari iyon.

Pero wala na, hindi ko na pwedeng ibalik ang oras. Hindi ko na pwedeng bawiin sa kanya ang binigay ko. Wala na akong ibang magagawa pa kundi ang lumayo at kalimutan na lang na nangyari iyon.

Kagabi habang kausap ko si Ian, I felt the urge of tellng her what happened between James and me.. pero hindi ko nagawa. Nahihiya ako. Ayaw ko naman kasing marinig sa kanya na pati iyong best friend niya, inagaw ko.

Iyon naman kasi ang totoo.Inagaw ko lang si Robi. At ngayon pati si James, kaya hangga't kaya ko pang pigilan, iiwas na lang ako.

Ayokong maging ganito.

Ayokong maging mang-aagaw na lang habambuhay.

Muli ay pasimple kong ibinaba ang malaiking dyaryo at sinilip si James. Kausap na niya si Andres. kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag, hindi niya ako nakita. Buti na lang. I hate confrontations.

Mabilis ang mga kilos na umalis ako sa lugar na iyon. Kulang na lang ay tumakbo ako ng sobrang bilis. Natatakot kasi ako na baka mamaya, lumingon si James at makita ako.

Kung may ibang daan nga lang sana, pero wala. Bakit ba kasi sa Vino Y helado ko pa kasi naisip na papuntahin si Ian at si James? Pwede naman sa ibang lugar, bakit doon pa.

Nanigas yata ang buong katawan ko nang biglang may humawak sa braso ko.

"Shit!" I cursed.

"Gotcha!" dumagsa ang takot, kaba at pagkainis sa buong pagkatao ko. "Saan ka pupunta? Akala mo siguro hindi kita nakita doon kanina noh?"

"Bitiwan mo nga ako, Jaime!" pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko.

"Dammit! Hindi ka ba pa napapagod sa pakikipaghabulan at pakikipagtaguan mo sa akin? Hindi mo ba naiintindihan na kailangan nating mag-usap?" gigil na gigil na sabi niya.

"I don't wanna talk to you. Asshole! Let me go!"

"I don't want to!" matigas na sabi niya. "Sa ayaw at sa gusto mo kakausapin mo ako." itinulak ko siya. I cannot believe that he's doing this to me.

"Bakit pa? Ano pang pag-uusapan natin?" hindi siya nakasagot. I smiked. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko. I flashed him my engagement ring. "Dahil pa rin ba dito?" naiinis na tanong ko. Hinawakan ko ang kamay ko, then I took off Robi's ring, pagkatapos ay ibinato ko iyon sa kanya. Tumama iyon sa noo niya.

"Aray!" he looked at me. "What is your problem?"

"Ikaw! Hindi pa ba malinaw? I don;t want anything to do with you. Katulad ka lag ni Robi, sasaktan mo lang din ako. Ay mali! Sinasaktan mo na nga pala ako ngayon." sinutok ko siya sa balikat. "I hate you. Para kang si Robi!" umiiyak na ako sa pagkakataong iyon.

"What do you want me to do? Be sorry because I'm in love with Ian not with you?" kulang na lang ay sampalin niya ako. Masakit marinig ang bagay na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang tila matalim na bagay na itinarak niya sa puso ko.

I smiled at him.
"No. Hindi ko naman kailangan iyang pagmamahal mo. Kung gusto mo, kainin mo na lang iyan, tutal iyong taong pinag-aalayan mo niyan, may mahal na iba at kahit gaano ka katagal maghintay, hindi ka niya mamahalin." mariing sabi ko. I wiped my tears.

"Saka bakit ba kita iiyakan? You're not worth any of my tears. Mas pipiliin ko na lang iyakan si Robi ng paulit-ulit kaysa sa'yo." tinalikuran ko siya. What happen to the gentle, sweet James that was with me for the last three weeks?

I guess he disappeared... And I guess he will never comeback.

"Irish..." tawag niya sa akin.

"Go back to Manila, James. Get a life. Cause clearly, you don't have one." galit na galit na pahayag ko. I walked away. I didn't even look back, but I knew that he was still there, standing, looking at me, and watching me walk away.

It was nice knowing him. It was nice feeling those feelings again, but it has to end...

I'd rather be stuck here loving Robi...

Than falling in love with Jaime Maxcardo...

I don't wanna fall in love with him...

Mr. It's Complicated (COMPLETED)Where stories live. Discover now