1 | Her Painful Wave

82 2 0
                                    

(1) Her Painful Wave
ImaginationNpaper

"Hello!"

"Hi!"

"Annyeong!"

Nasa hallway pa lang ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero rinig na rinig na rito sa loob ng classroom namin. Kung bumati kasi ito e akala mo tatakbo sa pagka-presidente ng pilipinas, kilala ito sa pagiging kwela, sweet at matalino — higit sa lahat isang napakabait na kaibigan, kaklase, estudyante at anak.

She is, Mariz Pintor. The girl who loves to greet everyone, waves her hand as if she know them all.

"Good morning friends!" masiglang bati nito sa aming lahat nang tuluyan na siyang makapasok.

Napailing na lang ako at napahilamos sa sarili kong palad, kung umasta kasi ito e akala mo matagal niya ng kilala ang mga kaklase namin. First day of school namin ngayon bilang mga grade twelve student  ewan ko ba sa babaeng 'to at halos araw-araw ang taas ng energy.

"H-Hi," awkward na sagot ng mga kaklase ko.

"Mariz!" tawag ko rito, ngumiti naman ito ng pagkalawak-lawak nang makita ako.

"Omg, April!" tuwang-tuwa nitong saad sabay tumakbo papunta sa akin.

"Dahan-dahan baka madulas ka," saway ko sa kan'ya.

Isang mahigpit na yakap ang ginawad nito sa akin, "Beshywap I miss you! Hindi mo ba ako na-miss?"

Kumawala naman ito sa pagkakayakap sa akin, binatukan ko ito sabay tawa. "Akala mo talaga ilang taon tayo 'di nagkita 'no? Remember Mariz, sabay tayong bumili ng mga gamit natin."

"Sorry na agad, pero seryoso naman talaga akong na-miss kita. Maiba nga tayo, may mga bagong mukha 'no? Siguro mga transferee, nakita ko kasi reaksiyon nila kanina, halos lahat naman e alam na maingay ako pero iyong iba parang nagtaka sa kinikilos ko." Seryoso na nitong saad.

"Natural, hindi naman sila gaya mo na sobrang hyper. Mariz, iba sila at iba ka — tandaan mo 'yan." Pangaral ko rito.

"Yes teacher April," mapang-asar na sagot nito.

I am so thankful na nakilala ko si Mariz noong grade seven kami, she saved me. Dahil sa akin natapunan siya ng orange juice sa uniform niya at nalagyan ng icing ng cake ang buhok niya na dapat sa akin sana napunta. May mga nambubully sa akin dahil sa katangian ko, I am one of those PWD member na nakakaranas ng pambubully dahil sa sakit ko. But Mariz? She's different from them, akala ko nga magagalit siya sa akin dahil weak ako at hindi lumaban — na dahil sa akin nadamay siya at nadumihan pero mali ako, siya iyong agrabyado nang araw na iyon pero nagawa niya pa akong kamustahin kung okay lang ba ako o nasaktan ako.

Simula sa araw na iyon, naging magkaibigan na kami ni Mariz at hindi na rin ako ginugulo ng mga bullies.

"Oh, natahimik ka diyan?" tanong nito nang mapansing natahimik ako.

Napailing na lang ako, "Wala 'to! Umayos ka na ng upo diyan, mayamaya rin ay magsisimula na iyong klase." Sagot ko at tinuon na ang aking atensiyon sa harapan.
Hindi nga ako nagkamali, ilang minuto pa lang ay dumating na ang first teacher namin sa aming first subject. Parehong ABM ang kinuha namin ni Mariz, iyong iba naman naming kaibigan e mas piniling agriculture ang kunin. Wala naman gaanong ginawa, usual scenario ng mga first day of school — magpapakilala at anong ginawa noong bakasyon. Halos ganoon lang ang naging takbo nang umagang iyon, hanggang sa break time na namin.

"My favorite," saad ni Mariz na sobrang lawak ng ngiti.

"Takaw mo kasi, ang payat-payat mo pero lakas mong kumain." Biro ko rito, pero totoo naman din! Ah basta.

Painful ShotsWhere stories live. Discover now