2.1: Rose Garden Project

1.6K 129 84
                                    

Simula nang sinabi ni Mr. Gee ang tungkol sa paglipat ng dorm, hindi na mapakali si Megumi. Ayaw niyang kasama ang Celestial King! Ito pang mga kapitbahay sa dati nilang kwarto, ayaw tumigil sa pagchismis kung gaano siya kamalas. Ngayon lang hindi natuwa si Megumi sa chismis. Tinakpan na niya ang tenga, pero rinig na rinig niya pa rin.

"Siguradong everyday ka sa detention Megumi, lagot ka kay VP. Mas strict pa 'yon sa librarian. Student enemy number three 'yon e."

"Oo! Kinunpiska niya 'yong swimsuit ko, like duh!" umikot ang mata ng maarte niyang kabuilding. "Pero you're so swerte a! Siguradong magiging close kayo ni daddy Justin! He's so mabait and he loves to make friends."

"Kyaaah!" tilian ng mga kabuilding niya.

"Pero nandoon si Fourth."

"Noooooo!" tili ulit nila.

Nooooooo! tili rin ng utak ni Megumi. Gusto lang naman tanungin ni Megumi kung kaano-ano ni Fourth si Gloria. Hindi naman niya sinabing gusto niyang maging Japanese sushi! Paano na niya masusuot ang watch niya? She loves Hello Kitty pa naman. Nooooo!

Madamdaming pinanoud ni Megumi ang mga lalaking naghahakot ng mga gamit nila. Kahit dalawang linggo palang siya sa silid, napamahal na siya sa pintura nitong hot pink. Gusto sana ni Megumi dramahan ang mga kuya, pero mukha silang pusong bato. Gustong kumanta ni Megumi ng 'pusong bato'. Taray, may pa theme song.

"Lipat nalang tayo ng school, Kichan," drama niya nang sumilip si Kitchie sa pinto. Hindi alam ni Megumi kung saang lupalop ng Celestial nanggaling ang pusakal na kaibigan. Baka gumawa na si Kitchie ng paraan para hindi matuloy ang paglipat. Kinabahan si Megumi nang maisip na baka pinatay na ni Kitchie ang Principal. Noooooo!

Naisip na naman niyang magplano ng funeral party. Gusto niya kasi mag-gown.

"Gusto mo bang pauwiin tayo sa Japan", asik ni Kitchie. Palabas na sila ng building. "'Di tayo pwedeng umalis sa school na 'to."

Oo nga pala. Ang mga papa nila ang pumili sa Celestial High. Bawal silang ma-expel at ma-drop. Ibabalik sila sa Japan.

Pinilit lang naman ni Kitchie ang daddy na ibalik siya sa Pilipinas mula sa siyam na taong paninirahan sa Japan. 9 years old si Megumi nang magmigrate si Kitchie at ang papa nito sa bahay nila. Kamamatay lang ng Pilipinong mama ni Kitchie noon. Dahil half Japanese at laking Japan si Kevin Fajardo, ang daddy ni Kitchie, naisipan nitong bumalik nalang sa bansa kung saan mas sanay. Best friend since birth ang mga papa nila kaya napagdesisyonan na sa bahay nalang ng mga Mori tumira ang dalawang Fajardo.

Sa umpisa, hindi sila nagkasundo ni Kitchie, para silang si Tom and Jerry. May pagkasalbahe kasi si Kitchie Marie. Laging galit, tulala, o kung 'di naman, umiiyak mag-isa. Sabi ng papa ni Megumi, intindihin niya nalang si Kitchie dahil hindi pa siya gumagaling. Sabi din ng Riku Senpai niya, baliw daw ang bagong bata sa bahay nila. Megumi was so curious. Lagi niyang silisilip si Kitchie mula sa siwang ng pinto ng kwarto. Lalo na kapag may dumadalaw na doctor na wala namang ibang ginawa kung'di ang kausapin si Kitchie.

Minsan, pinilit sila ng mga papa maglaro; titigan lang ang nangyare. Ilang beses din siyang papukol ni Kitchie ng barbie sa ulo.

Masayahing bata si Megumi, pabibo (at may pagka abnormal din minsan.) Meron siyang apat na kuya na mahilig magsuntukan. Gusto ng mga ama nila na magkasunod sila ni Kitchie dahil silang dalawa lang naman ang batang babae sa malaking bahay. Dumating pa nga sa punto na pinosas sila ng kalahating araw sa gate para lang magkasundo. Hanggang sa hindi na sila mapaghiwalay. Si Kitchie ang nagturo kay Megumi ng Filipino. Megumi became fluent in 3 years. Syempre, ikaw ba namang bugbugin 'pag mali ang Tagalog mo e. Napilitan si Megumi maging fast learner.

Celestial High's Troublemakers (ON GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt