3

75 9 1
                                    




mga titig ng kalawakan na sa aki'y ipinapadama,
na lumikha ng kalituhan sa aking sistema.
tila nagbibigay pakiusap sa aking mga mata,
hindi ko maintindihan—nakakabahala.

ang ating kulay; asul at dilaw,
sa 'di malamang dahilan ay nagsilbing ilaw,
sa eksaktong pagtatagpo ng ating mga nararamdaman,
na tila nagpatubo sa mga itinanim na nilalaman.

pagsulyap sayo ay naging kabiguan,
mga ngiti mo nama'y nagbibigay kapahingahaan,
ngunit sa pangyayaring ito ay biglang nanghina,
nakangiti ka sa kanya—parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

dalawang taon ang lumipas—napakatagal na pala,
at ngayo'y napagtanto'y walang nangyare sa ating dalawa.
ginusto ko ito,
ang mapalayo sa nararamdaman ko,

pangalawang pagsusumamo,
na muli ang mata ko'y sumibol ng luha,
naging mangmang ulit ang puso kong binigo.
ito na nga ba?

tama na nga ba?
tama na nga bang magbulagbulagan sa nakakalito mong pagaalala ?
tama na nga bang magbingibingihan sa mga nakakarinding nagbibigay pagasa?
o tama na nga ba ang dalawang taon na paghihintay ko sayo, sinta?

-
12/31/19

Letrang Pamamaalam Where stories live. Discover now