Roses 34

305 7 0
                                    

Mother's Cry
Chapter 34

Titania

The blood is rushing through my veins. I am mad. I am really mad.

I grew up in his loving arms, in Claude's loving arms. Lumaki ako na nagtatago kay Ina. Lumaki akong nagkukunwaring tagasunod nito. Tinago namin ni Claude ang nararamdaman namin para sa ikabubuti namin. Pero alam naming pareho na dadating rin ang araw na gagalaw na si Ina para pumagitna saamin.

Buong buhay ni Claude, ang gusto lamang nito ay isang mapayapa at masayang buhay. Ayaw nito ng mga away. Ayaw nito ng ideya nang pagpatay. Gusto nito ng isang lugar kung saan ang lahat ay nagmamahalan at nagtatawanan lamang. Kung saan hindi kakailanganing maging hayop ng mga tao para lamang mabuhay.

Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay. Lahat.. maliban ang babaeng kaharap ko ngayon. Ang aming ina. Ang babaeng nagluwal saaming magkakapatid.

"Mama, mahal mo ba kami?" Ito ang bungad ko na tanong. Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi ni Roseanne. Alam ko naman, kahit nung una palang. Hindi kami mahal ng ina namin. Ang ama naman namin ay isang bihag ni ina. Ginagamit nito ang pagmamahal na meron si ama para makontrol ito at mapaglaruan kaming lahat sa palad niya.

"Titania, anak. Mahal na mahal ko kayo" nakangiting wika ni Ina na siyang muntik ko nang ikasuka. Anong klaseng sagot yan? Gusto ba nitong ipamukha saakin na simpleng mga manika niya lang kami? Na kokontrolin at paglalaruan lamang?

"Anak ko kayo, mahal ko kayo" pahabol pa nito. Hanggang unti unting napalitan ito ng ngisi na nakakakilabot. Na maski ang kuya ko na si Felix ay minsang ikinatrauma ang ngiti ng aming ina.

"Bakit ko naman kayo mamahalin? Hindi ako magmamahal ng mga batang walang kwenta at patapon. Anong karapatan niyong suwayin ako?! Sinong nagsabing maari kayong makaramdam ng pagmamahal?! Wala kayong kwenta! Ni hindi kayo marunong sumunod sa magulang niyo! Wala kayong utang na loob!" Paghihimutok ni ina. Napangiti nalamang ako ng mapait nung lumabas ang tunay na kilay nito.

"Mama, ni minsan ba.. naging importante kami sayo?" Mapait kong wika. Kahit alam ko na ang sagot gusto ko itong marinig mula sakaniya. Ang sagot sa lahat ng masasakit na tanong.

Ang masakit na sagot na nagmumula sa inang aming hinahangad.

"Anong klaseng tanong yan Titania? Importante kayo! Dahil kung wala kayo, hindi ko magagawa ang plano ko! Ang plano na gumawa ng pamilya na walang pagmamahal. Pero kayo rin ang sumira! Wala kayong karapatang magmahal! Anak, pagmamahal ang sisira sainyo! Pagmamahal ang magiging kamatayan niyo! Hindi niyo ba ako naiintindihan--" agad ko itong pinutol dahil sa sobrang inis ko. Hindi ko na mapigilan ang sariling sumabat dahil hindi ko siya maintindihan!

"Hindi! Hindi ka namin maintindihan Ina! Anong bang mayroon sa pagmamahal na siya pilit mong ipinagkakait saamin? Pagmamahal ang kailangan namin! Pagmamahal ng isang Ina! Pagmamahalan ng isang Pamilya! Pero ipinagkait mo iyon! Nung nahanap namin sa iba, tinanggalan mo naman sila ng karapatang mabuhay! Ganyan ka ba ka walang puso Ina? Mahal na mahal ka ni Ama, pero anong ginawa mo? Ginamit mo ang nakalaan na pagmamahal niya sayo para sa sarili mong kagustuhan!" Hindi ko na kinaya. Parang puputok na ako sa galit.

"Hindi ka tao, Ina. Demonyo-- hindi, marunong parin palang magmahal ang demonyo dahil natuto kaming magmahal. Mas malala ka pa sa Demonyo--" natigil ako sa pagsasalita nung narinig ko ang mga hikbi nito. Ang hikbi na unang beses ko palamang na naririnig. Ang iyak ng aming Ina.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon