Prologue

43 2 0
                                    

May dalawang bata na masayang naglalaro at naghahabulan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang nadapa ang isang bata dahil may bato sa harap niya na hindi niya napansin. Dali dali namang tumakbo ang mas nakakatanda para tulungan itong tumayo at para patahanin ang isa sa pag iyak.

"Uy Kyle, ayos lang yan. Tahan ka na please." Ani ni Ken dahil patuloy pa din sa pag iyak ang nakakabata sa kanya.

Patuloy pa din sa pag iyak si Kyle at hindi na alam ni Ken ang gagawin kaya niyakap niya na lang ito habang hinihimas himas ang likod ni Kyle nagbabakasaling mapatahan niya ito.

"Ang sakit kuya Ken, tingnan mo dumudugo." sabay turo ni Kyle sa sugat sa tuhod niya habang patuloy pa din sa pag iyak.

"Ayos lang yan, Kyle. Ganyan talaga kapag bata. Hindi naman pwedeng hindi tayo madadapa kahit isang beses lang habang bata pa tayo. Ang mahalaga ay pagkatapos nating madapa ay matuto tayong tumayo at bumangon ulit, di ba?" Ani ni Ken para mapagaan nito ang mas bata sa kanya.

Tumango naman si Kyle at tumigil na din siya sa pag iyak dahil sa sinabi ng kuya Ken niya.

"Thank you kuya Ken ah. Kung wala ka siguro sa tabi ko, baka iyak pa din ako ng iyak ngayon. Sana po lagi kang nasa tabi ko palagi ah."

"Oo naman nuh. Lagi lang ako sa tabi kahit hanggang lumaki na tayo. Mag best friend tayo eh."

"Promise mo yan kuya Ken ah. Walang iwanan, forever and ever."

"Oo naman. Promise ko yan sayo."

Nag pinky swear sila tanda ng kanilang pangako sa isa't isa. "Promise?" Ani ni Kyle. "Promise."

Unexpected Change (Boy x Boy)Where stories live. Discover now