Chapter 3

6 0 0
                                    

Kyle's POV

Ilang araw na din simula nung pumunta si kuya sa bahay namin at nalaman ang pangalan niya. Pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay umalis na din siya. Hindi ko alam pero pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay parang may isang taong tumatak sa isip ko ngunit hindi ko siya matandaan. Pakiramdam ko, narinig ko na ang pangalan na yun dati pero kapag iniisip ko ay sumasakit ang ulo ko kaya hindi ko maituloy ang iniisip ko. Pakiramdam ko, malaking parte ng pagkatao ko ang pangalang yun, pilit kong inaalala pero bigo ako lagi.

Sa kakaisip ko sa pangalan na yun ay may nabunggo ako, hihingi na sana ako ng paumanhin ngunit napatulala ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Pakiramdam ko talaga ay parang matagal na kaming magkakilala nitong taong 'to pero hindi ko talaga matandaan.

Yumuko ako bilang paghingi ng tawad. Hindi ako makapagsalita kaya nilampasan siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko at pinatigil ako.

"Teka lang Kyle. May problema ba?" Tanong niya.

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong lumuha nang hindi ko namamalayan. Dahil dito, tumakbo na lang ako papunta sa classroom. Narinig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pagdating ko sa classroom ay nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko dahil sa paghagulgol ko ngunit hindi ko din sila pinansin at yumuko na lang sa upuan at nagpatuloy sa pag iyak. Ilang minuto lang ay tumigil na din ako dahil malapit na dumating ang teacher namin. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang panyo ko at nagbasa na lang para makalimutan ko kahit papano ang nangyari.

Sa buong klase namin ay wala ako sa sarili ko dahil iniisip ko na naman ang nangyari. Mabuti na lang ay hindi ako natatawag ng teacher namin.

Natapos ang buong araw ko nang wala ako naintindihan sa kahit anong subjects namin. Napagalitan pa ako kanina ng isang teacher namin dahil hindi ako nakasagot sa tanong niya. Sa halip na mahiya ay parang wala lang sa akin dahil na din sa kaiisip ko.

--

Sabado ngayon kaya walang pasok. Matagal ko na ito pinag iisipan at ngayon ay nakapag desisyon na ako. Kulang na kulang yung kinikita ko sa pagtitinda ng balot kaya maghahanap ako ng ibang raket. Gumawa ako ng resume at nag apply. Nagpaalam ako sa mga kapatid ko na aalis muna ako para maghanap ng trabaho, nag iwan na ako ng pera sa kanila baka kasi abutin ako ng gabi sa paghahanap ng trabaho. Mabuti na lang at may kapatid akong isang taon lang ang bata sa akin kaya nauutusan ko siya na bantayan ang dalawa pa naming kapatid.

Kung saan-saan na ako nakapag apply, sa fastfood chains, sa factory at kahit sa mga call center at bar ay naghanap na ako at sa wakas ay may nahanap na agad ako. Natanggap agad ako sa inapplyan kong bar bilang band singer. Hindi sa pagmamayabang ay maraming nagsasabi sa akin na maganda daw ang speaking voice ko at may ilang beses din na pinakanta nila ako at nagulat sila dahil maganda din daw ang singing voice ko. May ilan na nagsabi na dapat daw ay i-pursue ko yun dahil malayo daw ang mararating ko. Hindi ko masyado pinansin ang mga sinabi nila nung una pero dahil desperado na ako ay sinubukan ko na para sa pamilya ko.

Ilang araw pa lang ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko ay marami agad akong natatanggap na mga good feedbacks, meron pa ngang inalok ako maging isang singer ngunit pag iisipan ko pa, mahirap tanggihan ang ganung offer lalo pa't malaki ang sinasahod kapag sumikat ka na.

--

"Kyle, teka lang. Mag usap tayo, please." Tawag sa akin ni kuya. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan. Mag iisang linggo na din simula nung huli ko siyang kausapin. Araw-araw niya ako hinahabol para kausapin pero hindi ko siya pinapansin.

Pakiramdam ko kasi kapag kinausap ko siya, may mangyayaring hindi ko magugustuhan kaya umiiwas ako sa kanya.

Binilisan ko ang paglalakad ko ngunit mas binilisan niya kaya nalampasan niya na ako at humarang sa dadaanan ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi ko na siya matatakasan. Nakita kong medyo naiinis siya dahil sa ilang araw kong hindi pagpansin sa kanya.

"May problema ba, Kyle? May nagawa o nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Kung meron, sorry." Sabi niya.

"Wala ka pong ginagawa kuya. Paraanin nyo na po ako baka kasi mahuli pa ako sa klase ko." Mahinahong sabi ko.

Sa ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi siya kumbinsido kaya nanatili siyang nakaharang sa daan ko.

Bigla na lang akong nahirapang huminga kaya bigla na lang akong nawalan ng malay. Paggising ko, may taong nasa harap ko ngunit hindi ko siya mamukhaan. Unti unti ay lumilinaw na ang paningin ko kaya nakita ko na kung sino ang nasa harap ko. Takot at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha niya. Nang tuluyan na luminaw ang paningin ko ay napayakap na lang ako sa taong nasa harapan ko at niyakap niya ako pabalik. Habang yakap-yakap ko siya ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko, nararamdaman niya yun. Nanatili kaming magkayakap hanggang sa ako na ang unang bumitaw.

"Kuya, nasaan ako? Bakit nandito ka din? May klase ka pa po." Mahinang sabi ko.

"Wag ka muna magsalita, magpahinga ka muna. Sabi sa akin kanina ng doktor ay napagod ka lang raw kaya ka hinimatay." Bigla ko naalala ang nangyari. Tama siya, nahimatay nga ako kanina.

Tama siya. Subsob ako sa pag aaral at sa trabaho kaya siguro hindi na nakayanan ng katawan ko ang pagod. Kahit ayoko man ay wala akong magagawa dahil hindi naman kami mayaman na kapag nagutom ay oorder na lang ng pagkain sa labas at hihintaying dumating. Kailangan kong kumayod dahil kung hindi ko gagawin yun ay magugutom ang mga kapatid ko, hindi na bale na ako ang magutom, wag lang ang mga kapatid ko. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maalagaan ko ng maayos ang mga kapatid ko, hangga't kaya ko ay gagawin ko para sa kanila. Hindi ako maaaring umasa sa iba dahil wala naman kaming ibang aasahan kundi ang mga sarili namin.

"Okay ka na ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng tubig?" Nabalik ako sa ulirat ng bigla siyang magsalita.

"Okay lang po ako kuya. Sige na po, may klase ka pa po, bumalik ka na dun, ayos na po ako. Salamat po pala sa pagdala sa akin dito. Kaya ko na po." Mahinang sabi ko.

"Sigurado ka ba? Pwede namang hindi ako pumasok para mabantayan kita dito." Sabi niya. Hindi naman ako pumayag, maaabala ko pa siya.

Kahit ayaw niya ay wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon. Napangiti naman ako dahil doon.

Unexpected Change (Boy x Boy)Where stories live. Discover now