28

5.1K 202 25
                                    

Amethyst's

     Hinampas ko nanaman ang lamesa ko sa ika-limang beses. Ewan ko ba, simula nang makita ko si Sehun noong isang gabi, hindi na ako mapakali sa buhay ko. Pakiramdam ko may salot na sa buhay ko eh. Idagdag mo pa na magiging busy na sila Taehyung simula ngayon dahil magp-prepare sila sa comeback nila.

"Ano ba yan Amethyst? Inano ka ba ng desk mo at kanina mo pa pinapalo?" Tanong sa akin ni Aisla. Nasa classroom kami ngayon at walang prof kaya karamihan sa mga estudyante umuwi na. Yung iba naman nags-self study. Kami naman nila Aisla, naka-upo lang sa classroom nagpapakamig.

Dapat naga-aral ako eh pero hindi ako mapakali.

"Ano ba kasing problema?" Tanong din ni Zoe.

Ayokong binabangit ang pangalan niya kaya sinulat ko nalang sa papel. Bigla naman akong binatukan ng dalawa.

"Hoy taken ka na! Bakit ka pa nagf-flames dyan?!"

"And worse, sa ex mo pa ha. Mahiya ka nga sa sarili mo pakamatay ka na."

Wagas maka-batok naman itong dalawang ito! Ang s-slow, sarap itapon sa ibang planeta eh. "Tanga! Tinanong niyo kung anong problema ko diba? Sya! Sya yung problema ko!"

Nagka-salubong naman kaagad ang kilay ng dalawang ito. "Wow te, move on move on din." Asar ni Aisla.

"Sira! Matagal na akong naka-move on."

"Eh bakit mopa sya pinoproblema?" Tanong ni Zoe.

"Kasi nakita ko siya noong isang araw! Bumalik lahat ng inis ko, na-bad trip ako eh." Hindi na tama yung pagka-inis ko eh.

Mukha naman silang nagulat sa sinabi ko. "Weh?!" Tanong nila pareho. Alam 'kong kahit na inaasar nila ako ngayon, naiinis din silang dalawa kay Sehun dahil nga niloko ako. Syempre mga bitch ko yan eh.

"Oo kaya nga simula kahapon nag-iba na timpla ko eh. Kapag nakasalubong ko ulit yung bulol na iyon, ewan ko nalang kung anong magagawa ko." Inis na tugon ko habang inaayos na yung mga gamit ko. Uuwi na ako, Malabo namang umuwi ng maaga si Taehyung, practice sila magdamag eh.

"Kapag nakita mo, wag mo nalang pansinin." Sabi ni Aisla habang gumaya na din sa pag-ligpit ng mga gamit niya.

"Yun nga yung binalak 'kong gawin noon eh hindi naman ako nakatakas. Ang kulit eh!" Tumayo na ako at sinuot ang bag ko. Gumaya naman yung dalawa at nag-simula na kaming mag-lakad palabas.

"Dapat sumigaw ka nalang."

"Tumakbo na nga lang ako eh sa sobrang bad trip ko." Wala na akong pake kung nag-mukha siyang kriminal, basta tinakbuhan ko lang siya.

Naka-labas na kami sa building at magla-lakad na sana papunta sa parking lot nang may makita kaming kumpulan na nangyayari.

"Ano meron?" Tanong ni Aisla sa amin at dahil di namin alam, nag-kibit balikat lang kami.

Pare-pareho kaming na-curious kung ano ang meron kaya naman lumapit kami at sumingit sa mga taong iyon para makita kung ano yung pinagbubulungan nila.

"Oh my gosh, ang pogi."

"I know right? Idol ba sya?"

"Hala shet, gusto ko siya maging boyfriend."

"May inaantay ba siya dito?"

"I swear, bukod sa Bangtan, siya na yung sumunod na gwapong lalaki sa buhay ko."

veneer | taehyungWhere stories live. Discover now