CHAPTER SIX

2.4K 55 5
                                    

HE IS SERIOUS. Iyon ang paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ni Jaymee ng mga sandaling iyon. Matapos ang naging eksena nila ni Jadee sa swimming pool, noon lang napatunayan ni Jaymee na seryoso ang binata sa sinabi nitong gusto siyang maging girlfriend nito. And just thinking about it, she felt the excitement in her heart. It's been five long years since the last relationship she had. Pero sa tuwing naiisip niya ang age gap nilang dalawa ni Jadee, at sa tuwing naaalala ang koneksiyon nito sa dating nobyo, bigla siyang umaatras. Besides that, Jaymee is afraid of herself. She's afraid of what might happen. Paano kapag mangyari ulit ang nangyari sa kanila ni Paulo noon? Ang magsawa si Jadee sa ugali niya at iwan na lang siya. Dahil doon, hindi niya maiwasan na maalala ang nakaraan nila ni Paulo. Ang araw kung saan sila naghiwalay nito.

Jaymee is independent. She has her own world, she decides on her own, do things on her own. Pinalaki siya ng Mommy niya ng ganoon, palibhasa ay single parent. Lagi itong nasa trabaho at tanging kasambahay ang kasama niya. Hanggang sa nagdalaga siya, pinagkatiwalaan siya ng ina na magdesisyon sa kanyang sarili. Kapag nasaktan at nadapa siya, tinuruan din siya ng ina na tumayo at solusyunan ang problema mag-isa. Saka lang ito nakikialam kapag sinabi na niyang hindi na niya kaya. Kapag may gusto siyang gawin, ginagawa niya iyon ng walang paalam kay Paulo. Isang bagay na lagi nilang pinagtatalunan. Dahil hindi siya ang tipo ng babae na submissive sa boyfriend. She hates that actually, pakiramdam niya ay minamanipula nito ang kilos niya.

"Ano bang mahirap sa magpaalam, Jaymee?!" galit na tanong ni Paulo.

Salubong ang kilay na lumingon siya sa nobyo.

"Why do I have to tell you everything? Hindi ko ba puwedeng gawin ang gusto ko? Lahat ba kailangan ko na ipaalam sa'yo?!" galit na tanong din niya.

"Oh, actually yes! Because that's what husband and wife do! Kapag kinasal na tayo sa ayaw at sa gusto mo, kailangan kong malaman ang mga desisyon na gagawin mo!"

"You know me, Paulo. Hindi ako ganoon, I hate that!"

Bumuntong-hininga ito.

"Alam ko, Jaymee. Pero kapag mag-asawa na tayo, kailangan mong baguhin 'yon," anito.

"You're manipulating me," sabi niya.

"I'm not! Ang gusto ko lang naman malaman kung nasaan ka! Pero wala akong intension na pigilan ka!"

"Pareho na rin 'yon!"

"Shit!" galit na bulalas ni Paulo, sabay talikod sa kanya.

"Ang hirap sa'yo, alam mo ng ganito ang ugali ko! You're turning me into someone else, Paulo! Sinasabi mong mahal mo ako, puwes, kailangan mong tanggapin kung ano at sino ako!" giit niya.

"I've had enough of you, I'm quitting! I can't do this anymore!" biglang sabi nito.

"What?!" gulat na tanong niya.

"Isa lang naman ang hinihiling ko mula sa'yo, Jaymee. Respeto bilang boyfriend mo, at mapapangasawa mo. Palagi na lang akong itsapuwera sa buhay mo, gumagawa ka ng desisyon na hindi ko alam. You see, I want us to do things together and build a happy life, nang sa ganoon pagtanda natin, marami tayong babalikan na memories na magkasama. But you keep living on your own world. Ang hirap mong pakisamahan. Gusto mo palagi kang mag-isa? Sige, simula ngayon, wala nang makikialam sa'yo. Be alone forever, tutal 'yan naman ang gusto mo, di ba?! Let's just call off the wedding, and break up! I can't live with a woman like you anymore. Nagsasawa na ako sa ganito!"

A Beautiful Danger (Soon to PUBLISH on PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon