Kwareinta'y Kwatro

142 6 0
                                    

Greenery

Sana

It's been one week since the meet and greet the clan happened. As of now everything is fine. His parents are so weird. Naalala ko tuloy noong paalis na kami.

Nasa garden na kami ng tawagin ng kami magulang niya.

"Wait! Daughter in law". Sigaw ng Mama niya sakin. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng ibang guest. Napayuko lang ako ng konti.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Balik ka ulit dito ah. Don't be offended sa sinabi ng Father in law mo kanina ah. You know matanda na kase. Mahina na ang utak sa mga salita". Palabirong paliwananag ni Mamita.

Hindi naman ako na offend sa tinanong ng Papa niya. Na isa rin daw ba akong Architect? Nope. I'm pround to be the right hand ng isang Architect! In short Draftsman.

Sa totoo lang napakabait nga ng parents ni Pain. Akala ko nga dahil mga professionals ang pamilya nila. Kagaya ng mga napapanood ko sa teleserye. Mataray at masungit ang buong clan niya. But i guess i'm wrong.

Dahil napaka down to earth nila. Even his grandparents at siblings. Approachable naman sila. Except his father. In physical appearance, he looks like a shy type kind of guy. Pero hindi. Kapag nagsalita na sa ibang tao ay napaka dominante at bossy.

Kaya nga natakot ako ng konti ng tanungin ako. But kakampi ko naman si Mother in law kaya pwede na.

"Hindi naman po Tita. Okay lang po yun sakin. Wala po yun. Promise. Peksman mamatay man ingrown ko!". Tinawanan lang ako ni Tita.

"I know. Hindi ikaw iyong tipong nagtatanim ng sama ng loob. I have something for you". Inabot niya sa akin ang isang photo album na kulay pink.

"Try to look at it after kang ihatid ni Pain. Mabuti at wala siya. Baka bawiin niya iyan pag makitang ibinigay ko sayo". She giggled. Wala si Pain nung ibigay sakin ng Mama niya ang photo album. Kinakausap siya ng mga kapatid niya.

"Sige po itatago ko nasa bag Tita".

"From now on, call me Mama. I'm very happy may girlfriend na ang anak ko". Saktong bumalik si Pain kaya nagpaalam nasa amin ni Mama.

Nandito ako ngayon sa apartment ko tinititigan ang photo album na binigay ni Tita. Siguro mga childhood pictures to ni Pain. Malamang Iselin. Ganun naman palagi ang binibigay ng Mother in law sa Daughter in law nila.

Childhood pictures ng anakshies nila.

Binuklat ko ang unang pahina. Nandun ang tatlong bida sa Naruto. Si Kuya Kashi na limang taon na siguro. Si Pain na tatlong taon at si Neji na sanggol pa lamang dito.

Nakasuot sila ng costume sa isang party. Kung ano ang pangalan nila ay iyon din ang costume nila. Lakas!

Si Kuya Kashi na nag ala Sir Kakashi sa buhok nitong spiky at pati narin sa takip sa mukha. At ang damit kuhang kuha rin.

Well, Pain also. Tatlong taon palang naman siya dito kaya ang cute tingnan. Kulay orange ang buhok. Pati mga dekorasyon sa ilong at mukha ni Pain ng naruto character ay kuhang kuha. At syempre ang akatsuki costume ay present din.

Mas natuwa ako sa sanggol nasi Neji. Biruin mo ba naman. Nilagyan pa nila ng fake long hair na gaya ni Hyuga Neji ang bunsong anak nila. Also the costume swak na swak din. Except sa mata. Hindi puti.

Sayang sila. Kung kuha lang nila ang mata ng mga character na iyan. Sure panalo sila sa Cosplay! Grand Prize pa.

Mukhang cosplay ang inattendan ng magkakapatid dito sa picture na ito. I knew it!

Failing To FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora