Huminto ang kotse sa malaking bahay kong hindi ako nagkakamali sa kanila ang bahay na ito. Nauna siyang bumaba kaya sumunod ako.
“Paano mo nalaman na nandoon ako?” tanong ko kay Calyx
"Don't ask too many questions, I just saw you accidentally." masungit niyang sabi.
"Nakaninong bahay tayo?" tanong ko kahit alam ko naman na sa kanya. Sinasabayan ko ang lakad niya pero niya ako pinansin.
"Sir Calyx dumating po si Sir Kendrick at Sir Killian." saad ng maid.
"Calyx--" hindi na nila natuloy ang sasabihin ni Kendrick ng nakita ako.
"Cynea" sabay nilang sabi ni Killian.
"Prepare food for her. " utos ni Calyx sa maid. "Opo " mabilis na umalis ang maid.
"Cynea, bakit ka nandito? Saan mo nakuha ang mga sugat mo? " tanong ni Kendrick habang pinapa-upo ako sa sofa, 
"I saw her" nabalik ako sa ulirat ng mag salita si Calyx.
"Saan?" takang tanong ni Kendrick. 
"Malapit sa school hinahabol siya ng lalaki" cold na sabi ni Calyx sabay tingin sakin.
Nagkaroon naman ako ng oras para pag masdan ang muka niya iba yung amo ng muka niya ngayon may gentle side. Dati ng maganda ang at mapupungay ang mata niya pero ngayon iba yung dating, yung pilikmata niya, pointed nose niya at Kissable na lips lahat ng yun ang gwapo at sexy tingnan sa mata ko, baka dahil siya ang nag ligtas sakin kaya pumugi siya sa mata ko. 
"Really? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Kendrick tiningnan naman ni Killian ang sugat ko sa braso at binti.
"Malalim ang isang ito." Turo ni Killian sa binti ko. tinignan ko yun medyo malaki nga.
"W-wala yan malayo sa bituka" sabay takip sa sugat ko. 
"Sumundo ka sakin Sandoval." Utos ni Calyx kaya napatayo ako ng mabilis nakamutan kong hawak ko nga pala yung sugat ko sa binti nagalaw ko siya kaya nakaramdam ako ng sakit.
“Ouch." Bulong kong daing.
"Saan mo naman dadalhin si Cynea?" tanong naman Kendrick.
"Gagamutin ang sugat niya" masungit na sabi ni Calyx.
"Pwedi mo namang dito nalang gamutin bakit kailangan pang lumayo." rinig kung sabi naman ni Killian.
Hindi sila pinansin ni Calyx dumiritso 
siyang pumasok sa isang malaking kwarto kaya sumunod ako sa loob.
“Sigaw kalang Cynea pag may ginawang masama sayo si Calyx huh.” Sigaw ni Kendrick.
Nang nangkapasok na ako nakita ko agad si Calyx malapit sa kama. Oh my God anong kababalaghan ba ang gagawin namin. Maghunos dili ka self.
"Sit down " utos niya kaya umupo ako sa kama, ito na guyz ito na talaga!.
Ipinikit ko ang mata ko pero dumaan ang ilang sigundo wala akong naramdaman kaya nag mulat ako ng mata nakita ko si Calyx na may hinahanap. Nang makita nito ang medicine kit ay napabuntong hininga ako na excite ako sa wala.
                                      
                                   
                                              
                                           
                                           
                                               
                                                  