Chapter 19

76.1K 2.2K 320
                                    

CHAPTER 19

"I HEARD FROM ARRIANE that you got a fever. Are you okay now?" Ethan asked.

I just look at him and nodded.

"Inalagaan ka niya." Nakangising usal nito.

Muli ay tumango ako.

Anong ginawa ng lalaking 'to dito? Basta-basta na lang itong sumusulpot sa ospital at dire-diretso dito sa loob ng opisina ko.

Kumunot ang noo nito at mas lumapad ang pagngisi. Sumandal ito sa pader ng opisina ko.

"Sa hitsura mo parang hindi ka pinagbigyan. Hindi ka naka-score no?" Anito at mahinang natawa.

Binato ko ito ng hawak kong ballpen. Natatawang sinalo nito iyon.

"Get out of my office, I'm busy." Pagtataboy ko.

"Kawawa ka naman, K. Wala ka nang epekto sa kapatid ko." Patuloy nito.

Malakas akong napabuntong-hininga. Arriane left yesterday after she ordered foods for me. Pinainom lang ako nitong gamot at kapagkuwan ay nagpaalam nang umalis.

Seems that I can't tame that woman anymore. O pinipigilan lang nito ang sarili?

"Ayaw ka pa rin niyang payagang manligaw?" Ngising-ngisi si Ethan.

"D, umalis ka na. Nakakaistorbo ka." Pagtataboy ko.

"Uh, kaya pala ayaw kang payagang manligaw kasi may boyfriend na pala siya. What's his name? William, right? They look good together. Actually, kalat sa medya na may relasyon na sila." Kinuotan ko ito ng noo.

"Alam ko." Tipid na usal ko.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"Alam mo pero bakit wala kang ginagawa?"

Napabuntong-hininga ako.

"D, kung ayaw ng kapatid mo wala akong magagawa. Kung saan siya masaya at-"

"You're jealous." He cut me off.

Hindi ako umimik.

"Hindi mo sisirain ang kotse ng lalaking 'yon kung hindi ko nagseselos. Just admit it, K. You like my sister. Hindi na kita maintindihan. Kapag ang kapatid ko ang humahabol sa'yo, pinagtutulakan mo. At ngayong may umaaligid sa kanya, kulang na lang sirain mo pati bahay ng lalaki. You're dangerous in jealousy department, I can see it. I am your bestfriend and I know you. Kilala kita, Doc Prince. You always say that you don't care about my sister but deep inside, you really care for her." Napakurap ako sa sinabi nito at tumayo mula sa kinauupuan.

Humarap ako sa malaking bintana ng opisina ko at namulsa.

"I like your sister." I murmured and look at him. "But she's too young for me and I'm too old for her, Ethan."

"And so? Age doesn't really matter." Muling tumaas ang kilay nito.

"Hindi siya nababagay sa'kin. Napakabata niya para sa isang katulad ko. Makakahanap pa siya ng iba at-"

"Pero hinihintay mo siya." Seryosong sambit nito.

Natigilan ako.

"Ethan-"

"Hinihintay mo siya, Prince." Giit nito. "I saw how you look at her.  I can see it in your eyes. You're looking at her like she's your most precious gem. Why are you pushing her away? Dahil ano? Dahil naduduwag ka?" May halong panunuya ang boses nito.

I gritted my teeth.

"Hindi ko akalain na ang isang Prince John Kim ay naduduwag pagdating sa babae. 'Wag kang maghintay lang, K. Kumilos ka bago pa mahuli ang lahat. Kayong dalawa ang pinaka-ayaw kong makitang masaktan sa bandang huli. Again, make a move now. If she don't like you anymore, then win her back. 'Wag kang duwag." Anito sa nang-iinsultong boses.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Where stories live. Discover now