Patola

88 0 0
                                    

Maunlad ng lahat ng lugar sa Munisipalidad ng Bano pwera na lamang sa isang lugar na parte nito, ito ay ang lugar ng Tuleg. May pamilyang masaya at payak lamang ang pamumuhay, kubo ang kanilang bahay at napapaligiran ito ng mga halaman at pananim. Mga sari-saring bulaklak at mga nasa paso ang iilang mga gulay, ito ay pinagkukunan nila ng pagkain sa araw araw. Isa na rito ang pamilyang sina Mang Lato at Aleng Pat, wala sa puder nila ang kanilang dalawang anak dahil lumipat na ito sa iilang lugar na sinasakopan ng Bano ngunit hindi sila naging malungkot sa kadahilanang mayroon silang dalawang apo na ang pangalan ay sina kitkat at Muffin na nagmula sa kanilang magulang. Sila'y kambal at parehas na babae, makukulit at bibong bibo lalo na sa tuwing kakain sila ng nilutong pakbet at adobong kangkong ni aleng Pat. Ang kambal ay mahal na mahal ng kanilang lolo at lola dahil halos sanggol pa lamang ay iniwan na ito sa kanila. Sila na lamang ang nag-aruga, nagpakain at nagpabihis. Ilang taon ding hindi ito dinalaw ng kanilang mga magulang dahil nagtatrabaho ito at mayroon pinagkakaabalahang negosyo. Kahit pilitin man ang anak na tumira ang mga magulang sa syudad ay hindi maiwan iwan ang kinalakihang baryo ng tuleg.

Isang Umaga, nagising ang kambal sa amoy ng lutong adobong mushroom ng kanilang lola. Masayang kumain sila ay nagbibiroan tungkol sa paglaki ng katawan ng kanilang apo. Pagkatapos non ay iginugol ni mang lato ang sarili sa pagtatanin ng ibat ibang gulay sa mga espasyo na wala ng tanim habang si Aleng Pat ay tinuturuan ang mga apo sa paghiwa at pagluto ng mga gulay para sa hapunan, tinutuan niya rin ang mga bata kung paano magturon at maglaga ng mga kamute at saging.

Lumipas ang isang decada,  Si Aleng Pat at Mang lato ay nasa baryo pa rin ng tuleg ngunit marami na ring nagbago dala ng impluwensya ng ibang lugar sa kanilang baryo kaya pumapasok ang pagtitinda ng mga tao ng ibat ibang produkto. Mga ibat ibang pagkain na hindi karaniwan at mga kagamitang hindi alam ng taga baryo. Habang umuunlad ang lahat ay hindi namamalayang dalaga na ang kambal at labing walong taon na silang nasa puder ng lolo at lola.

Sa hindi inaasahang pagyayari ay napag-alaman nilang kukunin na sila ng kanilang mga magulang at pag-aaralin sa pribadong paaralan. Ngunit malungkot ang kambal na maiiwan ang kanilang lolo at lola. Kahit man ayaw ng dalawang matanda ay hindi na nila napilgil ang anak sa pagkuha ng kanilang apo kayat hinayaan na lamang at pigil ang pag-iyak nito. At sa bawat araw na wala sa piling ni Mang Lato at Aleng Pat sina Kitkat at Muffin ay parang nawala ang kulay ng buong bahay at animo'y nalanta ang mga halaman sa buong paligid. Hanggang sa tumanda silang dalawa ay hindi sila nadalaw ng anak at apo nila, lalong wala silang kakayahang pumunta sa dyudad dahil hindi na nila kaya ang byahe at hindi kabisado ang daan papunta sa kinaroroonan ng apo.

Walong taon ang nakalipas at bumalik sina Kitkat at Muffin, sa malayo pa lamang ay tanaw na nila ang bahay ng Lolo at lola, bumalik ang mga ala-alang tinuturuan sila kung paano maghiwa ng bumbay, kamatis at luya, pati na rin kung paano magluto ng merienda at tinuturuan sila ni Aleng Pat kung ano ang mga pangalan ng mga gulay at prutas sa kanilang hardin. Nang pagtapak nila sa harap ng bahay ay makikitang mas luma na ito hindi katulad ng dati, giray giray na, makikitang wala ng naglilinis nito ,pati na rin ang iilang espasyo ng bawat kahon ay wala ng tanim at damo na lamang ng nakikita. Matinding kalungkutan ang nadama ng magkakapatid ngunit nabuhayan sila nang makitang may kung anong usok ang nasa likurang bahagi ng bahay. Kagya't silang tumakbo papasok upang makita at mayakap ang kanilang lolo at lola dahil sa tagal na nilang di nagkita.

Ngunit, laking pagtataka nila ng madatnang nakaupo ang lalaking suot ay salamin at may hawak na larawan. Hindi sila makapaniwalang nawala na ang lola Pat at tanging ang lolo Lato na lamang ang nakatira sa bahay. Walang kamag-anak na iba at walang kapit-bahay na mag-aalaga sa matanda kaya iyon na lamang ang sitwasyong mamumutawi ng magkakapatid. Nagmano at niyakap nila si Mang Lato at humingi ng patawad dahil sa matagal na hindi pagbisita.

Walang asawa pa ang dalawa at inuna muna ang pag-aaral kaya hindi makauwi sa baryo ng lolo't lola dahil hindi pinayagan ng ina at ama. Kaya't nang muling makapiling na ang Lolo ay hindi na nagdalawang isip na ipalinis ang bahay, gumasta sila ng pera upang ibalik ang ganda ng estruktura ng bahay at taniman ng halaman ang bawat espasyo sa labas. Hanggang natapos ang lahat ng paglilinis ay nagplano na silang manatili sa lumang bahay at ipagpapatuloy na lamang ang buhay doon. At isa na sa plano ang pagbili ng lupa sa harapan at ipagawa ng dalawang palapag na building para sa negosyo at tutuluyan ng kanilang produkto. Ilang buwan ng lumipas at walang mgawa ang kapatid at hinayaang matulog ang lolo, kaya't dumunghay na lamang sila sa bintana at isa isang tinatawag ang pangalan ng mga gulay ngunit laking gulat nilang may halamang hindi pamilyar sa kanila at hindi kailan man nakita nila simula pa noong tinuturuan sila ng Lola Pat. Kaya't nag-isip sila ng pangalan para sa gulay na iyon, na may bungang pahaba at ib ang amoy kung hawakan, may palahibo at berde ang kulay ng katawan. Inisip nilang mabuti ang tawag dito, kinuha nila ang pangalang Pat at lato, na kung pagdungtungin ay Patlato, ngunit hindi nakumbinsi si Muffin sa salita bilang isang guro ay may ideya siyang ang lato ay baliktarin upang maging mas mdaling bigkasin. Kaya't imbes na Patlato ay naging Patola, ang pangalang pinagdungtung na mula sa dalawang taong nag-aruga at tunay na nagmamahal sa kanila.
Kaya't kinunan nila ang isang puno ng binhi na hanggang sa rumami. At negosyo nilang ideliver nila ang bawat gulay na inaani nila sa siyudad at isa na ang gulay na tampok na kinagigiliwan ng lahat ang gulay na patola na noong una ay hindi pa kilala ng lahat ng tao ngunit ipinakilala ito ng magkakapatid.

"Ito ang gulay na Patola, mula sa aming maliit na hardin noon ay dumami na ngayon. Matatagpuan lamang ito sa bakuran namin noon ngunit ngayon ay may nasa bakuran na ng iilan sa inyo ngayon kaya Patola ang tawag nito dahil kung kumain kayo ay tiyak na masasarapan at may maaalalang magandang alaala kayo. Slamat sa bumili.  "

Alamat SalatWhere stories live. Discover now