Deduction's

109 3 0
                                    

"Morning po sir!" nakangiting bati saakin ni manong guard

"Good morning din po manong!"

nag dire-diretso nalang ako ng pag-lalakad. Habang nag-lalakad pansin kung nakatingin saakin ang mga tao

Ano problema nila? bakit sila nakatingin saakin?

Ngayon lang ba sila nakakakita ng taong nakasuot ng hawaiian shirt sa opisina

Hindi ko na sila pinansin at pinindut ang 9th floor... Nakakatakot naman dito bat parang ang unti lang ng tao at ang luwag ng hallway halos lahat ng table nasa gilid at parang ang dilim masyado kumpara sa baba... Maraming tao, maingay, maliwanag, at hindi ganto kaluwag ang dadaanan mo.

Habang inoobserbehan ko yung paligid may nakita naman akong babae na tumatakbo papunta saakin

"Sir mag aaply po ba kayo?" hinihingal niyang sabi

"opo ng secretar----" di ko naituloy ang sasabihin ko ng hilahin niya ako

"ohhh... mag apply ka na goodluck!"

"po? ehh bat walang pila?"

"wala talaga kasi kaka sesante lang ni maam sa secretary niya kahapon"

"ahh okay po. Ako po si AJ short for Anthony Jose" sabay lahad ng kamay

"Ako si Anna Georgina. Anna nalang" sabay tanggap sa kamay ko

"ANNA!!!!! NASAAN NA YUNG PESTE KONG SECRETARYYYYY!?!?!?!?!"

"Patay! pumasok ka na" sabay tulak saakin

"Oo wait lang wag mo ko itulak"

"Geh bahala ka dyan! alis na ako!"

Aba'y ganon ganon nalang yun sabay takbo at iiwan ako sa ere

wala nakong nagawa kundi kumatok sa pinto na nasa harap ko

"PASOK!"

"Good afternoon po maam"

"What's good in the afternoon lalo na at isang minuto at dalawampu't lima kang late! Saan ka galing?!"

Wow! Bilang niya yung pag ka late ko hahaha ANGAS!

"Oo bilang ko ang mga late dito kung isang segundo pa yan late alam ko yan at anong angas-angas? Magpakilala ka na baka mamaya di pa kita kilala sesante ka na saakin!"

Nakakapag basa ba siya ng isip ng tao ang galing niya ahh. Nakita ko naman nginisian niya ako... Patay na! Wag ka na nga mag isip isip ng kung ano ano at nakikita niya pala magpakilala ka na!

"Ahmmm... My name is Anthony Jose G. Viceral Jr. (AJ) for short. I'm 29 years old turning 30 this year's April 31. May kapatid po ako kaso nasa ibang bansa na po silang lahat, yung mga magulang ko naman po kinuha na ni lord... Dati rin po akong secretary ng ibang companya ..."

"Okay. Pangalan lang ang tinatanong ko at kung ilang taon pero parang kwinento mo na buong buhay mo" masungit niyang sabi

SUNGIT naman ni maam

"Marami ng nagsabi niyan!"

"Po?"

"Na masungit ako? Marami ng nagsabi saakin niyan... Ohh siya tanggap ka na Athena Rose B. Gonzaga Ma'am A for short di kona kailangan sabihin kung ilang taon na ako dahil perehas lang tayo..."

"Anna will come here after 5 minutes at ile-lead ka niya sa station mo, umupo ka muna diyan at maghintay... Wag na wag kang magiingay kahit hininga mo o patak ng pawis dapat wala akong maririnig!"

Hininga, patak ng pawis paano yun?

Ang ginawa ko nalang ay kumuha ako ng panyo at itanakip ito sa bibig ko para hindi marinig ang paghinga ko...
Tinignan naman ako ni ma'am sakto nag-tagpo ang tingin namin...

"Uto-uto..."

Tok tok

"Ma'am."

"Anna paki-lead si sir. Viceral sa station niya at explain mo na rin sakanya ang mga gagawin niya... At sabihin mo ayoko sa Tatanga-TANGA!"

"Opo maam, sir dito po"

Mygodd kakastress kasungitan ni ma'am pero ang galing niya kaya niya mag basa ng isip ng tao.

"Wow! Angas room ko ba toh Anna Georgina?"
Baling ko sakaniya

"Oo! Maka- Anna Georgina toh! Pwede bang Anna lang o Georgina!"

"Ehh gusto ko ANNA GEORGINA ganda kaya! Pero mas gusto ko pa rin pangalan ni ma'am A...

"ATHENA ROSE B.GONZAGA"
Banggit sa pangalan niya

"Aba! Memorize mo... Sige nga ano yung B niya??"

"Borja."
Simpleng saad ko

"Paano mo nalaman? Bago ka pa lang dito ahh hindi ka pa nga nakakatagal ng isang oras... Paano mo nalaman? Ehh ako nga halos isang taon ko na nalaman yung Borja niya ehh"
Napatawa naman ako sa sinabi niya

"Bat ka natawa?"

"Hahaha... Wait.... Paano ko nalaman?
Nung tinulak mo ko nakita ko yung name sa table niya pero ang nakalagay
ATHENA ROSE B. GONZAGA... So nacurious ako... Pero ng simula niya kung kausapin nag focus muna ako sakanya at inoobserbahan ko siya... Kakaobserba ko sakaniya napatingin ako dun sa isang varification id niya at tinignan ang buong pangalan niya at dun ko nalaman na Borja ang B sa pangalan niya." Mahabang litanya ko habang nililibot ang tingin sa silid

Naramdaman ko naman na parang antahimik niya tinignan ko naman siya ayun nakanga-nga ang loka napa-ngisi nalang ako at sabay upo sa swivel chair ko...

"Galing mo naman!"

"Ayy oo nga pala! Ilang taon ka na dito sa Empire company (EC)"

"Ahh... Magta-tatlong taon na rin ako dito. Ako yung personal assistant ni ma'am A"

"Ano buong pangalan mo?"
Tanong ko bago ilapag ang kamay ko sa table

Nakita ko naman na umupo siya sa harap ng table ko

"Anna Georgina B. David"

"Mag-pinsan kayo ni ma'am A noh?"

"Paano mo nalaman?"

"Tanga lang! Diba tanong yun?"

"Ayyy sorry naman... Pero pakisabi nga saakin kung paano mo nasabi na mag-pinsan kami?"

"Madali lang. Nung tinanong ko yung pangalan mo may B. Karing sinabi kaya i came up with a deduction na mag pinsan kayo since mag-kaiba kayo ng apelyido...So magkapatid nanay niyo noh?"

"Uhhh o-oo, GALING MO BAKLA! Paano mo natutunan yun? Siguro hindi sa company ang future mo kundi sa quiapo hahaha..."

"Pero isang taon bago mo nalaman na borja rin si ma'am A? Paano?"

"Ahh totoo yung sinabi ko kanina sa pag kalam ko nung B. Niya sa pangalan niya dun ko rin nalaman na magpinsan kami... Tsaka laking states si insan umuwi daw siya dito para itatag ang Empire company..."

"Ahhh okay... Parang long lost cousin ganern?"

"Parang ganun na nga pero... Icha-challenge kita kung magaling ka dyan sa mga deductions mo keme-keme... Kung magaling ka ano pa ang alam mo kay ma'am?"
Panghahamon nito

"Ahhh... If my deductions are correct ma'am A has 6 brothers and sa pag obserba ko bunso siya at sa tingin ko siya lang ang nag tatag ng Empire Company..."

"Wow! A----" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng marinig namin ang pinto bumukas....









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You My Boss ❤Where stories live. Discover now