Prologue

190 6 6
                                    

MiyuChii here na besh..🤣

*****
"Ano?!Hindi ka ba magmamakaawa sa amin bata?!"

"Umiyak ka na bata!hahaha!"

"Wag kang mag-alala. Kapag anjan na ang pera makakalaya ka agad kaya wag kang matakot bata."

Kanina pa ang mga ito nagsasalita pero di niya ito iniintindi.

Takot?

Wala siyang nararamdamang takot!

Nakatali ang tig-iisang kamay niya sa tig-iisang poste,ganun din ang tig-iisang paa niya habang nakatayo at nakapiring.

Hindi din niya alam kung nasaan siya dahil di naman niya makita ang paligid.

Marami siyang nararamdamang sakit sa katawan niya lulan ng pagkakakaladkad sa kanya simula ng bigla na lamang siyang damputin nang mga di kilalang taong ito.

May takip kasi ang mga mukha nito.Lima silang lahat at malalaki din ang katawan nito kaya wala magagawa ang 8 years old na batang lalaki tulad niya sa mga ito.

Pauwi na siya galing sa eskwela at hinihintay niya ang kanyang sundo.

Ang driver nila.

Mayaman sila kaya hatid-sundo siya.

Iniingatan din siya ng kanyang magulang dahil nag-iisang anak lang siya at siya ang tagapagmana ng kanilang kompanya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang driver nila.

Sumakay agad siya sa likod at nagsimula ng paandarin nito ang kotse.

Napansin niyang na iba ang daan na tinatahak nila at bigla nalang itong tumigil.

"Manong Ted?Bakit po tayo huminto?" tanong niya sa driver nila.

Matagal na nilang driver si manong Ted. Mabait ito lalo na sa kanya. Siya kasi yung nanjan dahil laging busy ang mga parents niya sa trabaho.

Tiningnan lang siya nito na parang humihingi ng tawad tapos bigla nalang may nagbukas ng pinto ng kotse galing sa labas.

"Baba!" sigaw sa kanya ng isang lalaking may takip ang mukha.Mata lang ang hindi natatakpan nito.

Bigla siyang nakaramdam ng takot.

Bigla siya hinawakan nito at hinila sabay kaladkad sa kanya.

At bago pa siya makasigaw ay sinuntok nito ang kanyang sikmura at ang huling narinig niya bago mawalan ng malay ang boses ni Manong Ted na humihingi ng tawad.

Hindi niya maintindihan na sa murang edad niya ay naranasan niya ito.

Paano siya pinagkalulo ng tinuturing niyang pangalawang ama.

Nasasaktan siya.

Pero bakit walang kahit isang luha ang nais umalpas sa mga mata niya?

Poot!

Pagkamuhi!

Ito ang nararamdaman niya.

Kapag nakalaalis siya sa lugar na ito.

Hindi lang dun magtatapos ang lahat.

Dahil dun pa lang mag-uumpisa ang paghihiganti niya.

Paghihiganti!

Ito ang unang tumatak sa isip niya kapag nakaalis siya sa lugar na ito.

Tinanggal ng isa sa mga dumukot sa kanya ang piring sa kanyang mga mata.

Tiningnan niya ang buong paligid at napansin niyang nasa isang abandonadong building siya.

Tiningnan niya ng masama ang lalaking nasa harapan niya.

"Bata!Wag mo akong tingnan nang ganyan!Ang angas mo din noh?!"sabi nito sabay suntok sa mukha niya.

Nalalasahan niya ang sarili niyang dugo sa pagsuntok nito.

Hindi siya nakaramdam ng sakit.

Naging manhid na ata ang pakiramdam niya.

"Ang tapang mo ding bata ka noh?" sabi nito sabay kuha nung bakal na galing s apoy.

Nagbabaga pa ito at umusok at walang pasabing diniin ito likuran niya. Sa bandang balikat.

"Aaaahhhhh!" napasigaw siya sa sakit.

"Ayan!May boses naman pala.Bwisit!Kailangan ka palang saktan para lang magsalita!" sabi pa nito.

"Oh!Sagutin mo ang tawag na yan. Kanina pa yan tumatawag.Wag kang magkakamali." sabi nito at niloud speak ito.

["Shi-shi!!Asan ka na. Nagtext ka sa akin kanina. Sabi mo pumunta ako sa address na sinasabi mo dala ang sampung milyon.Kaya lang wala akong pera eh.Ilan ba yun?"] inosenteng sabi ng batang babaeng boses sa kabilang linya.

Nanlaki ang mata niya.

Hindi siya nagkakamali ng rinig. Ito ang pitong taong gulang na kababata niya.

"Wag kang pumunta dito rara!!Wag na wag kang pupunta!"

[Huh?Di ba sabi mo pumunta ako?Malapit na ako eh.amp]

Bigla siyang nakaramdam ng takot.

"Peste kang bata ka!"'sabi nito pagkatapos ibaba ang tawag at pinatay ang cellphone ko.

*boogsh* suntok sa kanya nung lalaki.

"Ang lakas ng loob mo bata!"sabi nito sabay suntok sa kanyang sikmura.

Si Rara.. Hindi!

Hindi siya pwedeng madamay!

"Parang awa niyo na!Ako lang ang kailangan niyo di bah?Wag niyo ng idamay ang iba!" pagmamakaawa niya sa mga ito.

"Tumigila ka!" sigaw nito.

Napatigil sila ng may marinig silang sirena ng pulis.

"Tangna pare!May nga pulis!" tarantang sabi nito.

"Peste!Kunin niyo ang bata!"

Tapos bigla nalang may nagpaputok.

Madaming putok.

"Pare!Tapusin mo na ang batang yan!May isa pang bata dito!" sigaw nung isang lalaki kaya binaling niya ang tingin niya sa gilid niya.

At sa gilid ng mata niya ay nakita niyang may nakatutok na baril sa isang batang babae.

At bago pa siya makasigaw ay naiputok na nito ang baril dito..

Sa nag-iisang kababata niya.

Si Rara...

Nakita ng dalawang mata niya ang pagbagsak nito sa lupa.

Puno ito ng dugo.

Biglang namanhid ang katawan niya.

Galit ang nararamdaman niya.

Maghihiganti siya!

Matitikman nila kung paano niya gawin sa kanila ang ginawa nila sa kanya.

He will let them taste what Hell is.

Because later on...

They will taste...

The Devils Revenge..

At nawalan na siya ng malay...

****
Please do vote po. Thanks. :)

D7G : The Devils RevengeWhere stories live. Discover now