Chapter Twenty Nine (The Fate Will Never Approve)

293 9 10
                                    


Nandito lang naman sa may labas ng bahay si Richard.

Pinagmamasdan niya yung mga magsasaka na namumutol ng mga tubo.

Lumapit siya sa isa sa mga magsasaka.

"Kuya? Papano po baa ng trabahong yan? Pwede din ho ba ako diyan?" tanong ni Richard.

"Pupwede naman hijo. Ang kaso kakayanin mob a?" nag aalangang tanong nung magsasaka sa kanya sabay tingin sa kanya mula paa pataas.

"Eh sa itsura mo pa lang eh halatang halata naman na anak mayaman ka." anito.

"Hindi naman po sa ganon. Pero handa naman po akong matuto eh." Ani Richard.

"Sige, sumama ka sakin at tuturuan kita." Anito.

Saka tinuruan na siya nito sa pagsasaka ng mga tubo.

Si Erika naman ay naiwan sa bahay kubo nila.

Nagluluto siya ng kakainin ni Richard.

Hindi niya alam kung san nagpunta si Richard.

Pero gusto niya pag dating nito ay may makakain na ito.

Oo hindi talaga siya marunong magluto di ba.

Pero lately pinanood niya lahat sa kung papano magluto ang mommy ni Richard.

Kaya kahit papano eh natuto siya.

Kaya ngayon niluluto niya yung paborito nilang pagkain ni Richard.

Yung creamy mushroom chicken.

Ng magta tanghali na ay umuwi na doon si Richard.

Sinalubong siya ni Erika.

Nagtanggal ng sombrero niya si Richard.

Umupo sila sa upuan doon sa labas na gawa sa kahoy.

May mesa din doon.

Nasa ilalim sila ng puno ng mangga.

"San ka galing?" tanong ni Erika.

"Sa tubuhan. Nagpaturo ako don kay Mang Jaime kung papano magsaka. Sayang din kasi yung kita doon eh." Ani Richard.

"Magiging ok ka lang ba doon?" tanong ni Erika.

"Shempre naman ako pa. ang dami ko ngang natututunan ditto eh. Eh ikaw ba? ok ka lang ba doon sa tinutulugan mo? Eh walang kutson yun. Hindi ba sumakit yung likuran mo? Kasi pu pwede naman tayong bumili sa bayan."

"Don't worry about me. I'm fine." Sagot naman ni Erika.

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Eh hindi naman ito yung first time na natutulog ako sa walang kutson eh. Remember kapag doon tayo sa talon natutulog sa may tent puro mga bato din don. Mas masakit pa yun sa likod." Ani Erika.

Pagkataos ay hinanda na ni Erika yung kanin at mga plato at kutsara.

Nagsalubong ang mga kilay ni Richard ng Makita niya iyon.

"Nagluto ka?" tanong ni Richard.

"Oo." Sagot ni Erika.

Saka sinalinan na ni Erika ng kanin ang plato ni Richard.

"At kailan ka pa natutong magluto?" tanong ni Richard.

"Pinapanood ko lang kung papano nagluluto si Tita Marissa. Eh gusto ko kasi palagi kang may pagkain pag dating mo. Lalo pa ngayon na magta trabaho ka na." Ani Erika.

Pagkatapos ay kaagad ng tinikman ni Richard yung niluto ni Erika.

Pinagmasdan ni Erika si Richard at tinignan ng mabuti kung ano ang magiging reaksyon nito.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon