Chapter 1

8 0 0
                                    


SUCH DOCTOR THINGS

Chapter 1

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga histopathology slides nang may pumasok si Maam Jiwon. Head ng hematology department sa laboratory.

"Doc. Pa-validate. Double check niyo na din kung irerelease natin yan kasi nagdududa talaga ako sa resulta, dok." Sabi ng med tech.

Binasa ko bawat detalye ng lab results at ng request saka 'ko pinirmahan para ma-validate ang resulta.

"Thank you dok!" Ngiti naman ang ginanti ko sa kaniya at bumalik na ako sa original kong ginagawa at yun ang magbasa ng mga slides.

Nang matapos ko na ang sangkatutak na slides na binasa ko, agad akong nagtimpla ng kape para mapa-kalmado ko ang sarili ko. Tiningnan ko na din ang orasan.

"5:00 PM palang pala ng hapon. Mahaba pa oras ko." Sambit ko.

Ganito ang buhay ko bilang isang Pathologist. Kami ang isa sa mga doktor na walang direct na contact sa mga patients. At isa kami sa mga nagpapatakbo ng laboratory dito sa hospital. Kung wala kami, hindi magiging fully operational ang laboratory.

As Pathologist, kami ang nagdedecide kung irerelease namin ang resulta ng laboratory. Dahil halos 70% ng diagnosis ng sakit, nagrerely sa laboratory. Kaya as a Pathologist, maingat kong nirerelease ang mga resulta.

Habang nagkakape ako at kumakalikot ng phone, may biglang pumasok na maingay na babae sa office ko. Si Sam. Isa na siya sa mga OB-Gyne dito sa hospital.

"Teh! 'Wag kang emotera dyan! Nakakaloka ka. Labas ka naman sa lungga mo kahit minsan lang! Nakakaloka ka!" Magiliw niyang sinambit sa akin. Buti nakauwi na yung mga matanda. Binatukan ko nga at napaaray ang gaga.

"Aray! What was that for!?" Tili niyang tanong sa akin.

"GAGA! Ingay mo. Rinig tayo sa labas. Punyeta ka. Oh, bakit naparito ka?" Tanong ko bigla sa kaniya.

"Gusto ko lang na inform kita na babalik dito sa Walter sa bansa at dito siya magtatrabaho." Sambit niya. Hindi ko alam pero bigla ako lalo nalungkot.

"May specialty ba siya?" Tanong ko sa kaniya.

"Meron besh. Internal medicine siya." Sambit niya. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi hindi ko siya makakasama mag-duty. At kung magkaduty man kami, siguradong hindi magkukrus ang landas namin.

"Oh, bat parang nakahinga ka naman ng maluwag. Gusto ko nga sabihin na dito ka din nagtatrabaho." Sabi niya.

"As if namang may care siya dun, noh?" May diin kong sinabi sa kaniya.

"Tinatanong niya kaya kung ano specialty mo. Sinabi ko na nasa Pathology ka. Tutal, malalaman niya lang rin yan balang araw." Sambit niya sa akin. Isang malaking OH MY GOSH! Binatukan ko nga.

"Bakla ka! Bakit sinabi mo!? Shuta ka talaga kahit kailan." Gigil kong sabi sa kaniya. Aba't tinawanan lang ako ng gaga.

"Buti nga hindi ko sinabing andito ka." Natatawa niyang sambit Hay nako! Pahamak talaga 'to kahit kailan.

"Teka. On-call ka ba? Bakit ka andito?" Tanong ko bigla sa kaniya. Medyo nagtataka kasi ako bakit andito 'tong bruhildang ito.

"Oo. Pero walang katao-tao sa ER. Hindi ka naman nag-oonline. Ano ba pinaggagawa mo at hindi ka online?" Tanong niya bigla sa akin.

"Halos katatapos ko lang magbasa ng slides." Sambit ko saka sumipsip ulit ng mainit na kape.

"Ay speaking of slides! May result na ba ng pap smear ni patient *blah blah*?" Tanong niya bigla sa akin.

Such Doctor Things (Slow Update)Where stories live. Discover now