What?!

789 27 1
                                    

MEGUMII P.O.V

  Nagising ako sa pamilyar na lugar . Heto ang aking dorm. Sa Heros Elite dorm. Apat na araw na ang nakalipas simula nung easy training part 1 at wala pa rin akong natatandaan sa labanan namin ni Akira. Sabi ni Raven ay pinauwi muna si Akira sa kanila at iniexamine ito . Muntik ko na daw itong mapatay. Ngunit kahit anong piga ko sa aking utak ay di ko pa rin maalala. Ano ba ang nangyayari sakin?

Apat na araw na akong usap-usapan sa university. Ang iba ay tila takot na takot kapag nadadaan ako sa harap nila ,ang iba ay kumakaripas ng takbo. Ang iba naman ay namamangha sakin. Pero seriously, I hate attention. Lalo na ngayon na kumalat na rin na isa na ako sa heros elite at lahat ng year level ay kaklase namin. Sumobra sa dami na ngayon ang aking ginagawa. Ngunit di pa rin ako sinasama sa mga power subject and physical combat ng higher level sakin. Dahil wala pa naman akong kaalaman sa mga sandata tulad ng espada at archer lalo naman siguro ng napakabigat na mga palakol. Although kasama naman ako sa kanila ngunit di pa ako pinapahawak ng mga sandata. Marami pa daw akong dapat na matutunan.

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Raven na nakasmile sa harapan ko . Kanina pa to e. Ayoko naman magtanong . Baka nababaliw na.

Lahat naman ng tingin sa canteen ay nasa akin ang tingin. What's new? Kaya pinagwalang bahala ko nalang. Tumayo ako .

"Ano ang kakainin mo?" Tanong ko kay Raven.

"Spaghetti, soda at hamburger lang sakin. Tapos ikaw na rin mag order sa mga wala pa. Busy kasi sila ngayon, may misyon ata tayo." Tila napahinto naman ako sa sinabi niya. Misyon? Kasama ba ako don? Hindi naman malabo dahil isa na ako sa heros elite di ba? Ngunit ito ang magiging first time ko kung sakali. Kinakabahan ata ako.

"Don't worry nagpaplano palang sila mga next month pa siguro ang misyon natin ."saad ulit ni Raven.

"Kinakabahan ako ." Tanging nasaad ko nalang .

Umiling naman ito at ngumiti ulit.

"Di ka naman namin pababayaan lalo na ni Prince Javier." Lalong lumapad naman ang ngiti nito.

"Teka? Bakit nasali sa usapan si Javier?" Nakakunot noong saad ko rito.

"Mag order kana baka magkaubusan na dami na ng bumibili o." Sabay turo sa mga tao na nakapila . Iniba nanaman ang usapan nitong babaitang ito kaya naiiling nalang akong tumungo sa mga taong nakapila upang pumila . Ngunit nagtataka nalang ako at binibigyan nila ako ng daan at nasa unahan na ako ng pila. Atsaka ko tinignan ang mga tao na nakapila parin at nakangiti sakin kaya nginitian ko nalang sila at nagpasalamat. Nag order nako ng sangkatutak na mga pagkain . Parang 30 katao ang kakain ng order ko at lahat ay napanganga ng kinuha lahat ng nagtatrabaho sa canteen ang order namin at dinala sa place namin dito rin sa canteen.

Napabaling ako sa pwesto na ngayon ay nandun na pala ang mga heros elite pwera lang kay Akira, na ang sasaya ng mga mukha ng dinala doon ang mga pagkain lalo na si Ustin at Julius na ang lalapad ng ngiti. Napailing nalang akong nakangiti habang papalapit sa kanila. By the way , di na ako nagbabayad sa canteen dahil part na daw ako ng heros Elite kaya libre lang ito samin dahil ang hari naman daw ang may gastos ng lahat . Kaya pala ang lakas ng mokong na Javier na itong awayin ako noon.

Naka upo na ako at tinignan ko sa beshy na namumula ang pisngi.

Parang alam ko na kung bakit ha. Katabi lang naman nito si Julius na sineserve pa talaga si beshy. May napupuna talaga ako sa dalawang to e. Well , bagay naman kung nagkataon. Kaya sinimulan ko ng kumain. Tulad ng dati ay magana parin akong kumain ngunit sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Akira ay parang naguguilty ako. Ewan ko ba. Pero wala naman talaga akong matandaan sa mga nangyari. Ngunit hinayaan ko muna si Akira at kumain. Tinignan ko naman ang katabi kong napakatahimik at nakatingin lang sakin . Oo sakin, at hindi ito kumakain kaya napalunok naman ako . Ano nanaman nasa utak ng lalaking ito? Walang iba lang naman kundi si Javier.

"We need to talk. Later, after this meal." Sabi naman niya . Kaya napatango nalang ako sa kanya. At nagpatuloy sa pagkain. Siguro kailangan ko rin siyang makausap ngayon dahil sa asta ko sa kanya sa clinic. Pero namimiss ko yung inaaway niya ako. Weird feelings.

After namin kumain sa canteen ay dumeretso na ang iba sa heros elite at kami ni Javier ay dumiretso dito sa garden na walang taong nagagawi . Ang ganda naman ng garden na ito ngunit walang taong nagagawi rito , minsan di ko rin alam ang trip ng mga student dito.

Umupo ako sa grass at nakatayo lang si Javier.

"A-ahmmm---"

"We---"
Sabay kami. Kaya nahiya naman ako .

"Go on, speak..." sabi naman ng malalim na boses nito.

Kaya napalunok nalang ako . Heto na ! Kaya ko to ! Sana.. kakayanin ..

"Ah e, k-kasi" bakit ba ang hirap mag sorry naku naman!

"S-sorry pala sa inasta ko nung sa clinic ha . Alam ko naman na c-concern ka lang sakin pero tinarayan pa kita tapos pinaalis. Sorry talaga at salamat pala sa napakasarap na pagkaing linuto mo sakin."mahabang sabi ko habang nakayuko. Kinakabahan talaga ako.

"Your welcome." Saad naman nito. Napaangat ang aking ulo at nagtama ang aming paningin.

Dug dug dug dug..

O my heart ! Stop it please!!!

"Are you done? Can I speak now ?" Tanong naman nito at napatango lang ako habang nakatingin sa kanya.

"Hey, stop that stare of yours, your drooling." Na ikinapula naman ng mukha ko . Nakakahiya! Kaya napayuko ulit ako. Bakit ganon? Ang gwapo parin nya kahit nakapoker face? Hays ano ba tong pinag iisip ko.

"First I want you to know that you are in in our mission. Your first mission. Don't worry I am here to protect you what ever happens."

Dug dug dug dug...

Talaga atang papatayin ako nito. May sakit na ata talaga ako sa puso naku ! Pag ako na tegi siya una kong mumultuhin . Grabe ang impact ng mga sinasabi nya sakin.

"And last thing, you need to know that we decided to add one more person to our group , the heroes elite. We need her too. But she needs more practice before she entered our group.  " Pabitin na sabi naman nito .

Sino naman ang madadagdag? Bakit kailangan pa akong mainform kung idadagdag naman pala siya sa group?

Kaya nakakunot noo akong tumingin ulit sa kanya.

"Sinong idadagdag?"takhang tanong ko.

"Your best friend Hilda." Nakapasok ang mga kamay nito sa bulsa niya at cool na sabi niya sakin. Unti-unting nagsisink in sakin ang mga sinabi nya.

Loading..
Loading...
Loading....
Loading.....

Wait! Tama ba ang narinig ko ? Si beshy . At napanganga nalang akong nakatingin sa kanya na ngayon ay lumalakad na papalayo . Tsk! Wala talagang manners! Nag uusap pa kami tapos iiwanan niya lang ako rito na nakanganga pa . Kaya sinara ko nalang ang aking bibig baka may makakita pa sakin dito at pagkamalan pakong nababaliw.

Itutuloy...

Sorry po kung napakaikli ng chapter na to . Bawi nalang po ako next chapter.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Where stories live. Discover now