Chapter 41

1.9K 82 9
                                    

IN JUST less than a day nawala na lahat ng  mga natamo nya sa laban. Tuluyan na syang nakabawi ng lakas at handa muling humarap sa kalaban.



At dahil nasira halos ang buong bahay nila Lucas, sa bahay nila Kia tumira ang mga ito. Malayo sa bahay nila pero malapit sa capitolyo. Umuwi din si Rufus nang makabawi na ito ng lakas pero ang sinabi nito ay babalik din agad dahil umaasang babalik pa ang anak nito.

Pinaghiwahiwalay sila ni Dallas, upang bantayan ang bawat maharlikang dugo. Pinuntahan nila Mezzy ang bahay nila Russ habang sila Levi naman sa bahay nila Ravin. Hindi sana sya ang maiiwan kila Lucas ngunit si Kia mismo ang nagpumilit na doon na sya. She used one of the spare room pero pinaghiwalay  sila ni Gabby dahil halos hindi na sya iwan ni Lucas kagabi.

After taking a bath and blow drying her hair, bumaba na sya upang mag umagahan. Hindi sya kinausap nila Keagan at Amarina kahit nasa iisang bahay sila ngunit hindi rin naman nya maramdaman ang pang aapi mula sa mga to.

"Lana.." .Natigilan si Lucas mang makitang wala na syang kagalos galos "You healed fast. I thought.... you will still be ....."

"Ah..." Napatingin sya sa kanyang kamay "Mukhang bumibilis na nga maghilom ang katawan ko. I wasn't expecting it actually"

Umiwas ng tingin si Amarina.

"Lana maupo ka na nang makakain na".wika ni Kia "we'll go at the capitol later"

Linagyan ni Lucas ng pagkain ang pinggan nya at hinayaan nya lang ito.

Napapalatak si Gabby habang nagbabasa ng newspaper "Iba na talaga ang media ngayon. Kung anu ano na ang pinapalabas nila. Ang sabi dito may anak daw sa labas si Danovan na kasalukuyang pinaghahanap nito. "

Natigilan sya sa narinig. Pasimple syang napalunok.

"You ok?" Tanong ni Lucas sa kanya nang mapansin na parang hindi sya kumportable.

"Uhm..." Tumango sya "Yeah I'm ok"

Nang basahin ni Gabby ang nasa pahina, muli itong pumalatak "Malalakas talaga ang loob nila. Talagang balak nilang kalabanin ang royal bloods. They said that nagkaroon daw ng relasyon si Danovan kay Luna Christina noon. They even put an old picture of them together. Not because you saw them talking into a bar doesn't mean may relasyon nila. They've gone mad"

"Eh kung sa kumain ka na kaya. Bakit ka ba nakikisawsaw sa buhay  nila" umiling iling si Kia.

She glance at the photo at the newspaper. She nearly scoff. So someone was actually there. And now her father knows everything.

Subukan mo akong lapitan. Makikipagpatayan ako sayo.....

"So Lana sasabay ka ba saamin later" tanong ni Kia

"Hindi po. Sa chief ako sasabay. " Aniya.

"The situation is not good, hindi natin alam kung kailan magpapakita si Crisanta. Mag ingat ka" may kahinaang wika ni Amarina pero narinig naman nya.

"She's right" pagsang ayon ni Gabby "Be careful, hindi magandang may iyakan ang apo namin"

Inilapag nya ang kubyertos saka huminga ng malalim "Hindi naman ako takot mamatay. It doesn't matter if I die in this mission. Basta kasama ko ang halimaw na yon sa pagkamatay ko ayos lang. Pagbabayaran nya nag ginawa nya kay Hugo"

Hinawakan ni Lucas ang kamay nya "Hindi ako papayag na mawala ka. I'll do everything to keep you safe. We'll fight this battle together"

Hindi sya umimik saka nagpatuloy kumain. Hindi sya papayag na sumali sa gulo si Lucas. Tulad ni Hugo, maaaring protektahan sya nito gamit ang sarili nitong buhay. Iyon ang bagay na ayaw nyang maulit. She will keep him out of danger. Kung may susunod mang mamamatay sya dapat yon. Hindi sya papayag na may mauna sa kanya.

The Bad BloodWhere stories live. Discover now