Chapter Twenty

2.8K 55 1
                                    


Nagulat ako ng makita kong sino yung nakabangga ko.

"Emelyn!?"- masaya kong sabi sakanya at niyakap siya. Remember her? Siya yung katrabaho ko noon doon sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.

"Blake! OMG kamusta kana? Omyy! May baby kana pala? Sino ama, siya ba?"- sabay tingin sa likuran ko kong saan nakatayo si Hiro.

"Ahh.. Mahabang storya, kukwento ko nalang next time. At wait, ano ginagawa mo dito?"- tanong ko.

"Dito na ako nagtatrabaho daii, taga linis dpende kong sino magpapalinis ng kwarto. Umalis ako dun sa restaurant kasi napupunyeta ako kay manager!"- ingos niya. Napatawa ako dahil sa reaction niya, hindi niya rin pala kaya tiisin yung nagpapasira ng araw ko noon.

Nagpaalam narin ako sakanya pagkatapos ng konting kamustahan at hingi ko number niya para matext ko siya pag gusto ko siya makausap.

Nasa 5th floor ang condo ni Hiro kaya sumakay kami ng elevator.

Narating na namin ang 5th floor, malawak ang palapag at may dalawang room lang ang palapag na ito. Mas malaki yung isa at katamtaman itong kay Hiro.

Naunang pumasok si Hiro sa loob. Papasok na sana ako ng marinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto sa katabi ng room ni Hiro.

Nagulat ako ng may isang babaeng tinulak sa labas, naka tapis lang ito ng kumot at magulo ang buhok nito.

"Subukan mo pang bumalik dito bitch!! Kakalbuhin na kita!! Umalis kana kung ayaw mong mamatay!"- sigaw nang babae na nasa loob, hindi ko maaninag ang mukha niya kasi natatabunan ito ng buhok niya. Nagmamadaling umalis ang babae, napatingin pa ito sakin pero umiwas din.

"Ano ba problema mo! Leave me alone!"- huling narinig ko bago malakas na sinarado ulit ang pinto.

Nag kibit balikat lang ako at pumasok na.

"Anong ginagawa mo sa labas?"- tanong sakin ni Hiro. Nag hahanda siya ng pagkain sa lamesa at papunta naman ako sa sala at umupo.

"May nag-aaway kasi dun."- sagot ko.

"Hindi ka na sana nakinig baka madamay ka pa sakanila"- sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at umidlip nalang.

*****

"Blake.."- nagising ako sa isang tapik. Minulat ko ang mga mata ko at tumambad saakin ang mukha ni Hiro. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko at umayos ng upo.

"Hindi na kita masasabayan kumain ngayon. Kumain ka na, aalis muna ako. Pupunta ako sa opisina ng tito ko, babalik ako mamayang gabi, okay ka lang ba dito? O baka gusto mo sumama?"- pagpatuloy niya.

"Okay lang ako dito Hiro, mag-iingat ka ha."- sabi ko. Hinalikan niya lang ako sa noo at umalis na. Pumunta ako sa kusina, hotdog at ham ang niluto niya kaya kumain na ako.

"Ang sarap kumain ng mangga"- sabi ko habang ngumunguya. Napatingin kasi ako sa ref at nakita ko yung mangga na sticker magnet na nakalagay dito.

Ayoko pa naman maglihi kasi nasasaktan ako tuwing hindi ko nakukuha ang gusto ko.

Mabilis ko nalang tinapos ang pagkain ko at pumunta ng sala. Pina ON ko yung TV at nanood ng palabas.

"Ugghh!! Gusto ko ng manggaaaa"- sigaw ko. Huhu gusto ko talaga kumain ng mangga!

Pinatay ko nalang ang TV at naghanap ng damit. Lalabas nalang ako, bibili ako baka may malapit na tindahan ng mangga rito.

Lumabas na ako ng condo ni Hiro at naglakad papuntang elevator.

Naghihintay lang ako na bumukas ito.

Ilang minuto lang ay bumukas ito...

At tumambad sakin ang mukha niya..

It's been six months. Pero malaki pinagbago niya, he's so hot. Mas naging gwapo siya ngayon, pero iba na yung awra niya.

Napahawak ako sa tiyan ko ng gumalaw ito.

Napatingin din siya sa tiyan ko. Nag iba yung mukha niya ng makita niyang buntis ako.

No hindi niya pwede malaman na anak niya ito!

Tatalikod na sana ako kasi babalik nalang ako sa condo ni Hiro ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Niyakap niya ako na parang miss na miss niya ako, pero syempre hindi na ako maloloko sa ganito. Sino ba naman ako sakanya noon? Isa lang namang parausan.

Pinilit kong kumawala sa yakap niya pero hindi niya ako binitawan. Hinayaan ko nalang siya hanggang sa bitawan niya ako.

"Blake...I miss you"- mahina niyang sabi at hinalikan ako. Hindi ako tumugon kasi ayaw ko, pero traydor nga ata talaga ang puso kasi hindi nagtagal tinugon ko ito. Naging mapusok ang halik niya at doon na ako naglakas ng loob na itulak siya.

"Pwede ba Zike..."- inis kong sabi. Tumalikod ako sakanya dahil nasasaktan ako, hindi dahil sa halik niya kundi dahil sa presensya niya!

"Where have you been for almost 6 months?"- tanong niya.

"Wala ka ng pakialam dun"- sagot ko at naglakad ng mabilis. Naabutan niya parin ako at hinila paharap sakanya.

"Why are you doing this to me Blake!"- inis niyang tanong. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ang sakit pa rin.

"E ikaw! Bakit mo ginagawa sakin to!? Ayoko na sanang makita ka pero bakit nakita pa rin kita!?"- sinubukan niyang hawakan ang mukha ko pero tinabig ko ito.

"Don't touch me! Just leave me alone. Ayokong makita ka!"- sabi ko at nagmadaling buksan ang pinto. Papasok na sana ako ng bigla niya akong tinanong na nagpahinto sakin.

"Who is the father of that baby? I heard your 6 months pregnant. Ako ba?"- seryoso niyang tanong. Napahawak ako sa dibdib ko kasi nasasaktan ako, tahimik akong umiiyak habang nakatalikod sakanya.

"No...h-hindi.."- tanging sagot ko at isinara ang pinto. Napaupo nalang ako at humagolhol, ayoko na siyang makita pero bakit hindi yun mangyari? Sana hindi nalang ako sumama papunta dito! Edi sana hindi ako nasasaktan ngayoon!!

To be continued.....

Love as a Sex SlaveWhere stories live. Discover now