First and Last Heartbreak

63 5 0
                                    

-- START --

"Ano ba naman yan, Krisha! Wag mo nga ipakita ang mukha mo sa'kin! Ang panget mo!"

Si mama, siya ang unang nanglait sa'kin.

"Kahit kailan! Wala kang kwentang anak!"

Si mama, siya ang unang babaeng nagbitaw sa'kin ng masasakit na salita.

"Ano?! Top 2 ka lang?! Kahit kailan ang tanga tanga mo!"

Si mama, babaeng kahit kailan di naappreciate ang gawa ko.

"Ano?! Bat ka umiiyak diyan?! Wag kang madramang babae ka! Maglinis ka na!"

Si mama, wala siya sa tabi ko tuwing kailangan ko siya.

"Bat ba ikaw pa ang naging anak ko?!"

Si mama, na kahit kailan di ako tinanggap bilang anak.

"Sana di na lang ikaw ang anak ko!"

Si mama, na kahit kailan... Hindi ako minahal.

---

"Mama naman eh! Akala ko ikaw ang magiging kakampi ko! Akala ko ikaw ang unang taong magpaparamdam sa'kin kung pano mahalin. Unang taong magmamahal sa'kin. Pero bakit? Pero bakit ikaw pa ang unang taong humihila pababa sa'kin? Bakit ikaw pa, ma? Imbis na ikaw ang kakampi ko ikaw pa ang mismong nanghuhusga sa'kin. At alam mo kung ano ang pinakamasakit? Ikaw ang kauna-unahang taong nanghusga sa'kin... kauna-unahang taong sumira sa'kin. You're my first heartbreak, Mom."

---

"P-Patawadin mo k-ko, anak." Tumulo ang isang butil ng luha ni mama. Napahagulhol ako at niyakap siya.

"P-Pinapatawad na kita, M-Mama. B-Basta wag mo lang ako i-iwan, please? P-Please..." Masaganang tumutulo ang luha ko.

Tumingin ako kay mama. Nakasuot siya ng hospital gown... May sakit ang mama ko. Breast cancer, stage 4.

"P-Patawad kung hindi a-ako naging m-mabuting ina..." Napahagulhol siya. "Patawad...k-kasi hindi ko na k-kaya..."

Natigilan ako sa sinabi niya, nagtuluan ang luha ko.

"W-Wag mong sabihin yan, M-Mama... L-Lalaban ka diba? S-Sabi mo... B-Babawi ka sa'kin d-diba?"

Mumunti siyang umiling at sa huling hininga niya ay ngumiti siya sa'kin at sinabi ang katagang...

"M-Mahal na mahal k-kita... A-Anak ko."

You're my first and last heartbreak, Mom.

-- E N D --

Sorry na, guys. Huhuhu.

Don't forget to vote po.

Compilation Of One-shot StoriesWhere stories live. Discover now