Silent C

17 3 0
                                    


"Iya, I love you!!!" Nilingon ko 'yung lalaking sumigaw sa akin. Si Drei, ang heartthrob ng school namin, at the same time ang aking longtime crush.

"Manahimik ka! 'Di mo ko maloloko" I forgot to say na ang lakas din niyang mang-asar.

"Love naman talaga kita eh" sabi niya.

"Talaga?"

"Charot lang, naniwala ka naman. Hahahaha" sabi niya sabay apir sa mga kaibigan niya. Ako na lang palagi ang inaasar niya.

Nakakainis talaga ang lalaking 'yan. Maling paasahin ang mga babaeng katulad ko. Pasalamat siya crush ko siya at kaya ko pang magtimpi. Alam niyang gusto ko siya kaya siguro tinitake advantage niya 'yung feelings ko. Simula nung umamin ako sa kaniya palagi na niya akong inaasar.

"Charot, charot ka diyan. Para kang bakla!!! Nakakainis ka na" pero parang wala siyang narinig. Nakikipagtawanan pa rin siya sa mga kaibigan niya.

"Ang cute mo talaga Iya" sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo. Pa fall ka!"

"Pero charot ulit. Hahahaha"
---

Ganiyan na lang talaga ang nangyayari halos araw-araw. Lag siyang nagsasabi ng mga sweet talks pero laging may 'Charot' sa dulo. Ewan ko na lang kung kailan niya titigilan 'yan.

"Good morning Iya, pweding manligaw?" 'Yan na naman siya.

"Ano na naman 'yan Drei? Manligaw?"

"Charot lang! Hahahaha. Geh, kitakits na lang sa room" at tumakbo na siya papunta sa room namin.

"Inaasar ka na naman niya?" Sabi ng best friend kong si Sia.

"Ano pa bang bago?"

"What if i-confront mo na siya?"

"Pag talagang naubos na ang pasensya ko. Masasapak ko talaga ang lalaking 'yan. Wala na akong pakialam kung crush ko pa siya"

---

"Iya!!!" Siya na naman. Kalma Iya, si Drei lang 'yan. Baka masapak mo nang wala sa oras.

"Oh bakit?" Sabi ko sabay lingon sa kaniya. Kasama niya ang mga barkada niyang tumatawa lang sa tabi niya.

"Mahal kita" sabi niya in serious face. Ewan ko lang kung sincere siya dahil tumatawa talaga ang mga kaibigan niya.

"Manahimik ka!"

"Seryoso nga, mahal kita!" Sabi niya pa ulit. Hinintay kong dugtungan niya ng 'Charot' pero wala na talagang kadugtong. Ito na ba talaga 'yun? Totoo bang mahal niya ako?

"Hoy Drei! Seryoso ka ba talaga?" Tanong ko pero sinuklian niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Charot lang Iya. Ang sarap mo talagang asarin. Bwahahaha!!!" Tinulak ko siya nang malakas.

"Nakakainis ka!!! Nakakasakit ka na ng damdamin. Huwag mo na akong asarin pwedi?" Tinalikuran ko na siya bago pa tumulo ang mga luha ko. Nakailang hakbang na ako nang bigla na naman niya akong tinawag.

"Iya! Gusto kita- - - I mean mahal kita!!! Maniwala ka!" Sigaw niya kaya lumingon ako.

"Tapos 'charot' lang ulit? Pweding tumigil ka na?"

"Oo, charot ulit"

Nakakainis! Ba't pa kasi ako lumingon? Ano pa bang aasahan ko - - -

"Charot ulit, pero silent C"

"Huh? Anong silent C?"

"Charot, silent C. Anong sagot mo?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Harot?" Walang sure na sabi ko. Malay ko ba sa lalaking 'yan.

"Tama ka. Charot, silent C is harot. Wala ka namang nakikitang ibang babae na sinasabihan ko ng mga sweet words dahil ikaw lang naman ang nag-iisang haharutin ko panghabambuhay eh" nakangiting sabi niya.

Langya Drei! Kahit harot- - - este charotin mo lang ako araw-araw eh okay lang.

- - -
LadyLangLang

Silent CWhere stories live. Discover now