Kanya ka

10 0 0
                                    

Sa pagpikit ng aking mata
Mukha mo'y aking nakikita
Mga ngiti sa iyong labi
Kahit alam kong ito'y mali

May iba ka nang sinisinta
At mahal niyo ang isa't isa
Kahit na masakit isipin
Ito ay dapat kong pigilin

Ako ay lagi lang naririto
Kung kailan kailangan mo ako
At kung ikaw ay masasaktan
Ako'y pwede mong maiyakan

Kapag nagkaproblema kayo
Ako ay maaasahan mo
Ako'y hahanap ng sulosyun
Para dli na siya magtampo

Marahil ako nga ay tanga
Dahil sayo ay patuloy na umaasa
Kahit kaibigan lang ako
Na walang karapatan sa iyo

Mabuti na rin yung ganito
Ako'y pwedeng lumapit sayo
Na walang problema sa kanya
Dahil alam niyang sa kanya ka



Wrote this last January 15 2018
Ps. Happy fiesta Sr. Sto. Niño

Random Poems (Literary pieces) 📝by : Marrol Lor MioleWhere stories live. Discover now